CHAPTER 4

1169 Words
Revelation: She's vibrant as the colors of the rainbow. She's a master of deception. Karmy's Point of View "You will be staying here for the mean time while the maid's quarter is still not available." Itinuro niya ang maliit na kwarto na nasa ilalim ng hagdan ng bahay niya. What the f**k? Kailan pa ako nagswitch role to Harry Potter? Kahit peke ay nginitian ko pa rin si sir. "No problem bossing!" Magiliw kong sagot sa kanya kaso hindi man lang niya ako nilingon.  Syempre sumunod ako sa kanya at humantong kami sa hardin ng bahay. "Let's talk. Sit." Arf! Parang aso ey noh. Para wala ng magulong usapan ay sumunod ako sa sinabi niya total pinalamon niya naman ako kanina. "Ano 'yon bossing?" "Tell me your real deal." Seryoso niyang utos sa'kin habang nakatingin ng diritso sa mga mata ko. Anong akala niya? Magababa ako ng tingin?Hinuhuli niya ba ako? Pwes! "Scholar po ako na naghahanap sa nawawala kong kapatid." Mapanglaw ang mga mata at nakatingin ng diritso sa kanya na saad ko. Mababa at magalang kahit mali mali ang accent na gamit ko, weakness ng mga taong may sense of justice. 'Yong gustong sumunod sa yapak ni superman sa pagiging maawain. Alam ko namang kahit ganito ang ugali ng professor na'to ay maawain siya. In the first place ay bakit niya ako papapasukin sa bahay niya, pakakainin at tatanggapin sa trabaho kung hindi siya naawa sa hinabi kong kwento? "I know that part. Why chose being a housekeeper?" Dami mo ring tanong noh. Kung makatanong ka akala mo yaya mo ang inapplayan ko ey house keeper lang naman. "Kazi po bossing free house and lot na, free foodz at may datung pa ako. Konting kembot lang naman ang kailangang gawin sa ganitong bahay." "Okay okay, pwede mo bang baguhin 'yang pagsasalita mo?" Napasinghap ako sa sinabi niya. "What?" " Don't tell me, judge kayo bossing?" "What? Professor ako hindi judge." "Ey bakit kayo judgmental sa pagsasalita ko?" "Fine fine, ilagay mo na ang mga gamit mo sa kwarto mo. And you may cook for your dinner but don't wait for me, I'm eating outside." Tumayo na siya at pumasok sa loob ng bahay. "Yiz na yiz bossing!" Sagot ko sabay salute sa kaniya. Napatingin na lamang ako sa kalangitan at napabuntong hininga. Dami kong sakripisyo para sa'yo Olaf.       As useless, ako na naman ang hakot awardee sa atensyon. Well, 'di ko sila masisisi. Buhok ko pa lang ulam na, kulay hipon ba naman. May mga natatawa mapababae o lalake. May nambabato ng mga nilumukos na papel at may parang galit makatingin sa'kin. Pakebels ko ba? Taas noo liyad dibdib at tingin ng diritso lang ako habang naglalakad ako sa hallway papuntang classroom. Kaninang umaga ay maaga akong gumising para ipaghanda si bossing ng agahan at dahil hindi naman masyadong makalat ang bahay ay madali akong natapos sa paglilinis. Bago pa gumising si bossing ay nakahanda na ako papuntang school. Alam kong nag-eexpect si bossing na magkakapalpak palpak ako sa gawain ko. Hah! Akala niya ha. Hindi ko hinayaang may mapuna siya sa trabaho ko kaya pulidong pulido ang lahat ng aking gawain mula sa paglilinis hanggang sa pagluluto. Kahit isa akong O'Hara ay natuto ako ng ganito dahil sa nature ng trabaho ko. Hindi naman ako pwedeng magdala ng maid sa bawat misyon ko noh kaya sariling sikap talaga. At ngayon ay nagamit ko pa 'to bilang isang disguise. Pinasabay naman ako ni bossing 'yon nga lang sa malapit na park niya ako inihinto. Ayaw niya palang ma-issue edi go. Bumaba na lang ako at nilakad papuntang school tutal malapit lang naman. At ngayon naman ay balik skwela ang peg ko. As useless, wala pa akong katabi.  Parang ang tingin nila sa'kin ay bacteria ey, mga echosera.  Tulad lang ng normal days ang scenario sa loob ng classroom. May mga nagkwekwentuhan, may naghaharutan at may natutulog o nagbabasa lang. Ako naman ay feeling cool kaya sa labas ako ng bintana nakatingin nang biglang may dalawang babaeng matataas ang boses na nagsasagutan. Pagkalingon ko ay nakita kong pinapalibutan na sila ng mga classmates namin na para bang mga manok panabong ang dalawang babae. Talk about manners. "Ano bang problemo mo Jian?" Inis na tanong ng babaeng may bangs.  Sumagot naman si chinita sabay tulak sa balikat ng babaeng may bangs. "Ikaw! Ikaw impakitatang babae ang problema ko," aba may siga pala rito. "Wala naman akong ginawa ah?" "Anong wala? Kung ibagok ko 'yang ulo mo nang maalala mo?" Sabay nag 'ooh' ang mga classmates namin. Tuwang tuwa naman 'yong Jian sa atensyon habang yung isa ay 'di alam kung lulubog sa kinatatayuan o tatakbo sa kahihiyan. Wala akong planong manuod kaya ibinalik ko sa labas ang aking atensyon at inimagine si Olaf. "Tumahimik na nga kayo girls," may biglang nagsalita na boses lalaki. "Eh kasi naman babe eh, nakakainis siya." Pagsusumbong ni Jian. Ah so boyfriend niya 'yong nagsalita. Para namang biglang tumahimik ang klase. So siga rin 'tong lalaking 'to? "Ano ba kasi ang ginawa niya sa'yo?" "Ninakaw niya ang lipstick ko!" Parang bata na saad nung Jian. Hay, away bata nga naman. Pakebels ko ba sa mga ito? "Hindi nga sabi ako ang nanghiram sa'yo eh. 'Yong nakita mo ay akin 'yon eh. Kakabili ko pa lang nun kahapon." "I don't care! Akin na 'yan." "Ayoko nga!" "Akin na sabi eh!" "Anong kaguluhan ang nangyayari?" Parang nagtime freeze ang lahat dahil sabay silang napahinto at napalingun sa pinto kung saan nakatayo si bossing ay este si sir. Sabi nga pala ni sir na basta nasa school ako ay bawal ko siyang tawaging bosiing, edi bawal. "W-wala po sir," sagot ng nakabangs. Nagsiupuan naman sila. Dahil nasa likuran ay nakita ko kung paano pangdilatan ng mata ni Jian 'yong nakabangs na babae. Bully pala 'to, naku naku naku. Nagdiscuss si sir ng topic na ilang ulit ko na 'ata natutunan. Ilang oras ang nagdaan at puro palitan ng mga matatalim na tingin ang nasaksihan ko sa pagitan ng dalawang babae. Hay, di pa pala tapos 'tong dalawang 'to? Dumating na lang ang lunch at parang may invisible electricity sa pagitan ng dalawang babae kaya ang ginawa ko ay dumaan ako sa gitna nila, oha edi naputol ang staring contest niyo! As useless ay ako na naman ang nililingon. Inggit talaga sila sa'kin ey. Pumwesto ako kung saan alam kong hindi ako takaw pansin kaya napili ko ang malapit sa dinding. Iniwan ko ang bag ko para luminya at bumili ng pagkain nang biglang may humahangos na babaeng pumasok sa loob ng canteen sabay balibag ng pinto na lumikha ng ingay. Napatingin sa kanya ang lahat.  Pero ang ipinagkakataka ko ay magulo ang buhok niya at maputlang maputla siya. Something's wrong here. "Sa girls' CR sa north wing!" Sigaw niya sabay tumakbo siya papunta doon. Kabarkada niya yata 'yong unang sumunod sa kanya na sinundan ng mga curios na mga students. Kinuha ko muna ang aking order at bag na naiwan sa uupuan ko sana bago ako kalmadong sumunod sa daloy ng mga estudyante. Sa bukana ng girls' CR sa north wing ay nagkukumpulan ang mga tao kaya hindi ako makalapit plus may dala akong shawarma na ayaw kong maipit pero sapat na ang layo ko upang maamoy ang amoy ng dugo. Sino ang pinatay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD