Hindi ako makagalaw nang bumitiw siya sa akin. Ang ihi na nararamdaman ko kanina ay umatras. Halos mabingi ako sa lakas ng t***k ng puso ko. Ang pag-asang unti-unting umuusbong sa loob ko ay naupos nang makita ko ang kamay ni Jazcel na yumakap sa bewang ni Adam. When she noticed me, kaagad itong nahiya at bumitaw at lumapit sa akin. She hugged me tight. “I’m amazed by your designs, Eva! Hindi mo ba binabawi na libre ang magiging serbisyo mo sa paggawa ng wedding gown ko? I felt like you deserve a token for it. Halos sumusunod ka na sa mga yapak ni Michael Cinco eh!” she exclaimed happily. I cleared my throat and smiled at her. Saglit akong napatingin kay Adam at nakita ko ang mapanuri nitong mata kaya naman kaagad din akong napaiwas ng tingin. “Salamat, Ate. Don’t worry. Ayos lang sa

