Habang papalapit nang papalapit ang birthday ni Adam ay mas lalo akong nagiging busy. Panay na ang pangungulit sa akin nila Mama na mag-file na muna ako kahit dalawa o isang araw lang na leave para makauwi ng Abra. Doon kasi gaganapin ang salo-salo para sa birthday ni Adam. I understand why they are giving a lot of effort for his birthday this year dahil ilang taon siyang nawala at hindi namin nakasama sa mga birthdays niya. I was even surprised when some relatives are invited. Sa bahay namin iyon gaganapin. Pakiramdam ko ay pormal na ipapakilala ni Adam si Jazcel sa buong angkan namin bilang girlfriend niya kaya ganoon na lang ang paghahanda nila Mama. Dahil sa kaalaman na iyon ay lalo lang akong nawawalan ng gana na umuwi para sa birthday niya. I know that it would be hard for me at

