Napaangat ang tingin ko at napabaling sa pinto nang may marinig akong kumatok doon. Binitawan ko ang lapis na hawak ko at pinagbuksan ‘yon. It was Adam. Bumungad sa akin ang malalaking ngiti nito. Ito na rin mismo ang nagsara ng pinto saka ako niyakap nang mahigpit. Kumportable kong sinuklian ang pagyakap niya sa akin. Wala kasi sila Mama ngayon dahil nasa trabaho pa kaya ganito kalakas ang loob namin ni Adam. Hapon pa lang kasi at may ilang oras pa kami para makapag-solo nang walang nararamdamang takot. “What are you doing?” Lumapit siya sa lamesa ko at pinagmasdan ang ginagawa ko. I was actually starting to sketch the wedding gown I wanted to make. Sakto kasi at naibigay na rin bago mag-weekends ang budget. Napagdesisyunan ko kasing hintayin na muna ang budget bago ako mag-sketch a

