Sinarado ko ang zipper ng huling bag ko. My flight for Manila is tomorrow morning. Noong isang araw ko pa inayos ang mga gamit ko but I had to double check everything lalo pa’t marami pa akong kailangang ayusin sa bagong condo unit na binili sa akin ni Papa. Regalo niya raw iyon sa akin noong graduation. He specially bought a unit near the main building of Seviah. Mas okay iyon sa akin para pwede ko na lang lakarin. Hindi ko pa kasi gaanong gamay ang pagmamaneho. Pinilit ako ni Mama na mag-aral mag-drive and now, naintindihan ko na kung bakit dahil bibigyan niya pala ako ng kotse pagkarating sa Manila. I don’t really have a problem with that since magiging advantage ko na may sasakyan ako kaysa naman sa mag-commute ako sa tuwing may mga kailangan akong puntahan. Bumaba ako sa sala at

