“Hindi ako naniniwala riyan, Papa! Those were fabricated!” galit na wika ni Adam. Dumagundong ang boses nito sa buong sala. “Go and think anything you want. The truth lies on that paper. Nakikita mo na pero pinipilit mo pa rin magbulag-bulagan. Magkapatid kayo, Adam.” Umiling si Adam. Mabilis ang pag-angat-baba ng kanyang balikat dahil sa galit na nararamdaman. “Adam, sinabihan na namin kayo ‘di ba? Alam ko sa puso ko na anak ko kayong dalawa and it hurts me that you wanted so badly to prove that one of you is not our child. Pinalaki ko kayo at minahal ng sobra. We can still do the right thing, Adam.” Parang pinipilipit ang puso ko habang naririnig ang basag na boses ni Mama. Pakiramdam ko ay namanhid ako. I can’t feel anything. Tila biglang nag-shutdown ang isip at puso ko. Magkapat

