NAALIMPUNGATAN ako dahil sa dahan-dahang yugyog sa akin. Nagmulat ako ng mga mata at nakita ko si Emily sa harapan ko. Napansin ko rin close na ang coffee shop at kaming dalawa na lang ang tao. “Rai, wake up. Umuwi na tayo para sa bahay ka na makapagpahinga. Ipina-close ko na ang coffee shop dahil Sunday naman ngayon, para din makapagpahinga ng maaga sila Lisa,” sabi niya. Umayos ako ng upo. Nakatulog na pala ako at ang haba ng naitulog ko kahit nakaupo lang. “Hey, Rai, let’s go, naghihintay na si Mang Peter sa labas,” sabi ulit niya. Tumango lang ako at tumayo saka kami sabay na lumabas. Si Marco na lang ang inabutan namin doon sa labas dahil siya ang magbababa ng harang para tuluyang maisarado ang coffee shop. Naroon na rin si Mang Peter, hinintay lang namin na maisarado ni Marco iyon

