BREAK TIME nang makita ko si Emily na naglalakad palapit sa akin at may bitbit na supot. “Rai!” tawag niya sa akin at iniangat ang hawak niya saka ngumiti sa akin. “Let’s take a break. Hindi ka nag-breakfast sa bahay alam ko,” sabi niya nang makalapit sa akin. “Paano mo nasabi?” tanong ko at naupo kami sa isang bench na narito sa garden. “Nakita kita kanina na paspasan sa paglalakad kaya alam kong hindi ka pa kumakain,” sabi niya. Natawa ako sa kaniya kasi masiyado siyang seryoso. Tumingin siya sa akin ng nakakunot ang noo. “What’s funny, Rai?” “Wala. Kumain na tayo,” sabi ko sa kaniya at binuksan ang supot na dala niya. May laman iyon na dalawang bottled of water at saka biscuit. Hindi siya sumagot sa sinabi ko kaya nilingon ko ulit siya. Nakita kong nakikipagsukatan siya ng ting

