Sa sumunod na araw mas naging busy ako. Hindi ko na magawang puntahan ang coffee shop dahil ubos na ang oras ko sa CN21. Pag-uwi ko sa bahay tulog agad ako, hindi ko na rin nai-text si Harold sa hapon pag-uwi dahil tulog agad ako. Sa umaga na lang ako bumabawi sa kaniya habang si Emily naman ang nag-aasikaso sa coffee shop tuwing hapon. Wednesday na ngayon kaya practice namin ni Hanz. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa mag-practice kami ng magkasama, puwede naman sabihin na lang niya kung ano ang kanta pagkatapos ako na bahala mag-practice mag-isa. Ayoko siya maka-text pero kailangan para sa event. “Saan ba tayo magpa-practice?” tanong ko nang hindi siya tinitingnan. Pakiramdam ko ang sikip sa loob ng kotse niya kahit hindi naman kami magkadikit. Ayoko nga sana na sumabay sa kani

