Chapter 38

1347 Words

NAGSIMULA na kaming mag-practice dahil may napili na silang perfect song para sa event. Isang kanta lang iyon pero parang ngayon pa lang nahihirapan na ako makisama kay Hanz.  Habang kumakanta kami, magkalayo kami ng puwesto ni Hanz habang iyong tatlo niyang kaibigan nasa likoran namin. Pinapanood kami ni Jay at Miss Daniella kaya sa kanila ako tumitingin. Biglang sumenyas si Miss Daniella na tumigil kami, kaya inilayo ko muna sa bibig ko ang mic na hawak ko. Lumapit siya sa amin. “Boring. Puwede ba kayong maging sweet? Mas makakaagaw iyon sa atensyon ng ating bisita kung ganoon,” sambit niya.  Napalingon ako kay Hanz, napansin kong kumislap ang mga mata niya samantalang ako’y hindi agad nakapag-react. Ibinalik ko ang tingin kay Miss Daniella. “Kailangan po ba talaga ’yon?” tanong ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD