Nilingon ako ni Hanz na tila humihingi ng permiso kaya napaisip ako sa gusto ni Misis Rocky. Hindi naman siguro masama kung pagbibigyan namin siya. One at a time lang naman iyon mangyayari at medyo matagal pa. May point din siya tungkol sa pag-renew ng contract ni Hanz, puwedeng oo, puwedeng hindi ang maging desisyon. Kaya sinulyapan ko si Misis Rocky at bumaling kay Hanz. Dahan-dahan akong tumango sa kaniya. Ngumiti si Hanz at hinawakan ang kamay ko. “Then, we accept your offer.” Napatayo si Misis Rocky at naglahad ng kamay. “Great. Thank you. Then, best wishes and congratulations to the both of you!” Tinanggap ni Hanz ang kamay ni Misis Rocky at ganoon din ako. “Salamat po,” sagot ko. Tumango lang siya sa amin kaya nagpaalam na kami sa kaniya. Habang naglalakad kami nang magkahawak

