NAKALABAS ako sa hospital kinabukasan at sobrang alaga sa akin ni Hanz. Kulang na lang kargahin niya ako huwag lang ako mahirapan. “Sigurado kang kaya mo maglakad? Puwede naman--” Pinutol ko na ang sinasabi niya. “Hanz, hindi naman ako pilay kaya ko pa maglakad,” sambit ko. Nag-aalinlangan pa siyang tumango kaya tinawanan siya ni Emily. “Ginagawa mo naman baby si Raia, Hanz.” Sinamaan siya ng tingin ni Hanz pero mas lalo lang humalakhak sa kaniya si Emily. “Tama na ’yan. Pumasok na tayo sa loob,” sambit ko dahil baka magbangayan pa sila. Kilala ko si Emily, pinsan niya nga lagi niya kaaway paano pa kaya si Hanz. Hinawakan ako no Hanz sa kamay kaya nilingon ko siya. Nauna na rin na pumasok sa loob si Emily. “Hindi na ako papasok sa loob, Raia. Susunduin na lang kita mamaya,” sambit n

