Hindi gumalaw si Harold para pahiran ang luha ko o lumapit sa akin. Pinagmasdan lang niya ako kaya ako na ang nagpunas at tumingin sa kaniya. “Gusto ko man punasan ang luha mo, hindi ko na puwedeng gawin ’yon. May iba nang gagawa niyan,” sabi niya. Tumingala rin siya para pigilin ang pagpatak ng kaniyang luha. “Harold, sorry…” nanginig ang labi ko. “S-sorry kung nasaktan kita at nasasaktan kita ngayon. I’m getting m-married with Hanz, h-hindi ko alam pero parang gusto kong bawiin ang desisyon ko d-dahil nagi-guilty ako sa nagawa ko sa ’yo. I can’t be happy habang nasasaktan kita,” sabi ko pero umiling siya at ngumiti kahit may luha sa mata niya. “Hindi mo kailangan mag-sorry, Raia. Mahal kita kaya huwag kang manghingi ng tawad. Oo, masakit para sa akin ito kasi until now mahal pa rin

