Chapter 8

1529 Words

Nagpatuloy pa ang mga araw na nanatili ako sa kulungan. Ngunit isang magandang balita ang dumating sa akin. Ipinagdarasal ko pero hindi ko agad inaasahan. July 24 ngayon at hindi makakapunta si Emily iyon ang sinabi niya sa akin. Pero biglaang siyang dumating ngayon at kasama pa si Attorney. Nagtataka ako dahil ang sabi niya ay magiging abala siya sa pag-aasikaso ng gamit niya dahil mamaya na raw ang alis nila pawui ng probinsya, pero narito siya sa harapan ko at malawak ang ngiti. “Bakit po kayo narito ni Emily?” Si Attorney na ang kinausap ko dahil hindi na mawala ang ngiti ni Emily. “We have a good news for you. Nakatanggap ako ng desisyon ng judge about your case and…” Tumigil pa si Attorney at tiningnan si Emily. Tumango lang si Emily. Ano kaya mayroon sa kanila? Parang ang weird.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD