KINAUMAGAHAN… Wala ako sa sarili nang pumasok sa shop. Hindi ako pinatulog ng mga text ni Hanz. Oo, hindi lang isang beses siya nag-text. Dahil iyong text niya, nasundan pa iyon ng tatlong beses. Ipinipilit niyang gusto niya akong makausap pero hindi ako nag-reply. Kaya lang sa pagpikit ng mga mata ko hindi ko na napigilan na bumalik sa isipan ko ang mukha niya, hindi tuloy ako nakatulog. Napabangon ako nang maging ang tawanan namin noon, tila naririnig ko. “Ano ba ang nangyayari sa akin? Wake up, Raia Nicole!” Tinapik-tapik ko pa ang pisngi ko para magising ako. Umiling-iling pa ako para mawala siya sa isip ko. Para akong nagrirituwal na hindi maintindihan. Huminga ako ng malalim at saka muling humiga saka pumikit. Iisipin ko na lang ang mga memories namin nila Haroldat Emily. “Good mo

