PAGDATING namin sa coffee shop, nabigla ako nang hilahin ni Emily ang braso ko. Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya. Malawak ang ngiti niya habang nakatingin sa cellphone niya. “Rai, look, daming views and shares ng pagkanta mo kagabi,” saad niya at inilapit sa mukha ko ang cellphone. Nakita ko roon na totoo nga ang sinasabi niya pero ibinaba ko ang cellphone at tiningnan siya. “Bakit mo ako kinunan ng video?” tanong ko. “Because I’m so proud of you,” sagot niya. “Hindi mo naman kailangan i-post sa social media dahil alam kong proud ka naman sa akin,” sabi ko pero ngumiti lang siya. “Hayaan mo na, narito na naman. Tara na sa loob at mukhang uulan,” saad niya at hinila na ako sa loob ng coffee shop. Pagpasok namin doon, napansin ko na may kinakausap si Jenn at Lisa. Nakata

