Chapter 41

1428 Words

PAGLABAS ko ng building, hindi ko alam kung saan ako puwedeng magpunta. Hindi ko rin alam ang puntod ni Mama dahil hindi naman ako kailan dinala roon ni Tiyang Luisa. Napabuntonghininga ako, siguro uuwi na lang ako sa bahay.  Pumara ako ng sasakyan at sumakay agad ako sa taxi na tumigil saka nagpahatid sa bahay. Iyak lang ako nang iyak sa loob ng taxi habang umaandar ito. Napapansin ko ang pagsulyap sa akin ng driver pero hindi naman siya nagtatanong. Nang matanaw ko na ang bahay, pumara na ako at bumaba pagkatapos ko magbayad.  Para akong walang buhay habang binubuksan ang gate at nang mabuksan ko iyon, isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa akin.  “Rai! How are you? Kanina pa ako nag-aalala sa ’yo!” Hindi ko alam pero kusa na lang akong napahagulgol nang marinig ang boses ni Emily.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD