Kumalabog ang dibdib ko sa sinabi ni Harold. Paanong kilala niya sa si Hanz? Nagkita na ba sila? “Base on her reaction, iyon nga ang Hanz na nanakit sa kaniya.” Si Emily na ang sumagot dahil sinalubong ko ang titig ni Harold. Sandali ko siyang nilingon, pinunasan niya ang luha sa gilid ng mata niya. Inalis ko ang tingin sa kaniya at ibinalik kay Harold. “K-kilala mo siya?” Sa dami nang gusto kong itanong sa kaniya, iyon lang ang lumabas sa bibig ko. Ang dami kong gustong malaman pero tila naghalo na sa utak ko ang mga bagay na nais kong itanong. “Oo. Sikat na sikat siya bilang vocalist ng The River band. Nagkalat ang mga pangalan niya sa balita at nakalagay rin doon na…” Tumigil siya at nilingon si Emily bago muling tumingin sa akin. “Ano ang nakalagay, Harold?” Si Emily na ang nagtano

