Dahil nagkalinawan kami ni Harold ay naging close na kami. Kapag hindi siya sobrang busy, siya ang sumusundo sa akin tapos kumakain kami sa labas. Kaya si Emily nagtatampo na dahil wala raw siya kasama kumain. Mas naging magaan ang pakiramdam ko sa mga sumunod na buwan. Nakakapag-aral ako ng maayos at walang iniisip na problema. Kaya naman ngayong christmas break ay nagyaya agad si Harold. December na kasi ngayon. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, bago ko pa lang kilala si Emily pero ngayon, sobrang close na kami. Ang saya ng puso ko. Hindi ko inakala na puwede pala ako maging masaya ng ganito. “Let’s go?” tanong ni Harold. Naka-white t-shirt siya at maong short saka sneakers. Naka-jeans at red blouse naman ako. Ito kasi ang ipinasuot sa akin ni Emily. Mas bagay raw ito sa ok

