Saktong 9:30 PM, nasa loob na sila ng G's Bar, nakasuot na rin silang tatlo ng pang-waiter na uniporme: puting long sleeve na may itim na ribbon sa leeg at itim na pantalon. Sina Jass at Jay naman ay naka-purong itim na attire at may puting ribbon sa leeg. Iba rin ang suot nilang dalawa dahil bartender sila, habang waiter naman sina Gab at Sam.
Nakaka-mangha ang galing nina Jass at Jay kung paano nila isalin sa baso ang mga alak na hawak nila. Ang bibilis ng mga kamay nila at may mga nalalaman pa silang patapon-tapon sa ere ng mga bote ng alak na hawak nila.
"Sana may makilala akong chiks," bulong ni Gab sa amin ni Sam.
"Puro ka babae, magtrabaho ka," wika ni Ell kay Gab bago iniwan ang dalawa para kunin ang tray na ise-serve sa mga bisita kung sino man ang may-ari ng bar na ito.
"Kung sana ay nagpapaka-babae ka na lang, Ella, edi sana hindi ako maghahanap ng babae," habol ni Gab habang palayo si Ell sa dalawa.
Narinig ni Ell ang sinabi ni Gab kaya nag-middle finger siya kahit nakatalikod, alam kasi niyang nakatingin ang dalawa sa kanya habang palayo siya. Narinig pa niya ang tawa ni Sam.
"Grabe, ang daming magaganda at ang sesexy pa, pero para sa akin, si Nica ko lang ang maganda. Kamusta na kaya siya? Kunti na lang ipon, Nica, mapupuntahan din kita. Tutupadin ko pa rin ‘yung promise ko sa’yo na pupuntahan kita sa probinsya mo, nag-iipon lang ako," wika ni Ell sa sarili.
**Gavin**
"How's the party?" tanong ni Gavin sa kausap sa cellphone, ang secretary niyang si Vilma.
Si Vilma ang secretary niya, mga nasa 40's pataas na ang edad. Mas gusto ni Gavin na medyo may edad na ang secretary niya dahil mahirap na pag kumuha siya ng kaedaran niya—baka kung ano pa ang magawa niya at pareho silang hindi makapag-focus sa trabaho.
Huling secretary niya, 2 years ago, ay halos araw-araw niyang nakakasama sa pakikipagtalik at hindi siya makapag-focus sa trabaho niya dahil maya’t maya ay sumusulpot ito sa harap niya. Sino ba naman ang lalaking hindi bibigay kung ito na mismo ang bumubukaka sa harap niya? Pero hindi nagtagal ay nagsawa rin siya sa katawan ng dati niyang secretary kaya pinalitan na rin niya ito. Para sa kanya, parausan lang niya ang babae. Mula nang masaktan at lokohin siya ng kaisa-isang babaeng minahal niya nang totoo. Kaya hindi na siya nagmahal pa ulit at natrauma na siya sa ginawa ng ex-girlfriend niya. Dalawang taon din sila ng ex-girlfriend niya at handa na sana siyang pakasalan ito pero nalaman niyang nabuntis ito ng ibang lalaki. Malabo naman kasi na siya ang makabuntis dahil kahit isang beses, wala pang nangyayari sa kanila—hanggang halik lang ang nangyayari sa kanila. Kaya mula noon, nawalan na siya ng tiwala sa mga babae. Para sa kaniya, laro lang ang mga babae, tulad ng ginawa ng ex-girlfriend niya na pinaglaruan lang siya. Kaya bilang ganti, ginagawa na lang niyang parausan ang mga nagkakagusto sa kaniya.
"Everything is okay, sir," tugon ni Vilma sa kaniya sa kabilang linya.
"Good," tipid naman niyang tugon.
"Sir, all of the board members of G's Company are already here now, and also Billy and Dennis," sabi ni Vilma Reyes.
Si Billy at Dennis ang dalawang best friend niya na parehong partner din niya sa bar.
"Okay, I'll be there," at pinatay na ang tawag.
**Ella**
"Waiter!" tawag ng isang babae kay Ell.
"Yes po, ma'am?" tanong ni Ell sa tatlong naggagandahang binibini na nasa harap niya.
"Can you please get me one vodka? And girls, what do you want?" tanong ng babae sa kasama niyang dalawa para malaman kung ano ang gusto nilang inumin.
"Me, just wine," sabi ng isa.
"Me, I want to taste G's Wine, please," sabi naman ng isa.
"Ay, sorry po, ma'am, pero wala po kasi dito sa baba ang G's Wine. Nasa second floor po. Sabi din po sa amin na mga waiter, sa VIP po lang puwedeng i-serve ‘yung G's Wine," pagpapaliwanag ni Ell sa babaeng gustong mag-G's Wine.
"What? Are you serious?" tanong ng babae na gustong mag-G's Wine.
"Opo, ma'am, seryoso po," sagot naman ni Ell.
"Oh my god, this is a joke?"
"Calm down, Sophia," sabi ng isa sa kasama dahil mukhang magwawala na siya dahil hindi nakuha ang gusto.
"How? Did you hear what she said?" wika ni Sophia sa mataas na boses.
"Miss, just two vodkas and one wine, thank you," sabi na lang ng tumawag kay Ell.
"Okay, ma'am, coming," tugon ni Ell.
Habang papunta siya sa pwesto nina Jass at Jay para kumuha ng order ng tatlong babae, may babaeng nakabangga sa kanan niya. Mabuti na lang at nahawakan niya ang kamay nito dahil muntik na itong matumba.
"Okay ka lang, ma'am?" tanong ni Ell sa babae na muntik nang matumba.
"Yes, I'm okay. Thank you!" pasasalamat nito.
Napansin ni Ell na parang iba ang ngiti ng babae sa kanya at naramdaman niya pang hinawakan nito ang kanang kamay niya kaya napatingin siya sa kamay niya na hawak na ngayon ng babae.
"Ahmmm, ma'am, excuse po, may trabaho pa po ako," wika ni Ell sa babae na hindi pa rin siya binibitawan.
"Ma'am, ‘yung kamay ko po, hawak niyo," pagpapaalala ni Ell sa babae na parang ayaw pa siyang bitawan.
"Oh, I'm sorry. By the way, I'm Daniela, and you are?" pagpapakilala nito kay Ell, sabay lahad muli ng kamay.
"Ella, I mean Ell Akatam po, ma'am," pagpapakilala ni Ell sa sarili. No choice na siya, ito na mismo kasi ang nakipagkilala sa kanya. Ayaw niya namang mapahiya ito kaya tinanggap na lang niya.
"Oh, nice name," sabay ngiti nito sa kanya na parang nang-aakit lang. Maganda si Daniela, lalo na sa suot niyang kulay red na hanggang hita at one-shoulder dress.
"Thank you, ma'am," pasasalamat ni Ell kay Daniela.
"Excuse po, ma'am, at magtatrabaho lang po ako," paalam ni Ell kay Daniela. Hihirit pa sana si Daniela pero hindi na niya natuloy pa ang sasabihin dahil nagmadali na si Ell na umalis palayo sa kanya dahil iba ang pakiramdam niya sa babaeng iyon.
"Oh, Ell, nagmamadali ka ata? May humahabol ba sa'yo?" tanong ni Jass kay Ell nang makalapit ito sa pwesto nilang dalawa para kumuha ng order ng tatlong babaeng nag-order sa kanya kanina.
"Wala naman, nagmamadali lang ako para makuha ko kaagad ‘yung order ng mga nag-order sa akin," sagot ni Ell kay Jass.
"Oh, okay. Ano bang alak?" tanong ni Jass kay Ell.
"Two vodkas and one wine," sagot ni Ell.
"Ma'am, here's your two vodkas and one wine," lahad ni Ell sa order ng tatlong babae. Napansin niyang mukhang hindi pa rin nakaka-move on si Sophia sa gusto niyang G's Wine. Napa-iling na lang si Ell nang marinig niya itong nagsalita.
"WHERE HAVE YOU BEEN? WE'VE BEEN WAITING SO LONG!" galit na tanong ni Sophia kay Ell na medyo may kasamang sigaw.
"Sorry po, ma'am, may inasikaso lang po akong ibang bisita," sabi ni Ell na lang dahil ‘yun naman talaga ang totoo. May inasikaso siya at si Daniela iyon.
"Relax, Sophia."
"Shut up!" asik nito sa kasama niya.
May regla siguro ang babaeng ito, ang sungit, bulong ni Ell sa sarili.
"Thank you, miss," sabi sa kanya ng mabait na tumawag kanina.
"Welcome po, ma'am. Enjoy your drink," iyon lang ang sinabi ni Ell at umalis na siya sa pwesto ng mga ito.