**Ella's POV**
"Ayos, ang galante naman ng boss niyo pala, dude Jay at dude Jass. Fifteen thousand agad for one night lang! May pang-date na ako agad sa tatlo kong chicks—tig-five thousand kay Mea, tapos si Mila, at sino nga yung isa?" tanong ni Gab sa sarili habang bahagya pang nakatingala at iniisip ang isa sa babae niya, na hindi maalala ang pangalan. Babaero kasi, sa dami ng babae niya tuloy hindi na niya maalala ang iba.
"Ayy, oo, si Bianca." Masayang sabi niya nang maalala na kung sino ang tinutukoy niya.
"Anak ka ng pambihira, Gab! Puro ka babae!" Wika ko sa boses na parang galit, sabay suntok sa balikat ni Gab.
"Ouch, Ell!" daing ni Gab dahil nilakasan ko talaga ang pagkakasuntok sa balikat nito. Kahit naman pusong lalaki ako, ay ayaw ko din naman na may babaeng nasasaktan o pinaglalaruan, tulad ng ginagawa nitong siraulong si Gab na pinagsasabay ang tatlo. Makakarma din tong Gab na ito balang araw—hintayin lang niya, malupit pa naman pag si karma na ang maningil sa kalokohan niya.
"Kuha ko sa'yo, itulong mo na lang yan sa tatay mo yang pera mo kesa ginagamit mo lang sa kalokohan mo," wika ko sa kaniya.
"Sos, tapos ano? Siya ang gagamit sa mga babae niya at pang-inom niya? Wag na, noh. Ako naman nagpagod at nagpuyat dito, kaya kung sa kalokohan din naman niya mapupunta, edi sa akin na lang," wika ni Gab.
Lasingero kasi ang tatay ni Gab at mahilig din sa babae. Halos araw-araw umiinom, wala din ito trabaho at panay hingi lang din ng pera sa anak niyang si Gab. Pero kahit ganyan ang sinasabi ni Gab, alam namin na magkakaibigan na aabutan niya pa rin ng pera ang ama nito. Kilala namin ang kaibigan namin na ito. Hindi namin alam kung bakit ganon ang tatay ni Gab, di naman kasi nag-oopen pa si Gab sa amin tungkol sa kanilang mag-ama at hinahayaan na lang namin yun. Hinihintay na lang namin kung kailan siya handang ikwento kung bakit ganon ang lagay nilang mag-ama.
"Tss, may pinagmamanahan," mahinang sabi ni Jay kay Gab.
"Ikaw, Jay, minsan ka nga lang magsalita, nakaka-bwisit pa. Ituloy mo na lang yan pananahimik mo, baka ikas-tape ko pa yan bibig mo," asik naman ni Gab kay Jay. Oh, baka isipin niyo nag-aaway sila—ganyan lang talaga yan sila mag-usap. Akala mo ay magsusuntukan, tawa naman ng tawa si Sam at Jass sa kanila.
"Pambihira ka, dude! Minsan na nga lang umimik si Jay, ikas-tape mo pa ang bibig," sabay tawa ni Jass ng malakas at napapahawak pa ito sa may tiyan sa sobrang tawa.
Nasa labas sila ngayon ng bar dahil tapos na ang raket nila. Pauwi na rin sila at nag-aabang lang sila ng jeep na masasakyan namin. 4:45 AM na kasi ng umaga, may mga jeep na rin kasi na pumapasada ng ganitong oras kahit papaano. Grabe, wala kaming tulog! Sobra kasi kung mag-party ang mga bisita nung boss nila Jay at Jass. Kaya naman sulit din dahil malaki ang bayad ng mga ito sa amin, tig-15 thousand ang bawat isa sa amin. Buti na lang at pare-pareho kaming walang pasok sa trabaho ngayon dahil Sunday, kaya pwede kami bumawi ng tulog pag nakauwi kami.
Naiinip na ako sa kakahintay ng jeep kaya naman umupo muna ako sa may gilid dahil may upuan naman malapit sa amin kung saan kami nakatayo para maghintay. May mga ilan-ilan pang mga magagarang sasakyan sa labas ng bar. Siguradong may tao pa sa loob ng bar nang mapansin ko ang dalawang tao na kakalabas lang sa bar—babae at lalaki, at parang pamilyar yung babae sa akin. Napataas ang kilay ko nang makitang sinunggaban ng babae ang lalaki at walang pag-aalinlangan na hinalikan ito sa labi, na akala mo'y lulunukin na ang kahalikan nito dahil sa paraan ng paghalik niya. Nakita kong tinugon din naman ng lalaki ang halik ng babae. Bumaba pa ang halik ng lalaki sa may leeg nito kaya napapapikit ang babae na bahagya pang nakabuka ang bibig na tila umuungol pa ito base sa buka ng bibig. Napansin ko rin na lumilikot ang kamay ng lalaki sa mga hita ng babae. Natanaw ko rin na bigla niyang isinandal ang babae sa pader ng bar at itinaas nito ang hita ng babae sa may bewang niya at pinisil-pisil pa ang hita ng babae. Nagulat pa ako nang itaas ng lalaki ang kulay pulang dress nito at kitang-kita na ang pulang panty nito. Kitang-kita ko ang ginawa ng dalawa dahil sa liwanag ng ilaw at may kunting sinag na rin kasi ng araw dahil 5:45 AM na rin ng umaga. Ngayon ko lang din nakilala ang babae—ito yung humawak sa kamay ko at nagpakilala sa akin kagabi sa bar, si Daniela.
Pambihira, at mukhang magla-live s*x pa ang mga ito, sa isip ko.
Nawala lang ang pansin ko sa dalawa nang tawagin ako ni Sam para makasakay na kami ng jeep. Hindi ko namalayan na nakapara na pala ng jeep ang mga kaibigan ko dahil na-busy kasi ang mga mata ko sa dalawang nagla-live s*x.
"Ang bababoy nila." Wala sa sarili na nasabi ko yon nang makasakay na kami ng jeep. Nasa harap ko si Jass at Jay, nasa magkabilang gilid ko naman si Gab at Sam, kaya nasa gitna ako ng dalawa. Ang akala ko'y sa isip ko lang yun, hindi ko alam na lumabas pala yun sa bibig ko.
"Oh, Ell, ano naman ginawa namin sa’yo at binababoy mo kami?" Takang tanong ni Jass tuloy sa akin.
"Huh? Wala, sorry, hindi kayo, may nakita lang kasi ako kanina," wika ko rito.
"Tss, tinutukoy niya yung naghalikan sa labas ng bar. Kanina pa nga niya pinapanood. Mukhang nag-eenjoy siya panoorin si ma'am Daniela at boss Gavin," mahabang wika ni Jay.
Nagpalakpakan naman sina Sam, Gab, at Jass at napatingin ako sa mga ito na mga nakangisi pa. Ganon kasi ang style nila—pag naimik si Jay, parang proud na proud sila pag nagsasalita itong si Jay, lalo na pag mahaba ang sinasabi nito. Knowing Jay, walang kaimik-imik kaya naman ganon na lang ang style nila pag nagsasalita ito.
"Hoy, Jay, ano bang pinagsasabi mo diyan? Anong pinapanood ang sinasabi mo? Kahit sinong tao doon talagang matutulala dahil live na live ang pagsesex nila! Magtalik ba naman sa maraming tao at sa gitna ng daan. Ikaw ata ang nanonood sa kanila eh, tapos kilala mo pa pala ang dalawa na yon," mahabang wika ni Ell kay Jay.
"Sino naman ang hindi makakakilala kay boss Gavin De Guzman? Siya ang may-ari ng G's bar, at si Daniela, babae niya yun kaya kilala ko siya, at kilala din siya ni Jass at Gab dahil siya lang naman ang boss namin tatlo," wika uli ni Jay habang nakayuko lang ito malapit sa tuhod niya at mukhang pagod ata sa trabaho. Ang tatlo naman sabay-sabay na namang nagpalakpakan kay Jay.
"So, yon pala ang boss niyong tatlo? Pati sa pinagtatrabahuan mo, Gab, pagmamay-ari din nong Gavin?" tanong ko kay Gab.
"Oo, kaya nga G's Company rin—ibig sabihin, iisa lang ang may-ari," sagot naman ni Gab.
"Tss, malay ko ba na iisa lang may-ari pala nun," asik ko kay Gab.
"Teka nga, ikaw ba Ell, crush mo yung si boss Gavin? Mukhang parang interesado kang malaman? Umamin ka nga sa amin, babae ka na ba?" tanong naman ng loko-lokong si Jass sa akin.
Tinapunan ko si Gab ng masamang tingin, sabay hampas sa kaniya ng hawak kong backpack na nasa harap ko.
"Ang baboy mo mag-isip, ah!" Tumawa naman ito sa akin.
"Ano ba yan, ang ingay-ingay niyo! Kanina pa kayo diyan nagtatalo, ang lalakas pa ng mga boses niyo. Hindi niyo ba nakikita na hindi lang kayo ang pasahero dito?" asik ng matanda sa kanila na nasa tabi lang ni Jay.