CHAPTER-4

1498 Words
Isang linggo na ang lumipas mula nang rumaket silang magkakaibigan sa G's Bar. Isang linggo rin silang hindi nagkikita-kita ng mga barkada nila dahil wala naman kasi silang raket kaya ilalaan muna nila ang weekend nila sa kani-kanilang pamilya. Nagkukumustahan naman sila sa group chat sa Messenger at kapag walang raket, doon na lang sila nagkakamustahan ng magkakaibigan. Nakatayo si Ell sa harap ng salamin habang sinusuklay nito ang makapal at sobrang itim niyang buhok na hanggang bewang. Minsan lang niya ilabas ang buhok niya dahil madalas itong nakatago sa suot na sumbrero at tinatali nang mahigpit para siguradong hindi ito babagsak. Napakaganda ng buhok niya dahil kahit gaano niya ito itali nang mahigpit at ipulupot, hindi man lang ito nagkukulot at unat na unat pa rin. Daig pa nga niya yung mga nagko-komersyal ng mga iba't ibang shampoo sa ganda ng buhok niya. Pag nasa trabaho siya, naka-sumbrero lang siya. Hilig niya ang style ng sumbrero na nasa likod ng ulo niya ang harap ng sumbrero. Pag may raket naman siya, gumagamit siya ng wig na pang-lalaki talaga kaya feel na feel niya na lalaki siya pag naka-wig siya. Pero tinatago lang niya ang wig niya dahil ayaw ng lola niya na naggaganun siya. Minsan na nga siyang nagpaalam sa lola niya na gusto niyang magpaiksi ng buhok tulad ng gupit ng lalaki pero nagalit ang lola niya. Kaya naman hindi na niya ipinilit ang gusto niya. Sabi pa nga ni Lola Bea niya, wala naman daw problema sa kanya kung kilos lalaki siya o bihis lalaki, basta daw wag lang siya magpagupit ng pang-lalaki. Actually, hindi naman sobrang bihis lalaki siya. Lagi niyang porma ay maong pants na kulay itim at t-shirt na hindi sobrang laki at hindi rin naman fit sa katawan niya. Dahil pag nagkataong fit sa katawan niya ang t-shirt niya, baka makita ng iba kung gaano kaganda ang hubog ng kanyang bewang. Ang sumbrero niya ay apat lang ang kulay: itim, puti, gray, at maroon. Ganun din ang kulay ng rubber shoes niya. Hanggang sa t-shirt at pants ay pareho lang din ang kulay. Hindi siya mahilig sa sobrang makukulay tulad ng pink, blue, violet, green, at iba pang makukulay na agaw pansin. "Apo, kanina ka pa dyan sa salamin. Ano bang iniisip mo? At parang hindi ka matatapos-tapos sa pag-aayos sa buhok mo?" tanong ng lola niya. "Wala naman, Lola," tipid na sagot niya sabay suot ng sumbrero niya nang patalikod at lumapit na siya sa lola niyang nakaupo sa mahabang upuan na gawa sa kawayan. "Lola, nakikita niyo pa ba yang tinatahi niyo?" kunot-noong tanong niya sa kanyang lola dahil may tinatahi itong punda ng unan. "Oo, apo, nakikita ko naman kahit papaano dahil may salamin naman ako na suot," sagot ng lola niyang abala sa pagtatahi. "Wala ba kayong lakad ng mga kaibigan mo ngayon, apo?" tanong ng lola niya. "Wala naman po, Lola," sagot niya. "Aba, at himala, hindi kayo nagkikita-kita. Dati-rati kahit wala kayong raket, nandoon na kayo sa may taas ng tenement na ito," wika ng lola niya na tinutukoy ang rooftop ng tenement kung saan ang tambayan nilang magkakaibigan. "Busy po sila, Lola, sa kani-kanilang pamilya. Napag-usapan naman namin na ilaan muna ang araw na ito sa bahay kasama ang pamilya," wika niya sabay yakap kay Lola. "Lola, labas tayo, punta tayo ng park," pagyayaya niya sa kaniyang lola. Meron kasing malapit-lapit na park dito sa tenement na tinitirhan nila na puwede namang lakarin dahil nasa labas lang naman 'yun ng tenement. Tumingin sa kaniya ang lola niya at ngumiti ito sa kaniya. "Sige, apo, para maka-bonding naman tayo," masayang wika ng lola niya. "Kaya nga po, lalo sulitin natin ang araw na ito dahil sa susunod na linggo mukhang may raket kami uli," wika ni Ell sa lola niya. Masayang namasyal sa park si Ell at ang kaniyang lola. Tuwang-tuwa silang maglola dahil nagkaroon sila ng oras para makapag-bonding. Dinala rin niya ang lola niya sa restaurant na malapit din sa park. Minsan lang sila makalabas ng lola niya kaya nilubos na niya. Pinakain niya ng masasarap na pagkain ang lola niya dahil minsan lang naman ito makakain ng masarap, lalo na kung karne. Hindi niya hinahayaan ito na kumain ng kung ano-ano dahil matanda na rin, kaya sa bahay nila, gulay at prutas lang ang marami para sa lola niya. Mabuti na lang dahil kahit matanda na ang kaniyang lola, wala itong sakit kaya kampante siya kahit papaano. Ganon pa man, pinapainom niya pa rin ito ng vitamins araw-araw. Palabas na sana sila ng restaurant nang may makasalubong sila ng lola niya. Namukhaan niya agad ang babaeng naka-kulay pulang dress, pero this time hindi naka-one shoulder. Bagay sa kaniya ang suot nitong dress na pula na hanggang tuhod. Umiwas siya ng tingin dito para di siya lapitan nito, baka kasi makilala siya. Pero hindi pa man sila nakakalayo masyado sa restaurant, may humawak na sa kaniyang braso. "Ell?" tanong ng humawak sa kaniyang braso. Wala siyang choice kaya inangat niya ang mukha niya na pilit niyang tinatago sa pagkakayuko at ngumiti siya dito nang pilit. "Ikaw nga!" masayang wika nito sabay yakap sa kaniya. Nagulat na lang siya sa ginawa nito. Yakap-yakap siya ng babae samantalang siya ay hindi man lang niya tinugon ang yakap nito. Yung isang kamay kasi niya ay nasa kamay ng lola niya. Inangat niya ang isang kamay niya para tapikin sa balikat si Daniela dahil ang higpit ng pagkakayakap nito sa kaniya. "Excuse me po, Ma'am, hindi ako makahinga," sabi niya kay Daniela dahil mukhang ayaw pa siya bitawan nito. "Oh sorry, hindi ko lang inaasahan na makikita kita dito sa restaurant ng friend ko," wika nito. "I hope you still remember me?" tanong ni Daniela. "Yes, Ma'am Daniela, naalala ko po kayo," sagot niya dito. "Great! So sino yung kasama mo, Ell?" tanong nito at tumingin siya sa kaniyang lola nang may matamis na ngiti. Ang lola naman niya ay palipat-lipat ng tingin sa dalawa. "Ahh, ito nga po pala ang lola Bea ko, Ma'am Daniela," pakilala niya sa kaniyang lola. "Ohh, hi Lola Bea," sabay lapit nito sa mukha ng kaniyang lola para mag-beso. Mayaman kasi si Daniela kaya baka hindi niya alam ang magmano na lang sa matanda kesa mag-beso. Ganon kasi ang ibang mayayaman, imbes na mano ay beso na lang. "Magandang hapon sa'yo, hija," tugon naman ng lola niya kay Daniela. "Thank you, Lola," masayang wika ni Daniela kay Lola Bea. "Well, mukhang galing na kayo sa loob at nakakain na. Pagbaba ko pa lang kasi sa kotse ko nakita ko na kayo palabas. So saan ang punta niyo, Ell?" tanong ni Daniela sa kanya. "Ahh pauwi na po kami, Ma'am Daniela," wika ni Ell. "Ohh I see, saan ba kayo nakatira?" tanong muli nito. "Jan lang sa may tenement, Ma'am," sagot ni Ell. "Ohh, the Santos Tenement?" "Opo, Ma'am." Alam ni Daniela ang Santos Tenement, bulong ni Ella sa sarili. 'Yon kasi ang pangalan ng tenement kung saan sila nakatira ng lola niya at ng ibang mga kaibigan niya. "Can you please not call me 'Ma'am'? Just call me Dany," sabay ngiti nito ng matamis sa kaniya. "Naku, nakakahiya naman po sa inyo, Ma'am," nahihiyang wika ni Ell. "No, I want you to be my friend, so please don't call me 'Ma'am'," sabay hawak nito sa kamay niya. Ano daw? Gusto niya makipagkaibigan sa akin? Tama ba yung rinig ko? Pero bakit? Siguro mabait lang talaga itong si Daniela at friendly, bulong muli ni Ell sa kaniyang sarili. "Sige po, Ma'am... este, Dany," wika niya at pinagbigyan na lang niya ang gusto ni Daniela dahil mukha naman itong mabait at palakaibigan. "Yehey!" masayang sabi naman nito na parang bata na binigyan ng candy sa tuwa. Sabay yakap na naman ito sa kaniya ni Dany pero mabilis naman niyang tinapik ang balikat nito para pakawalan siya. "Naku, nakakahiyang magkasalubong tayo dito, Dany," sabi ni Ell. "Okay lang 'yon, Ell! Happy akong nakita kita," masayang sabi ni Dany. Napatingin si Ell sa kaniyang lola na tila naguguluhan sa sitwasyon pero ngumiti na lang siya at hinawakan ang kamay ng kaniyang lola. "Ah, Dany, mauna na po kami. Kailangan ko pa pong ihatid si Lola sa bahay," wika ni Ell na pilit na umaalpas sa sitwasyon. "Okay, no problem! Hope to see you again soon, Ell," sabi ni Dany sabay kumaway. "Thank you, Dany. Ingat po kayo," tugon naman ni Ell sabay hila sa lola niya palabas ng restaurant. Nang makalabas na sila sa restaurant, hindi pa rin makapaniwala si Ell na nakasalubong nila si Daniela, at lalo pa siyang nagulat nang malaman niyang gusto nitong maging kaibigan siya. Kailangan niyang sabihin ito sa mga kaibigan niya dahil hindi siya makapaniwala na ang isang mayamang tulad ni Daniela ay gusto siyang maging kaibigan. "Naku, apo, napansin ko kanina pa, mukhang malaki ang paghanga ng babaeng iyon sa'yo," sabay tawa ng kaniyang lola. "Naku, Lola, hindi naman po siguro," sagot ni Ell na namumula ang pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD