Sakay ng tricycle, nasa byahe na ngayon si Neri at Jose. Pauwi na si Neri sa bahay nila matapos ang ilang araw na ma-stranded sa ibang lugar ang mga magulang niya. Nagkaroon na rin ng kuryente noong ikatlong araw at naalis na rin ang mga nakadagmang na punong natumba sa daan sa tulong na rin ng mga punong barangay at mga kagawad nito. Matapos makapagcharge ng cellphone ay nakatanggap na si Neri ng mensahe mula sa mommy niya na nasa bahay na ang mga ito. Kaya naman kahit ayaw niyang umuwi dahil alam niya sa sariling mamimiss niya si Jose ay hindi naman pwedeng hindi siya uuwi ng bahay nila. "Love hindi ka talaga papasok sa loob?" tanong ni Neri ng makarating sila sa may gate ng bahay nila. Iling lang ang naisagot ni Jose, na ikinangiti ni Neri. "Bumalik ka na naman sa pag-iling-iling mo.

