Maagang nagising si Neri, dahil gusto sana niyang bisitahin si Jose. Kaya naman mabilis siyang bumangon sa kama at nagtungo sa banyo. Matapos ang kanyang morning routine ay patakbo pa siyang bumaba sa hagdanan. Medyo madilim pa noon at gusto niyang ipagluto si Jose ng pang breakfast nito. "Daddy, mommy," mahinang sambit ni Neri ng mapansin ang mga magulang niyang nasa may living room. Napakunot noo pa siya sa dalawang matandang kausap ng mga ito. "Good morning po," bati niya sa mga ito ng makalapit siya. "Hi po? Sino po kayo? Ngayon ko lang po kayo nakita dito? Kamag-anak po ba namin kayo? Lolo at lola ko din po ba kayo? Sa side po ni daddy o sa side po ni mommy?" sunod-sunod na tanong ni Neri na ikinangiti ng dalawang matandang kausap ng mommy at daddy niya. Maedad na ang mga ito, pe

