Chapter 10

1741 Words
Napakunot noo naman si Cy at Igo sa sinabi ni Neri. Dumating ito ng ospital na nag-aalala. Umiiyak pa ito kaya talagang naguguluhan silang dalawa. "Ano bang nangyari?" Napabaling si Neri kay Aize ng tanungun siya nito. Bumitaw naman ang dalaga sa pagkakayakap kay Rodrigo at lumipat kay Aize. "Aize kasi, kanina pang tanghali ako naghihintay ng mensahe ni Kuya Jose. Pero hindi naman nagrereplay sa mensahe ko. Tapos ngayong gabi, nagreply naman kung nasaan siya. Pero ayon nga nandito siya sa ospital. Kaya nagmadali na akong makapunta dito." himihikbing wika ni Neri at hindi napigilan ang sarili na mapaiyak na naman. Napatingin naman si Igo kay Neri na nakayakap kay Aize. Ganoon din si Cy na nasa tabi ng asawa nito. "Ano bang sinabi mo kay Jose?" "Tinanong ko kung nasaan siya? Kung nasa bahay na ba? Kung kumain na? Tapos ang sagot lang ospital." paliwanag ni Neri na sasagutin na sana ni Igo ang sinabi nito dumating si mayor kasama ang may bahay nito. Nagkatinginan pa silang lahat maliban kay Neri na nakayakap kay Aize. "Si Jose?" tanong ni Mayor Nicardo sa kanila ng ituro nila ni Cy kung nasaan si Jose. Nakaupo ito sa may sulok at nakasalampak sa sahig, habang may nakapatong na panyo sa mukha. Base sa itsura nito ay natutulog ito. Nagkatinginan naman ang mag-asawa at napangiti na lang. Napatingin pa sila sa anak na yakap ng isang babae. Sa tingin nila ay hindi pa nito napapansin si Jose. "Pagod po kasi yan kaya naman hinayaan na naming matulog. Hindi pa rin po yan kumakain mayor. Pasensya na po sa abala. Talaga lang pong napakatamad magsalita ng isang iyan, ganoon din sa pagbuo ng mensahe. Ako na po talaga ang humihingi ng pasenya." hinging paumanhin ni Igo na ikinatawa ni mayor at ng asawa nito. "Bakit naman kayo nandito? Kaya naman nga kami napasugod gawa ng aking anak. Hindi na mapigilang pag-iyak sa sobrang pag-aalala kay Jose." tanong naman ni mayor ng mapansing nasa harapan sila ng delivery room. "Opo mayor, manganganak na po ang misis ko. Katulad po niyang si Jose. Kahit po sobrang pagod yan sa trabaho at kinailangan mo. Pupuntahan ka niyan kahit harangan pa yan ng sibat at bagyo. Kahit po si Cy, syempre ganoon din po ako sa dalawa." ani Igo na ikinatapik naman ni mayor sa balikat nito. "Nakakatuwa ang pagkakaibigan ninyo." puna ni mayor sa sinabi ni Igo. Napangiti naman si Rozalyn sa narinig. Simpleng mga tao lang itong kaharap nila. Pero maiipagmalaki mo sa kahit na kanino. "Kung magugustuhan ni Jose ang unica hija ko. Masasabi kong napakaswerte ko naman sa manugang." ani Rozalyn sa isipan. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang daddy ni Shey at si Yaya Lourdes dala ang gamit ng mag-ina. Sa taranta kasi ni Igo kanina ay naiwan nila ang mga gamit na inihanda ni Shey. Napatingin naman sila kay Neri na inaalo pa rin ni Aize pero mukhang hindi naman nakikinig ang dalaga. Kaya naman ang mommy na ni Neri ang lumapit dito. "Anak, pwede bang makinig ka muna." malambing na wika ni Rozalyn na hindi mapigilan ang matawa. "Mommy si Kuya Jose, tapos natatawa ka. Hindi naman po nila sabihin kung ano ang nangyari kay Kuya Jose." "Ganito anak ha. Wag oa, hindi ko akalain ganyan ka." hindi talaga mapigilan ni Rozalyn ang mangiti. "Ang Kuya Jose mo ay ayon? Okay ayon s'ya." Ibinaling pa ni Rozalyn ang ang ulo ng anak para lang maabot ng paningin nito si Jose na nakasalampak sa sahig. "Kuya Jose?" napatuwid naman ng tayo si Neri tapos ay binalingan ang katapat na pinto na hinihintay nilang magbukas. "Delivery room yan anak. Nanganganak na ang asawa ni Rodrigo. Tapos si Jose ay galing sa trabaho. Dahil nakita nito asi Rodrigo na manganganak na ang asawa nito, ay bilang suporta kay Rodrigo sinamahan niya ito. Dito na muna siya tumuloy kaya nasa ospital siya. Sa susunod anak wag magpanic ha. Relax lang. Hmmm." mahinahong paliwanag ni Rozalyn ng matawa ang lahat ng naroon kay Neri. Siguro nga ay over acting ito sa pagkakataong iyon. Pero wala naman silang magagawa dahil kasalanan din naman iyon ng lalaking tulog na tulog ngayon. Magtetext lang kulang pa sa impormasyon. Ilang sandali pa at lumabas na ang doktor na nagpaanak kay Shey. Maganda ang ngiti nitong papalapit sa kanila. "Congratulations Mr. Cardenal. Napakacute at napakahealthy na baby girl po ang anak ninyo. Sa tingin ko ay girl version mo siya. Halos walang nakuhang feature si misis eh." biro pa ng doktor sa kanila. Halos mapatalon naman sa tuwa si Rodrigo ng malamang maayos ang kanyang asawa at ililipat na sa private room pagnalinisan. Ganoon din ang baby nila. Pinapasok namang ito ng doktor sa delivery room para makasama ng asawa habang nililinisan pati na ang anak nito. Napatingin naman ang lahat ng naiwan sa labas ng makarinig sila ng lagabog mula sa isang bagay na wari mo ay bumagsak. Pagtingin nila doon ay si Neri habang nakaupo sa tapat ni Jose na nakahiga na sa sahig. "Aray naman!" reklamo ni Jose na biglang nagpatahimik sa lahat. "Bakit hindi mo nilinaw iyong text mo! Nag-alala ako ng sobra sayo!" "Wait lang! Totoo naman ang sinabi kong nasa ospital ako di ba? Pero wala akong sinabi na naospital ako." pagtatanggol ni Jose sa sarili. "Pero bakit hindi mo sinasagot ang text ko ng sabihin ko sayo na nasa bahay na ako? Sinabi mo pa na magsabi ako sayo pagnasa bahay na ako. Tapos wala kang reply?" naiinis talaga siya kay Jose kaya naman ng makita niya itong natutulog ay hindi na napigilan ang bugso ng damdamin at gigisingin na sana niya ito ng sa pagtapik niya ay bigla na lang itong bumagsak sa sahig ng medyo napalakas ang pagtulak niya. Napangiti naman si Cy ng marinig ang mga sagot ni Jose kay Neri. Hindi nito alintana na nagagawa nitong sumagot sa tanong ng babaeng kaharap. Nakatingin lang din naman sa dalawa ang mommy ni Neri at ang daddy nito, pati na rin ang kanyang asawa. Nakikinig lang din naman si Yaya Lourdes at daddy ni Shey sa dalawang sa ospital pa talaga nagbangayan. "Hindi ko naman sinabi na magrereply ako di ba? Ang sabi ko, ipaalam mo sa akin pag nasa inyo ka na." sagot ni Jose ng pagpagan ang sarili matapos makaupong muli. Naagaw naman ang atensyon nilang lahat ng biglang matawa si mayor. Alam nilang masayahin ang mayor ng San Lazaro pero hindi nila alam mababaw lang pala ang kasiyahan nito. "Sabi ko naman sayo anak, sinabi lang sayo na ipaalam mo kay Jose pag nasa bahay ka na. Pero hindi sinabing rereplyan ka." hindi pa rin mapigilan ni Nicardo ang matawa. Napanguso naman si Neri dahil sa ikinikilos ng ama. "Daddy alam mo parang hindi ikaw ang mayor dito. Kung makapambully ka ng sarili mong anak." ani Neri ng biglang mapatigil sa pagtawa si mayor at ang nakangisi naman ay ang may bahay nito. "Ang sakit naman Roz, ako talaga ang api sa pamilyang ito." pag-aalburoto pa ni mayor ng makatikim ito ng masakit na kurot mula sa asawa. Kahit ang daddy ni Shey ay natawa sa kulitan ng dalawa. Doon lang sila nagkakilala ng mayor ng San Lazaro, pero mukhang magkakasundo sila. May kakulitan talagang taglay si Mayor Dedace. Bagay na mukhang alam na nila kung saan nagmana si Neri. Napabaling sila sa mga nurse na may may tulak ng stretcher kung saan nakasakay si Shey, para mailipat na sa private room. Kasunod din ng mga ito si Igo kasama ng anak nito na nakalagay sa higaan ng baby. Sumunod naman si Aize at Cy sa mga ito. Ganoon din si Daddy Henry at Yaya Lourdes. Napatingin naman ang mag-asawa sa kanilang anak at kay Jose na mukhang nagbabangayan pa. Kung pagbabangayan ngang matatawag. Matapos, magsalita si Jose kanina ay wala na ulit itong sinabi, maliban sa mga reklamo ng anak nila dito. "Hayaan na muna natin ang dalawa na iyan. Malalaki na sila. Nakakaexcite magkaapo Roz. Sumunod muna tayo sa kanila." "Tara." pag-aaya ni Rozalyn sa asawa at sumunod sila kina Rodrigo sa private room kung saan muna mananatili ang asawa nito. "Love," malambing na wika ni Neri ng hawakan nito ang kamay ni Jose. "Pwede ka namang magreply sa akin, wag mo namang katamadan. Totoo nag-alala ako sayo ng malaman kong nandito ka sa ospital. Kahit si daddy at mommy ay inabala ko pa, para makarating kaagad dito. "Sorry," napakunot noo naman si Jose sa sinabi. Hindi niya alam kung bakit siya humihingi ng paumahin ay wala naman talaga siyang ginagawang masama. "Pauwi na ako ng bahay ng makasalubong ko si Igo at nagmamadali kaya naman hindi na ako tumuloy ng bahay. Tinawagan ko na lang din si Cy para masamahan namin si Igo. Pero pagod na pagod talaga ako at hindi pa kumakain kaya naman, matapos kong magreply sayo nakatulog ako dito." paliwanag ni Jose na nagpailing sa kanya. Sa tanang buhay niya, ngayon lang nangyari na magpaliwanag si Jose sa isang babaeng hindi naman niya kaanu-ano. "Next time love, magreply ka naman please, iyong buo at hindi pabitin. Pakakainin ba muna kita, o puntahan muna natin si Shey sa kwarto niya. Hindi ko nasilip ang baby eh. Gawa mo kasi." reklamonni Neri, pero natutuwa talaga siya sa pagsagot ni Jose sa tanong at sinasabi niya. "Bakit ako? Tinulak mo nga yata ako kaya ako napahiga sa sahig." sagot ni Jose ng makatayo na ito at si Neri naman ang inalalayan para makatayo. "Kasalanan mo naman kasi talaga love. Kung alam ko lang na manganganak na si Shey kaya ka nandito, at wala ka pang kain di hindi ako nagmadali at nagdala na lang ako ng pagkain mo!" "Kaya ko pa namang tiisin, tara na, gusto ko ding makita ang kauna-unahang inaaanak ko." sagot ni Jose na sobrang nagpangiti kay Neri. "Lahat ng sabihin ko sinagot niyang lahat. Mukhang ako talaga ang kailangan niya para dumaldal amg isang iyon. Bagay na nakakatuwang mangyari. Ang ganda kaya ng boses niya. Higit sa lahat, hindi talaga niya ako pinapahinto na tawagin ko siyang love. Mukhang sinasanay ang sarili." kinikilig pang sambit ni Neri sa isipan ng tawagin niya ito dahil sa bilis nitong maglakad ay nakalayo na ito sa kanya. "Love!" tawag pa ni Neri kay Jose na nagpahinto dito. Tinakbo naman ni Neri ang pagitan nila ni Jose. Nagsimula na ulit siyang magkwento dito, pero bigla na naman itong tumahik. Bagay na labis niyang ipinagtataka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD