CHAPTER 1

1105 Words
VERONIKA'S POV: "Aba'y napakaswerte mo naman d'yan, mare!" Rinig kong sabi ng kapitbahay naming si Aling Ising, pagkababang-baba pa lang namin ng tricycle. "Naku, mare! Sobra ngang swerte ko sa batang ito!" Pagmamalaki ni nanay. Top notcher lang naman ako sa aming board exam. Kaya naman ang nanay ko pati na ang mga kapitbahay namin ay proud na proud sa akin. "Oo nga, nakakuha na ba siya trabaho? Saan?" Usisa pa ng aming kapaitbahay na si Aling Lina. "Naku, mayroon na! Sa Manila, stay in siya do'n bilang isang private nurse." "Naku talaga? Napakaswerte naman!" Kaagad kaming pumasok sa bahay at ibinaba ang aming mga pinamiling pagkain para sa isang simpleng salu-salo. Pagkatapos, ay agad naming inanyayahan ang aming mga kapitbahay. "Kailan ang umpisa mo niyan, Nika?" Tanong ni Mildred sa akin, na isa sa kababata ko. "Sa lunes, mamayang hapon ang aking alis," wika ko. "Naku, ang bilis naman! Mamaya agad! Kaya pala may pakain ka ngayon, despedisa na pala!" Sabi naman ni Jonas na isa rin sa kababata ko. "E, pa'no naman si Borge?" Singit ni Melinda na ikinatahimik nang lahat ng kaibigan ko. Kinagat ko ang aking labi, saka tumingin sa baba. Borge Manansala, he was my boyfriend for 5 years, pero nagpakasal siya sa iba. Ang sabi niya ay hindi niya gusto ang babaeng pinakasalan niya, na napilitan lamang siya sa gusto ng magulang. At sinabing babalik sa akin, matapos maiayos ang kanilang negosyo na bumabagsak na. Sa kabila ng lahat ng iyon, hindi ko maiwasang masaktan. Limang taon kaming magkasama, at sa isang iglap, nawala na lang ang lahat. Simula nang ikinasal sila ay hindi na siya naligaw dito sa bahay. Hindi naman sa umaasa ako na ako pa rin, pero nakakalungkot lang na sa limang taon namin ay mawawala lang ng gano'n. Parang isang bahagi ng buhay ko ang nawala, at hindi ko alam kung paano ito mapupunan. Kaya minabuti ko na rin na magkatrabaho sa malayo para tuluyan ko na siyang makalimutan. Ang bawat sulok ng lugar na ito ay puno ng alaala namin, at ang bawat pagdaan ko sa mga paborito naming lugar ay parang isang patalim na tumutusok sa puso ko. Staying here would make me think of him more. Hindi ko ata makakaya iyon. Kailangan kong lumayo, kailangan kong magsimula muli, kahit gaano man kahirap. "Ano ka ba naman, Melinda! Sita ni Mildred. "May asawa na 'yon kaya dapat wala nang pakialam 'tong kaibigan natin!" Saway niya. "Okay ka lang?" Tanong ni Jonas, napansin niya ata na tumahimik ako kaya ngumiti lang ako at tumango. Nang hapon ding iyon ay tumulak ako patungong Manila. Umaga na ako nakarating sa bahay ng magiging pasyente ko. Muntikan pa nga akong maligaw, mabuti na lang ay may natanungan akong babae na eksaktong nagtatrabaho sa subdivision na pupuntahan ko. Kaya naman nakarating ako ng maayos dahil sa paghatid niya sa akin. "Ikaw na ba si Veronika?" Tanong ng matabang babae na sopistikadang tingnan na agad kong nginitian. Marahil siya ang nanay ng aalagaan kong pasyente. Hindi ko kasi siya nakita, dahil asawa niya lang ang na-meet ko sa interview. Pinapunta lang ako sa opisina ni Sir Nicolas na asawa niya, at agad naman akong tinanggap ng makita ang credentials ko. "Opo, heto po ang i.d ko," sabay abot ko kanya. "Magandang tanghali po," bati ko. "Napakaganda mo pala sa personal, Iha!" sambit niya nang ibalik niya ang i,d sa akin. "Ah, hindi naman po," nahihiya kong sabi. "Halika, tuloy ka. Ako nga pala si Ava, ang ina ni Nicandro, ang aalagaan mong pasyente." sambit niya, matapos buksan ang maliit na gate upang makapasok ako. Nauna siyang maglakad saka ipinakita sa akin kung saan ang magiging silid ko. "Mayroon kang kapalitan, si Irene, kayo na lang ang mag-usap kung anong gusto niyong schedule. Day off niya ngayon kaya ikaw ang magbabantay hanggang gabi." Sambit niya na ikinatango ko. Kaagad akong sumunod sa kanya pagpasok niya sa magandang silid. Dali-dali kong inilapag ang aking maleta sa tabi ng kama habang tumitingin-tingin sa paligid ng modernong silid. "Heto ang magiging silid mo, iisang kama lang kayo ni Irene. Pero kung gusto mong hiwalay kayo ng kama ay p'wede ko namang papalitan," wika niya. "Ahhh... hindi na po, okay na sa akin ang magkatabi kami. Malaki naman ang kama, at hindi rin naman ako malikot matulog." Sabay linga ko sa buong paligid. "May sariling banyo na ito, kaya hindi ka na mahihirapang lumabas pa kung nakaramdam ka ng tawag ng kalikasan. Aircon na rin ang silid para kumportable kang mamahinga," sambit niya na ikinatango ko. "Halika, ipapakita ko sa'yo ang silid ng aking anak," sabi niya habang patuloy na naglalakad. "Wala rito ang asawa niya, sa ibang bahay siya nakatira. Mas gusto niya raw kasi ang tahimik na lugar para makapagpahinga nang maayos," dere-deretso niyang sabi, na parang sanay na sanay na sa pag-aasikaso ng mga bisita. Dahil sa sinabi niya ay kumunot ang aking noo. Mukhang tahimik rin naman dito. Wala ngang aso na natahol o pusa na umuungol. Paano naman magiging maingay rito? Grabe talaga ang mayayaman. Tss! Sabay kibit ko ng balikat. Umakyat kami sa pangalawang palapag ng bahay. Nang igiya niya ako sa unang silid, ay naramdaman ko ang malamig na hangin na nagmumula sa loob. Pagbukas na pagbukas ng pinto'y agad kong nakita ang magiging pasyente ko. "This is Nicandro," she said, pointing to the man lying in bed. "Please take good care of him and treat him na parang isang kapatid o asawa sa paraan ng pag-aalaga." Lumapit ito sa lalaki at hinaplos ang napakagwapo nitong mukha. Para naman akong naengkanto nang mapatitig sa mukha niyang napakagwapo sa personal. Ipinakita na kasi siya sa akin ng kanyang ama sa picture, pero iba pala talaga kapag sa personal. Parang kay sarap-sarap niyang titigan, na para bang bawat detalye ng kanyang mukha ay isang obra maestra. Daig niya pa ang mga artista sa sobrang kagwapuhan niya. May lahi kaya silang turkish? Gano'ng-gano'n kasi ang mukha niya—matangos ang ilong, malalim ang mga mata, at ang kanyang balat ay maputing-maputi. Hindi nakapagtatakang nakapag-asawa siya agad. Maganda rin kaya ang asawa niya? "Bueno, ngayong andito ka na, maiwan na kita ha. Nandito lang talaga ako para antayin ang pagdating mo. Hindi naman kasi ako dito nakatira. May pagkain sa ref sa baba. Kung magutom ka ay h'wag kang mag-atubling bumaba, initin mo na lang sa microwave. Tuwing umaga ay may nagpupunta ritong tagapagluto at tagalinis. Kaya hindi niyo na rin problema ang pagkain." Bilin niya, saka lumabas ng silid. Naiwan ako roon na tulala, habang nakatitig sa mukha ng aking aalagaan. "Nice to meet you, Nicandro!" Bati ko, sabay ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD