VERONIKA'S POV:
I checked Nicandro's infusions for any signs of infection or complications. Nang wala akong makita ay ang vital signs niya naman ang tiningnan ko. Matapos masiguradong ayos ang lahat ay naupo na ako sa gilid niya at pinagmasdan siya.
"Ang pogi-pog mo pa rin," sambit ko habang minamasahe ang braso niya.
Palagi ko siyang minamasahe kahit na mayroon namang nakatalagang therapist na nagmamasahe sa kanya.
Ewan ko ba, parang natatakot din ako na baka hindi siya makalakad kapag nagising siya. Ayokong maging isang lantang gulay ang isang tulad niya, sobra kasing nakakapanghinayang.
Noong pinunasan ko nga siya, lalo na doon sa parteng maselan ng babang katawan niya ay halos hindi ako makalunok ng ayos. Sa sobrang gulat ko sa laki ba naman no'n.
Ay, day! Sinasabi ko sa'yo, makalaglag ang panty este ang panga sa laki no'n!
I'm not a virgin. Hindi ako nahihiya, pero para kasing ang laki naman masyado no'n. Kaya nakakaeskandalong punasan, but I have to.
Yay, american size lang? Ang swerte naman ng wife niya.
"Teka, nasan nga pala 'yung wife mo? Ilang linggo na kasi akong nandito pero hindi ko pa rin siya nakikita."
Nasa ganoong akong iniisip nang pumasok si Irene sa loob ng silid ni Nicandro.
"Hi!" Bati niya kaagad sa akin. "Dinalhan kita ng cake, pasasalamat kasi pumayag ka na kunin ang shift ko," nakangiti niyang sabi.
Agad ko naman tinanggap iyon nang ilahad niya sa akin.
"Naku, wala iyon. Wala rin naman akong pupuntahan kaya okay lang sa akin." Nahihiya kong sabi.
"Naku, ikaw ang bait-bait mo talaga! Thank you ha," sambit niya bago lumabas ng silid. "Sige, labas na muna ako."
Pagkalabas niya ay muli akong bumaling kay Nicandro.
"Sayang, Sir oh, mukhang masarap pa naman itong cake. Aalukin sana kita, kaso hindi ka p'wede kaya ikakain na lang kita," sabay hagikgik ko.
"Hindi bale, kapag nagising ka, ililibre kita ng ganito pero kailangang gumising ka na dyan!" Sabay nguso ko.
After saying that, I kissed his lips. Hinipo-hipo ko pa ang dibdib niya, saka parang baliw na yumakap sa kanya.
"Nagustuhan mo ba 'yung binili kong pabango sa'yo?" Sabay amoy sa dibdib niya.
"Amoy lalaking-lalaki 'di ba! Nakakaakit, nakakatakam!" I crinkled my nose and laughed as I spoke.
"Hmm... kailan ka ba babangon diyan?" Tanong ko pa.
Halos matulala ako nang maisip iyong mga bagay na nagawa ko noon kay Sir Nicandro. Pakiramdam ko ay naging malupit ako sa kanya, na walang kamaalay-malay na ginagawan ko ng kahalayan. Sa kaiisip sa nakaraan ay nalimutan kong nasa harap ang nanay ni Sir Nicandro, na nagmamakaawang bumalik ako sa kanila bilang nurse.
D*mn! Ayaw ko nga makasuhan, kaya nga nagmadali akong makaalis sa kanila. At isa pa, andoon naman na ang asawa niya. Dumating sa mismong may malay na siya.
"Iha, baka naman p'wede kang bumalik. Ikaw ang gusto niya... este ko na magpatuloy na mag-alaga. Gusto ko ang pamamaraan mo ng pag-aalaga- malinis at maayos," pagmamakaawa niya.
Talagang pinuntahan niya ako dito sa probinsya namin sa Tinambak, para lang alukin ulit na magtrabaho sa anak niya.
D*mn! I closed my eyes, trying to breathe. My heart pounded in my chest, and I felt a wave of guilt wash over me. Hindi ko ata makakayang tingnan ang mga mata ni Nicandro dahil sa mga pinaggagagawa ko noon. The memories of my past actions haunted me, each one a reminder of the mistakes I had made. I could feel the weight of my decisions pressing down on me, making it hard to breathe.
Kaya pinaypayan ko ang aking mukha gamit ang kamay, sabay pilig ng aking ulo.
"I'll double your salary para lang muli kang pumayag maging nurse ni Nicandro. I also prepared a new room for you. Please, pumayag ka na. Walang nurse si Nicandro ngayon at ayaw niyang tumanggap ng iba," muli niyang sabi, ang kanyang mga mata'y puno ng pagmamakaawa at determinasyon.
Bumuntong-hininga ako, saka marahang tumango.
Wala naman akong magagawa kung 'di ang pumayag. Dahil mukhang wala siyang balak umuwi hangga't hindi ako sumasang-ayon..
"Great! Let's go, my chopper is waiting for us," tila nagmamadali niyang sabi na ikinaawang ng labi ko. "Oh, p'wede kang maligo at magpaganda muna para fresh ka sa byahe," sambit niya na ikinangiwi ko.
Napailing na lang ako nang tumayo.
Kaya agad akong tumayo at dali-daling pumunta sa aming banyo para maligo. Hindi ko nais magpatumpik-tumpik at mapahiya kay Madam Ava.
Habang nasa ilalim ng shower, naramdaman ko ang malamig na tubig na tila nagbigay ng kaunting kalma sa aking nag-aalalang isip, na sana talaga ay makayanan ko ang muli naming paghaharap. Pagkatapos maligo, ay nagmadali rin ako sa pagbibihis at pag-iimpake ng aking mga gamit.
Nang lumabas ako sa silid ko at dala ang aking maleta, ay napatayo agad si Madam Ava. Ngiting-ngiti siya na para bang nanalo sa lotto.
"Oh, finally!" Sambit niya.
Mabilis akong nagpaalam sa aking ina, saka yumakap nang mahigpit.
"Mag-iingat ka, anak ha!"
Mabilis ang naging lakad niya habang ako ay tahimik na nakasunod lamang sa kanya patungo sa kinahihintuan ng chopper niya, at sa ilang saglit ay lulan na kami niyon.
"Ready?" tanong ng piloto, habang sinisiguradong maayos ang lahat. Tumango ako, at naramdaman ko ang pag-angat ng chopper mula sa lupa.
As we were flying, I couldn't help but think of things that could happen. Napahawak ako sa aking dibdib habang nag-iisip kung anong gagawin ko kapag nagharap na kami ni Sir Nicandro.
Hindi niya naman sigur ramdam ang pinagagawa ko sa kanya 'di ba?
Damn! Sobrang nakakakaba naman!
Para akong hihimatayin nang lumapag sa bakuran nila ang chopper. Dumagdag pa ang simoy ng hangin na lalong nagpakaba sa akin.
I gasped as I stepped out of the chopper na agad sinalubong nang nag-aalab na galit ng mga mata ni Sir Nicandro.
He was staring at me intensely while sitting in his wheelchair, his eyes never leaving mine. It was as if he had been waiting for this moment for a long time, the anticipation and longing evident in his gaze.
Hirap na hirap ako sa paglunok ng aking laway, habang dahan-dahan akong lumalapit sa kanya. Ang boses ni Madam Ava ay tila naglaho sa hangin, na para bang ang buong mundo ay tumigil sa pag-ikot habang nakatitig kami ni Sir Nicandro sa isa't isa.
"Sir Nicandro," I managed to say, my voice trembling.
Hindi siya sumagot, ngunit ang kanyang mga mata ay hindi umaalis sa akin.
Kinagat ko ang aking labi saka naiilang na tumingin sa baba. Damn! Ang hirap naman makipagtitigan, lalo na't sobrang lapit niya sa akin.
"Halika na sa loob!" Narinig kong aya ni Madam Ava.
Agad na pinihit ng Daddy ni Sir Nicandro ang wheelchair, habang ako ay marahang nakasunod. Sh*t! Hindi ko talaga maiwasang mapatingin sa kanya nang ilang beses. Nang lingunin ako ni Sir Nicandro ay halos mapatalon pa ako sa gulat, lalo na nang abutin niya ang aking kamay na halos ikalaglag ng aking panga.