CHAPTER 3

1379 Words
VERONIKA'S POV: Ilang beses kong nakagat ang aking labi nang makita muli si Sir Nicandro, I admit it. Lalo akong napahanga sa kagwapauhan niya. Sobrang laki ng pinagbago niya ngayon, gumanda na lalo ang pangangatawan niya, at napansin ko na bagong gupit siya. I swear, mas lalo siyang gumwapo't nakaka inlab ngayon. Nang humigpit ang kamay niya sa aking kamay ay doon ko lang narealized na nakahawak nga pala siya sa akin. Kaya naman pilit kong inilayo ang aking kamay at nilagay iyon sa aking likuran, sa takot na baka makita iyon bigla ng asawa niya o ng mga magulang niya. Pero isang masamang tingin lang ang iginawad niya sa akin matapos kong bawiin ang aking kamay. "Ako na munang bahala' maghahatid kay Nicandro, ihatid mo siya sa bagong magiging silid niya," utos ni Madam sa asawa. Ipinasok ni Madam Ava si Sir Nicandro sa kanyang silid, habang kami ay nagpatuloy sa paglalakad. "Mabuti at narito ka na, Iha! Nicandro was so stubborn, he wouldn't eat the food. And he's been asking for you," sambit niya na ikinagulat ko. "Po?" Hindi makapaniwala kong tanong, habang sinusundan siya sa magiging silid ko. Bakit niya naman ako hahanapin? E, isang beses niya lang naman ako nakita. "He's asking for you, kaya naman ipinasundo na kita sa asawa ko. I'm sorry kung napilitan ka ulit pumasok rito, pero ikaw lang ang gusto niyang mag-alaga sa kanya, kaya pinilit namin na magtrabaho ka ulit. Mabuti naman at pumayag ka." "Nag-alala din po ako kay Sir," hindi makatingin kong sabi. Nang makarating kami sa isang silid ay huminto siya, saka hinarap ako. "Sige, narito ang kwarto mo, magpahinga ka muna. Kami naman ay tutulak na pauwi. May mag-aalaga na sa kanya, kaya panatag na kami," sambit niya matapos buksan ang pinto. Marahan akong tumango, saka pumasok na sa silid. Agad akong napabuntong-hininga nang masarado ko ang pintuan. Hanggang ngayon pa ba hindi pa rin dito umuuwi ang asawa niya kahit may malay na si Sir Nicandro? Bakit ang magulang niya pa ang kailangang magbantay kung mayroon naman siyang asawa. Kahit noong nandito pa ako ay wala akong nabalitaan na tsismis tungkol sa asawa nito. Hindi rin naman ako nagtatanong. Ang alam ko lang ay hindi siya parating bumibisita. Kadalasan kasi isa lang sa isang buwan. Ang nasa isip ko na lamang noon ay baka ayaw niya lang makita na nasa ganoong sitwasyon ang asawa niya, pero bakit ngayon ay tila gano'n pa rin? Nagkibit-balikat na lamang ako, saka kinuha ang aking maleta. Isasalansan ko na lamang ito sa cabinet. As I started unpacking, I couldn't help but be fascinated by the beauty of the room. The walls were painted in soft, calming colors that made the space feel serene and inviting. Ang mga kasangkapan ay moderno at elegante, na para bang nasa isang mamahaling hotel ako. Ganoon din ang mga kurtina at kama. Sa nauna naming silid ni Irene ay ganito rin, ngunit mas malaki at mas maganda nga lang itong silid. Tss! Kung alam lang nila ang mga ginawa ko kay Sir Nicandro ay baka kahit sa gate lang nila'y baka hindi na ako makatungtong. Nang matapos sa pagsasalansan ng damit ay agad kong isinarado cabinet. That's when I caught a glimpse of myself in the large mirror hanging on the wall. My long straight blonde hair was tousled from the chopper ride, adding a wild, windswept look to my appearance. Yay! Nakakahiya kay Sir Nicandro, hindi man lang ako nakapagsuklay bago bumaba ng chopper. Malay ko ba naman kasi na naghihintay siya sa labas. Bakit naman kasi ando'n siya. Hinihintay niya ba ako? Bigla akong nakaramdam ng hiya nang maalala ang mga titig sa akin ni Sir Nicandro, agad na namula ang aking pisgi, na halatang-halata dahil sa kaputian ko. Mabuti na lang, maganda pa rin ako kahit na gulo-gulo ang buhok ko. Lumapit pa ako sa salamin at sinipat ang kulay hazel brown na aking mga mata, na lalong pinaganda ng mahahaba at makakapal kong pilikmata. Ano kayang iniisip sa akin ni Sir Nicandro kanina, bakit gano'n na lang siya makatingin? Nagagandahan ba siya sa akin, natatangkaran o naseseksihan? Kung pagtatapatin kami ng asawa niya, may laban din naman ako. Sabi nila, kamukha ko raw si Lily Collins. Dahil parehas kami ng mga mata at ganoon din sa mga labi. Iyon nga lang mapula na ang aking labi, kahit na hindi ako maglagay ng kolorete sa aking labi. May tindig din ako na parang pang modelo, I am 5'8 in height. Sexy, at malaki ang boobs. Kaya maraming nababaliw sa akin, kaso maling lalaki ang pinili ko. Letseng 'yon! Ipinagpalit ako sa mayaman! Kung si Sir Nicandro kaya? Pipiliin niya kaya ako kesa sa asawa niyang mayaman? Mas pipiliin niya ba akong laging may time sa kanya o 'yung asawa niya na halos wala nang pakialam sa kanya? Tss! Malamang asawa niya, mahal niya 'yon. Kaya nga pinakasalan, e. Bumuntong-hininga ako bago naisipang maglakad-lakad na lamang sa labas. Paglabas ko ng silid ay tahimik na at ang tanging nakisindi na ilaw ay malamlam lamang, na tama lamang upang maliwanagan ang daraanan. Marahan akong naglakad at nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig. Nang maalala si Sir Nicandro ay mabilis akong naglakad para ma-check siya kung ayos lang. Kinagat ko ang aking labi nang makarating mismo sa silid niya. Parang bumilis pa ang pagtibok ng aking puso sa kaba na baka kung anong isipin niya kapag pumasok ako. Naglakad-pabalik ako sa harap ng pinto niya, habang nag-iisip kung papasok ba ako o hindi. Ngunit sa huli ay napagpasyahan ko nang pihitin ang seradura ng pintuan niya. Itutulak ko na sana ang pinto, ngunit may malakas na pwersa ang humila sa pinto na halos ikadapa ko na iyon, at sa kasamaang palad ay napaupo ako mismo sa kandungan ng aking amo. Halos panawan ako nang ulirat, habang nakatitig sa mga mata niyang napaka-intense. They were fiery, burning with passion, and at the same time, hypnotic, drawing me in and mesmerizing me. Para bang may magnet ang kanyang mga mata, na kay hirap iwasan. Ang init ng kanyang katawan ay agad kong naramdaman, at ang amoy ng kanyang natural na bango ay agad kumalat sa aking ilong na parang bagong ligo. "My legs are numb; I don't feel anything even if you sit there for a long time. But please, avoid looking at me and stop inhaling my scent! Baka maubos ako!" Mariin niyang sabi. Sa gulat ko ay nagmamadali akong napatayo, saka saglit na tumalikod. "S-sorry, Sir! Iche-check ko lang sana kung o-okay ka, h-hindi ko sinasadyang mapaupo sa kandungan mo," nahihiya kong sabi. "Is that how you say sorry? By turning your back? Are you even sincere?" Bigla akong napasinghap at kaagad na humarap sa kanya. "Sorry, Sir! Hindi ko sinasadyang tumalikod, nahihiya kasi po talaga ako," hindi ko makatinging sabi. "O, bakit hindi mo na ako matingnan ngayon? Kanina'y ang tapang mong tumingin, bakit ngayon ay umiiwas ka na?" aniya, na tila nanunuya kaya itinaas ko ang aking ulo at dahan-dahang tumingin sa kanyang mga mata. Halos mapamura ako sa isip habang nakatitig sa mga mata niyang tila binabasa ang aking kaluluwa. "Pasensya na po, Sir," sabi ko, pilit na pinapakalma ang aking sarili. "Hindi ko po sinasadya." Imbes na sagutin ako, tinalikuran niya ako at mabilis na lumiko gamit ang kanyang wheelchair. Agad akong kumilos at tinulungan siya, kahit na ang puso ko'y kumakabog sa kaba. "Help me lie on my bed!" sabi niya nang matapat kami sa kama niya. Mabilis akong lumapit sa kanya, agad kong kinuha ang braso niya at ipinatong iyon sa aking balikat, making our bodies press against each other. Sa bigat niya, kinailangan kong yakapin ang kanyang beywang para suportahan siya. Ramdam ko ang t***k ng kanyang puso laban sa aking dibdib, na tila nagpapadala ng alon ng init sa aking katawan. Oh, God, help me! Nalalanghap ko na naman ang mabango niyang amoy. Habang dahan-dahan ko siyang inihihiga sa kama, bigla namang nadulas ang aking paa. Nawalan ako ng balanse at hindi sinasadyang napadapa sa ibabaw niya. Ang aming mga mukha ay halos magdikit, at naramdaman ko ang kanyang mainit na hininga sa aking pisngi. "D*mn!" He hissed. "Are you really clumsy by nature?" sambit niya, ang boses niya'y tila may halong pagkamangha't pang-iinsulto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD