VERONIKA'S POV: "Hey, are you with me?" malakas na tanong ni Nic na nagpagising sa akin. "Nika?" muli pa niyang tawag. Agad akong napatingin sa kamay niyang nakahawak sa aking braso. What duh? Am I daydreaming in broad daylight? I can't believe it! At iyon pa talaga? Gano'n na ba ako kauhaw sa kanya? D*mn ! I feel awful, nakakahiya! Nakakahiya ka Nika, hinawakan lang ang braso mo, kung saan-saan na naligaw ang utak mo! Wala sa sarili akong napaupo sa sofa, habang ipinipilig ang aking ulo. "What happened to you?" taka niyang tanong. Agad akong umiling, saka dinampot ang cinnamon roll, at kumain nang wala sa sarili. I chewed my bread and stood up abruptly in frustration. Nasisiraan na ako ng bait. Bakit sa dinami-dami nang papasok sa aking utak ay iyon pang pagaanuhan namin ni Nic.

