VERONIKA'S POV: "E, paano naman ako makakasunod sa kanya, kung nakahawak ka nang mahigpit sa aking braso?" Sabay irap ko. Sinubukan kong alisin ang kamay niya sa aking braso, pero tila mas lalong tumibay iyon sa pagkakakapit. "See, talagang susunod ka nga!" Galit niyang sabi. Sa inis ko ay hinila ko ang aking braso para mabitawan niya na, ngunit sa isang iglap ay nahila niya ako at agad na bumagsak sa kandungan niya. Oh, no! Not again. Awang ang aking bibig nang magkatitigan kaming dalawa. Agad na nag-init ang aking mga pisngi sa pagtitig niya sa aking mga mata. Nanigas ang aking katawan nang bigla niya akong halikan sa labi. Dahil sa sobrang gulat ko ay hindi ko namalayang nakanganga pala ako, at sa isang iglap ay naipasok niya ang dila sa aking bibig. Agad kong nalasahan ang dil

