CHAPTER 7

1187 Words
Veronika's POV: Papasok na sana ako sa room nang maisip ko ang meryenda. Kaya naman dali-dali akong lumabas ng bahay. Sa hindi kalayuan rito ay may coffee shop na paborito ko, kaya naglakad ako papunta roon. Pagdating ko, agad akong pumila at nag-order ng dalawang iced coffee para kina Nic at Doc Eithan. Para sa akin naman, syempre, ang paborito kong hazelnut coffee at ilang cinnamon rolls na sobrang bango at sarap. Habang hinihintay ko ang order ko, napansin ko ang mga tao sa paligid na abala rin sa kani-kanilang mga gawain. May mga estudyanteng nag-aaral, at mga magkaibigan na nagkukwentuhan. Bigla ko tuloy namiss ang mga kaibigan ko sa probinsya. Matagal na rin pala kaming hindi nagkikita-kita. Nang tawagin na ang pangalan ko, kinuha ko ang mga in-order ko at nagpasalamat sa barista. Matapos kong makuha ang aking order ay agad akong lumabas ng coffee shop. Takot na baka hanapin agad ako ni Nic. Ang sungit-sungit pa naman ng lalaking iyon. Saktong paglabas ko ng coffee shop ay naroon si Rosalie, ang babaeng naghatid sa akin sa subdivision na ito. "Uy. kamusta!" Bati niya sa akin nang makita niya ako. "Bumalik ka na pala?" Tuwang-tuwa naman ako na yumakap sa kanya. "Oo, pinabalik ako. Mabuti naman ako, ikaw?" "Mabuti rin, d'yan ka na ulit nakatira?" tanong niya, halatang masaya rin na makita ako. "Oo, ako na lang kasi mag-isa, bale naghahanap pa kasi sila ng guard, umalis kasi 'yung guard sa'min kasama si Irene na kasama kong nurse," wika ko. "Naku, mahirap nga 'yan. Pero sigurado akong makakahanap din kayo ng bagong guard. Pero mabuti naman na wala na iyon, wala nang gagapang sa'yo!" sabay tawa niya. Naikwento ko kasi sa kanya noon ang dahilan kung bakit ako naghanap ng boarding house. Naalala ko dati, pinapapasok iyon ni Irene sa silid namin, lalo na kapag gabi. Noong isang beses na nagtalik sila, ay hinipuan ako. Iisa lang kasi kami ng higaan ni Irene, hindi ko alam na tumabi pala silang dalawa sa akin, at doon nag-anuhan, tulog na tulog pa naman ako kasi ako ang naka-duty sa gabi. Kaya nagdesisyon ako na humanap na lamang ng boarding house. Gano'n kasi ang kadalasang nangyayari, kapag sinabi ko pa na nahipuan ako, iisipin nilalandi 'yung lalaki. Mabuti na lamang at tinulungan ako ni Rosalie na makahanap ng tutuluyan. Hindi rin naman nagreklamo si Madam Ava, agad niya din naman akong pinayagan kaya nakalipat agad ako. "Oo nga eh," sagot ko, sabay ngiti. "Pero okay lang, kaya ko naman. At least, may mga kaibigan akong tulad mo na nandito para tumulong." Ngumiti si Rosalie at tumango. "Siyempre naman, nandito lang ako. Kung may kailangan ka, huwag kang mag-atubiling magsabi, ha?" "Sige, salamat, Rosalie. Balik na ako sa bahay. Magkita na lang tayo ulit soon, ha?" sabi ko. "Sure, ingat ka!" paalam niya. Matapos magpaalam sa isa't-isa ay nagmamadali na akong umuwi. Pagkapasok ko sa bahay ay nakita kong palabas na silang dalawa ng sala. Kaagad na simangot ang isinalubong sa akin ni Nic nang makita ako. Nasa likod niya naman si Doc Eithan, na siyang nagtutulak ng wheelchair ni Nic. "Where have you been?" he asked. "Tapos na agad ang session? Ah..." tanong ko, binalewa ang masamang titg ni Nic sa akin. "I just went to the coffee shop to get some snacks." Showing them the coffees and cinnamon rolls I brought. "I got iced coffee for both of you." Mabilis kong inilapag ang mga dala ko sa lamesita sa sala, habang sila ay sumunod naman. Ipinuwesto ni Doc Eithan si Nic sa tapat ng lamesita, kaya ako naman ay umupo sa bandang gitna ng sofa, sa gilid ni Nic. Si Doc naman ay sa tapat ko naupo. "Hindi ka nagpaalam, you should have told me where you were going," he said, his tone still stern. Grabe, jowa lang? Need pa magpaalam? "Ahh... ayoko nang maistorbo session mo kaya umalis na lang ako nang walang paalam," paliwanag ko, sabay nguso. Itinapat ko sa kanila ang binili kong iced coffee, habang sa akin naman ang hazel nut coffee. "Salamat dito," nakangiting sabi ni Doc, kaya nginitian ko na rin. Nang mapatingin ako kay Nic ay tila mas dumilim pa ang hitsura niya kesa kanina, na parang lalong naiinis. Ang sungit talaga ng taong 'to! "Anong oras ka umalis? Isang oras ka do'n? Sa kanto lang naman ang coffee shop na ito, ah!" reklamo niya. Bakit puro reklamo niya? "E, may nakita kasi akong kaibigan kaya napakwento ng kaunti," nahihiya kong sabi, habang pasimpleng iniinuman ang aking cup. Lalo naman lumalim ang pagkasimangot niya. "Sino naman 'yan? Delikadong makipagkaibigan sa labas, lalo na hindi pa ako nakakahanap ng bagong guard!" Mariin niyang sabi, habang ako ay napangiwing nakatingin kay Doc Eithan. Grabe, sa harap talaga ni Doc ako pinapagalitan nito. Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa sitwasyon. "Babae 'yon, tsaka siya ang nagturo sa akin ng bahay na ito, kaya hindi ako naligaw nang frist day ko rito," sagot ko, sabay higop ko ulit sa aking cup saka ngumiti kay Doc Eithan, na palit-palitan ang tingin sa amin ni Nic. "Ah, ganun ba? Pero sana naman, mag-ingat ka pa rin," sabi ni Nic, medyo lumambot na ang tono. "Ayoko lang na maadiskubre nila ang bahay na ito na walang guard." Marahan akong tumango, bilang paggalang sa sinabi niya. "I like your coffee, let me taste it!" Sabay agaw niya sa aking cup, kaya wala na akong nagawa nang sipsipin niya iyon. I pouted, clearly not pleased with what he did. "Hey, that was mine," I said, crossing my arms. He noticed my reaction and chuckled. Doon ko nakita ang una niyang ngiti, kaya hindi naiwasang mapanganga at matulala sa kanya. "Aww, titikim lang, e. Gusto ko lang naman malaman kung anong lasa ng sa'yo, mukha ka kasing sarap na sarap," wika niya na ikinalunok ko. Bakit parang iba ang pagkaintindi ko sa sinabe niya? I'm not a grin-minded person, but when he speaks, it's like I lose myself, especially now that he's smiling. Parang may kakaibang epekto ang boses niya sa akin. Kahit naiinis ako sa pagsusungit niya sa akin, at kahit na lagi siyang galit. Ngayon na nakita ko na ang mga ngiti niya ay parang biglang bumuka ang gate ng langit. Langit ha, hindi mga hita. Nasa ganoon akong pag-iisip nang tumayo si Doc Eithan. "Ahh... thanks for the coffee, but I have another appointment, so I need to go," sambit niya, kaya napatayo na rin ako. "Sige, ihahatid na kita—" Nic, who was in his wheelchair, interrupted, sabay pigil niya sa aking braso. "No, let Doc Eithan go on his own. He'll be fine." Nagulat ako sa sinabi ni Nic, pero ngumiti na lang si Doc Eithan. "Thanks, Nic. I'll be on my way then." Habang palabas si Doc Eithan, naramdaman kong mas humigpit ang hawak ni Nic sa braso ko. "Kaya niya na 'di ba? Bakit parang susunod ka pa rin?" he asked, narrowing his eyes. Ibang klase talaga 'to maghinala, ni hindi nga ako gumalaw. Sinundan ko na nga lang ng tingin si Doc Eithan, mukha na bang susunod ako do'n?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD