CHAPTER 6

1250 Words
VERONIKA'S POV: Inis na inis ako habang nagkukuskos ng aking ulo. Damn! Ang dami kong palpak, hindi naman ako ganito dati. Sadyang nakaka-intimidate lang kasi ng mga titig niya. Ang tapang ko gumawa ng milagro noon, tapos ngayon, tiklop ako sa titig niya pa lang. Pero nahuli ko siyang titig na titig sa aking dibdib, habang ako'y nakaluhod. Hindi ko na nga lang pinansin, baka kasi mali ako. Nang matapos maligo ay nagbihis lang ako ng isang shorts at fitted shirt, saka bumaba matapos makapagsuklay. Natagpuan ko sa kabisera si Nic na matamang naghihintay sa akin, kaya binilisan ko ang aking lakad saka naupo sa kanan niya't ngumiti. Agad na umangat ang mukha niya sa akin nang makaupo ako sa gilid niya. "Thank God you're here, akala ko nalunod ka na sa banyo!" Mariin niyang sabi. "Let's eat," aniya, saka nagsimula nang sumandok. Habang ako ay nakatitig lamang sa ginagawa niya't namamangha. Talaga palang inaantay niya ako. Bakit kaya? Hmm... kinikilig na naman ang puso ni inday! Yay! Panay ang ngiti ko tuloy hanggang sa makatapos kaming kumain. "Ikaw na ang bahala dito ha," paalam sa akin ni Manang Lumen, habang kami'y nakatambay ni Nic dito sa teresa ng front yard. Pagkatapos niya kasing magluto at maglinis ay agad na siyang umuuwi, iyon daw kasi talaga ang gawain niya noon pa man, kaya tumango na lang. "Sige po, ingat ka, Manang!" Paalam ko naman, sabay tingin kay Nic na busy magbasa ng dyaryo na 'di man lang tumingin kay Manang. Hmp, napakasuplado talaga ng isang 'to! Malakas kong inusog ang inuupuan ko saka naupo na lang, sabay dampot ko ng aking cellphone sa lamesita. I scrolled through my phone, looking for something to distract me. I laughed so hard nang may mabasang sobrang nakakatawa. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, halos mahulog na ako sa upuan sa kakatawa. "Stop laughing!" Sita niya. His stern voice cut through my laughter, making me pause abruptly. Napatingin ako sa kanya, nagtataka kung bakit siya galit na galit. Ano naman problema niya sa pagtawa ko? Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagagalit sa simpleng pagtawa ko lang. Parang lahat na lang ng ginagawa ko ay mali sa paningin niya. Sasagot na sana ako nang may magdoorbell, kaya imbes na sagutin siya ay umismid na lamang ako, saka tumayo para pagbuksan ang kung sinong nasa gate. Doon ko lang naalala na paparating nga pala ang therapist ni Nic, nang mapagbuksan ang isang chinitong lalaki. He had on a neatly pressed button-down shirt, na ipinares sa maayos at tuwid na tuwid niyang pantalon. His attire was complemented by a pair of polished shoes, giving him a clean and approachable look. "Ahh... pasok ka," nakangiti kong sabi, sabay sipat sa aking relo. Alas nuwebe na at ngayon pa lang dumating ang therapist niya, na ikinapagtaka ko. 6 am ang dapat na ligo ni Nic, dahil sa late na akong nagising ay nagmadali ako sa pagaakala na baka masira ang schedule niya't maaga darating ang therapist, pati hitsura ko ay hindi ko na inalala. Iyon naman pala ay alas nuwebe pa ang dating ng therapist na 'to. 'Di ko alam kung maiinis ako o hindi. "Hi, magandang umaga" bungad na bati sa akin ng lalaking therapist na kadadating pa lamang. "Bago ka?" Tanong niya. "Hello, magandang umaga din," nakangiti kong bati. "Ah, hindi," sabay iling ko. "Tara, naghihintay na si Sir Nic sa'yo." Nauna na akong naglakad, ngunit malaki ang habang niya, kaya ngayon ay magkasabay na kaming naglalakad. "Hindi? Ngayon lang kasi kita nakita dito. By the way, I'm Dr. Eithan, therapist of Mr. Avellos," formal niyang sabi, sabay lahad ng kanyang kamay. Bahagya akong tumigil at napatingin sa kamay niyang maputi, at sobrang linis, nahihiya akong kinamayan siya. "I'm Veronika Sevilla, nurse ako ni Sir Nic," pakilala ko. "Oh, wow!" Sambit niya sabay ngiti. Napangiti rin ako nang mapansin ang biloy niya sa magkabilaang pisngi. His dimples were so charming, they made me smile without even realizing it. But just as quickly as my smile appeared, it vanished when Nic's voice boomed like thunder, interrupting our moment. "Ang bagal mo maglakad, bilisan mo dyan!" Sita ni Nic sa akin. "S-sorry, Doc, medyo menopausal na si Sir," biro ko, sabay tawa naming dalawa, ngunit muli lang nasita ni Nic. "Will you run?" Muling umalingawngaw ang boses ni Nic, na para bang kidlat na humahati sa aming tawanan. Bigla kaming natahimik, kaya naman napatakbo na ako. Pagdating ko sa harap ay nakasimangot na siya na para bang may malaki akong nagawang kasalanan. His eyes bore into mine, making me feel even smaller. “I’ve been thirsty for a while now, and all you do is flirt around. Seriously, don’t you care at all?” Galit niyang sabi, puno ng inis ang boses niya. "Sorry, hindi mo naman sinabi kasi," sagot ko sa mababang tono, nahiya pa dahil narinig iyon ni Doc Eithan. "Kukuha na ako." Sabay talikod ko, at hindi na hinintay ang sagot niya. Dali-dali akong kumuha ng isang bote ng mineral sa ref, kumuha na rin ako ng isa para kay Doc. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang kinukuha ang mga bote, pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi ko akalain na may susungit pa pala siya, ngayon ay kumakabog pa ang aking dibdib. Tss! Kaya siguro hindi nagpupunta dito ang asawa niya dahil sa sobrang sungit niya. Kung p'wede ko lang siyang sabunutan ay ginawa ko na, nakakainis! Huminga muna ako nang malalim bago bumalik. Pagbalik ko, inabot ko agad kay Nic ang bote ng tubig. “Heto na, nakuha ko na,” sabi ko, pilit na pinapakalma ang boses ko. Kinuha niya ito nang walang imik, halatang inis pa rin. Binalingan ko si Doc Eithan at inabot ang isa pang bote. “Para sa’yo, Doc,” sabi ko nang may maliit na ngiti, umaasang mapagaan ang sitwasyon. Tumango siya bilang pasasalamat, mas maamo ang ekspresyon kaysa kay Nic. Habang nakatayo ako roon, ramdam ko ang tensyon sa hangin. Nic’s expression darkened even more, though he didn’t say anything. His eyes flicked to the bottle I handed to Doc Eithan, then back to me, a subtle clench in his jaw. "Let's start our session,"nakatayong sabi ni Doc Eithan, siguro ay nakita niya ang galit sa mukha ni Nic, kaya nagpasya na siyang simulan ang theraphy. Pupunta na sana ako sa likod ni Nic, nang unahan ako ni Doc. "Ako nang bahala sa kanya," sambit niya kaya tumango ako. Nanatili akong nakatayo roon, tinatanaw habang papalayo sila. Tss! Parang feeling ko maaga akong magkakaputing buhok dito, nakakapraning ang kasungitan ni Sir. Hindi ko alam kung talaga bang nagagalit dahil sa uhaw. Kung hindi lang malaki ang sweldo ko dito, baka hindi na ako bumalik pa dito. Kung hindi lang nakasanla ang koprahan namin sa Bicol ay baka hindi ko ito tinanggap. Naawa lang talaga ako sa nanay ko, dahil marami na siyang nasakripisyo sa akin. "What, Nika? Kung tutuusin ay malaki ang kasalanan mo kay Nic, baka nakakalimutan mo?" Biglang sagi ng kabilang isipan ko na agad kong ikinangiwi. Oo nga pala! Kasi naman. e! Ang yummy-yummy niya pa rin kaya hindi ko napigilan ang sarili ko, pero ngayon kahit maghubad pa siya sa harap ko, hinding-hindi ko siya papatulan! Neknek niya! At isa pa, may asawa na naman siya, kaya dapat si Doc Eithan na lang ang landiin ko. Single kaya iyon? Mabilis akong naglakad para puntahan na ang dalawa sa loob ng silid ni Nic. Tahimik akong naupo sa gilid, habang pinagmamasdan silang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD