Veronika's POV:
Napuyat ako kagabi, halos alas kuwatro na nang madaling araw ako nakatulog. Kaya naman halos mapatalon ako sa kama nang makita si Nic na nasa may paanan ng aking kama at seryosong nakatitig sa akin.
"What the hell? Paano ka nakapasok sa kwarto ko?" Masungit kong sita, habang nakatayo sa kama.
"I told you to wake up early, so you could help me take a bath, and I found you sleeping here! It's already 7!" Galit niyang sabi.
Wala sa sariling tiningnan ko ang relo sa wall, at nang makita na 7 na nga ay napatalon ako sa aking kama, without thinking kung anong hitsura ko.
"I'm sorry, nahirapan ako sa pagtulog kagabi," sambit ko, samantalang siya'y nanahimik lamang.
Mabilis akong nagpunta sa likuran niya, at wala sa sariling itinulak ang wheelchair niya, palabas ng aking silid hanggang sa makarating kami ng kanyang silid.
Nang makarating kami sa banyo niya ay agad akong humarap sa kanya, at agad kong napansin ang hitsura niyang na nakakunot ang noo't walang imik.
"Ah... tanggalin na natin ang d-damit mo?" Nahihiya kong sabi, na ikinatiim-bagang niya lamang.
Nang akma kong tatanggalin ay inismiran niya ako saka nagsalita.
"Ako na! Itulak mo ang wheelchair ko papasok sa loob ng shower room," masungit niyang utos.
Mabilis akong tumalima sa utos niya, sa takot na baka pagalitan niya na naman ako.
I pushed his wheelchair to the shower and stood in front of him once I had done so.
Nanlaki pa ang aking mga mata nang bigla niyang hinubad ang suot na puting t-shirt, revealing his upper body.
Ito na nga 'yung sinasabi ko, dibdib niya pa lang... nakakaakit na! Diyos ko! Ang yame-yame ni Sir, parang 'di na-coma, kalurky!
Iiwas sana ako ng tingin, kaso inutos niya na sa akin ang may katamtamang haba na itim na towel. Wala akong nagawa kundi abutin iyon at ibigay sa kanya. Nang makuha niya ang towel, maingat niya itong inilagay sa kanyang kandungan bilang pantakip.
Tss! May takip-takip pang nalalaman, nakita ko na naman 'yun.
"Help me take off my pants and my brief and step back!" Mariin niyang utos na agad ko namang sinunod.
Nang mahubad ko ang lahat ay saglit kong nilagay sa basket ang mga hinubad niya, siya naman ay nagsimula nang basain ang buong katawan niya ng shower.
I almost cursed seeing him, his damp body barely concealed by a towel around his waist. He looked like a god descended from Olympus, and I was left speechless by his presence. Bawat galaw niya ay parang eksena sa isang pelikula, at hindi ko maiwasang mapanganga sa kanyang anyo. Ang kanyang katawan ay parang obra maestra, at bawat patak ng tubig sa kanyang balat ay nagdudulot ng kakaibang kilig sa akin, pinapainit ang buong loob ng cr.
"Help me, sabunin mo ang mga paa ko!" Utos niya kaya dali-dali naman ako nagpunta sa harapan niya.
Kinuha ko ang sabon sa lagayan at lumuhod, marahan kong sinabon ang binti niya, pababa ng kanyang mga paa. Iniiwasang mapasilip sa bukol sa pagitan ng kanyang mga hita.
Kinuskos ko hanggang kasuluksulukan ng mga daliri niya't bahagyang minasahe ang mga paa't binti. Para siyang isang hari, at ako naman ang kanyang alipin, bowing to every word he said.
I was about to rub his knee nang mapansin na titig na titig siya sa akin, kaya nagbaba ako ng tingin.
Ayan na naman siya sa kanyang mga titig na nakakapaso. Ang hirap niyang titigan, it feels like if I meet his eyes, I'll be consumed by the intensity of his stare, as if his very look could set me ablaze.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganyan siya makatitig sa akin, simula nang dumating ako. Sa paraan kasi ng pagtitig niya, para ako 'yung jowang iniwan siya, tapos bumalik na hinihintayan niya ng paliwanag.
Ewan ko, baka gunu-guni ko lamang ang mga iniisip ko sa titig niya.
Kaya binalewala ko na lang ang mga titig niya, saka itinutok na lamang ang pagsasabon sa mga tuhod niya pataas ng kanyang legs, hanggang sa matapos ako't napansing tila masama na ang titig niya sa akin.
"Okay na, Sir. P'wede ka nang magbanlaw," mahina kong sinabi na ikinasama niya nang tingin lalo.
"Hindi ka ba talaga marunong makinig? I told you not to call me sir!" Mariin niyang sabi.
"S-sorry, nakalimutan ko," nahihiya kong sabi.
Nagmumukha na ata akong tanga sa kanya, kaya sa hiya ay nag-umpisa na akong humakbang. Balak ko na sanang lumabas ng shower room, nang mapansin ang aking repleksyon sa salamin.
Sh*t! Mura ko sa aking sarili, sabay takip ng aking mga braso sa aking dibdib, at mabilis na naglakad palabas ng cr.
Nalimutan kong puting t-shirt at puting shorts lamang ang aking suot. At bukod roon ay wala rin akong suot na bra, kaya bakat na bakat ang aking mga s**o sa suot ko na nabasa na rin ng tubig. Dahil sa late na ay hindi ko na pinansin ang aking suot, ngayon ako nagsisisi.
Baka akalain niya ay inaakit ko siya.
Mabilis akong tumakbo sa loob ng aking silid at nagsuot ng bra. Nang matapos ay agad akong bumalik sa cr.
Pagdating ko roon ay patapos na siya magbanlaw, kaya agad kong inabot ang towel niya.
Mabilis ko siyang inilabas ng cr matapos siyang makapagpunas ng ayos.
At ngayon ay susuotan ko siya ng brief at pants. Kung dati ay walang-wala sa akin kahit ilang beses ko pang makita ang buo niyang katawan, ngunit ngayon na nakatingin siya sa akin ay sobra akong nahihiya.
"You're like a baby kitten, so afraid of a big dog, huh!" Sarcastic niyang sabi, habang itinataas ko ang brief at ang pants niya na sabay kong isinuot sa binti niya.
Sino ba naman kasing 'di nenerbyosin sa mga titig niya. Para na kasi siyang mangangain. Kung 'yung p*ssy ko pa, game ako! Kaso parang may sa demonyo siya makatitig, nakakakaba! Feeling ko, mauubos niya ako, pero tingin ko masarap rin! Yay!
Ano kayang lasa ng dila niya habang nakikipag-espadahan sa akin? Yay, nagpapantasya na naman ako!
Yumakap siya sa akin nang kailangan nang masuot ng ayos ang brief niya.
Agad naman nanuot ang amoy ng kanyang ginamit na sabon at shampoo sa aking ilong. Bigla tuloy akong nahiya nang maalalang hindi pa ako nakakaligo.
"Ang bilis ng t***k ng puso mo, do I make you scared?" Tanong niya sa mapupungay na mga mata.
Agad akong umiling bago umatras. Kinuha ko ang suklay sa tokador niya at maingat na sinuklayan ang buhok niya.
"Then why? Why is your heart beating so fast?"
"Hindi lang kasi ako sanay," amin ko.
"Hindi sanay saan?" Kunot-noong tanong niya. "Never mind! Get me that perfume," turo niya sa pabangong binili ko sa kanya, na bahagya kong ikinagulat.
Kung gano'n ginagamit niya ang binili kong pabango sa kanya? Sa dami ng pabango niya ay talagang 'yung perfume ko na binili ang gagamitin niya?
"Mabango ba ito?" tanong ko, habang kunwaring binabasa ang nakasulat sa bote ng pabango. "Emporio armani?"
"Yep, it's actually my favorite," wika niya.
Agad niyang winisikan ang leeg niya, saka braso't wrist niya tapos ay muli niya iyong inabot sa akin. 'Thanks!" Sambit niyang nakangiti.
Pakiramdam ko'y kay gaan ng aking loob habang tinutulak ko ang wheelchair niya patungong dining area.
"Ikaw na munang bahala sa kanya," sambit ko sa tagapagluto na si Manang Lumen nang makitang malapit na siyang matapos sa paghahanda sa lamesa. "Maliligo lang ako saglit," paalam ko.
"No, I'll wait you here, sabay tayong kakain!" Mariin na sabi ni Nic na ikinasinghap ko.
Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga sa kanyang kasungitan, ngunit wala akong magawa kung 'di sundin siya.
"Okay, bibilisan ko ang pagligo," paalam ko.
"D*mn! He's so arrogant!" Bulong ko sa sarili ko.