VERONIKA'S POV: Matapos maisagawa lahat ng test sa akin at makumpirmang ayos na ako ay agad naman akong pinalabas na ng doctor. Pasakay na sana kami ng sasakyan nang may pumigil sa aking braso. Nangangalumatang Roxxane ang sumalubong sa akin, na tila hindi na ata natutulog. "I'm sorry sa nagawa ko, hindi ko naman gustong mangyari iyon sa iyo. Pero sa sobrang selos ko ay nandilim ang aking paningin, hindi ko na namalayan na nahila ko na ang buhok mo at hinayaan kang malaglag sa hagdan," aniya na ikinaismid ko. "Sobrang selos mo na handa kang manghamak ng kapwa?" nakataas kilay kong tanong. "Hindi sa gano'n, tulad ng sinabi ko, wala akong balak na saktan ka. Bakit kasi ang amo-amo ng mukha mo, na kahit si Lucio ay napapaamo mo. Bagay na gustong-gusto kong mangyari sa akin noon pa, he do

