VERONIKA'S POV: Lumabas saglit si Nic, pagpasok niya ay namilog ang aking mga mata sa laki ng dala niyang bouquet ng red roses. "For you," sambit niya, na ikinainit ng pisngi ko. "Thank you," kagat labi kong sabi, sabay palobo ng aking pisngi sa sobrang kilig ko. Para akong isang teenager na ngayon lang nabigyan ng bulaklak. Kahit na binibigyan niya naman ako noon ay iba pa rin ang kilig ngayon. Para bang panibago kaming nagsisimula ulit. "Liligawan kita simula ngayon," namumula niyang sabi na ikinakunot ng noo ko. "Naging tayo noon nang hindi man lang kita naligawan. Ngayon ay palagi ka nang makakarecieve ng bulaklak mula sa akin," sambit niya. "Hindi mo naman na kailangang gawin iyon, gastos lang iyon." Sabay dila ko ng aking labi. "But it worth your smile, handa kong gawin ang la

