Nagulat si Cassie ng pag bungad niya sa living room ng bahay nila pag-uwi niya binato siya ng ama niya ng isang maliit na brown envelop sa mukha. Kung hindi lang naging mabilis ang ina niya na naka lapit at galit nitong iniharang ang sarili baka sinaktan din siya ng ama. Agad naman niyang dinampot ang mga picture at napalunok siya ng makita ang mga larawan nila ni Dominic habang kita na nag mamake-out sila. Maging ang pasok nila sa isang motel pero wala silang ginawa dun, pumunta lang sila dun para sunduin ang kaibigan nitong nasa motel na yun pero lumabas din sila.
"Anu yan? Ano yan?" gigil na sigaw ni Sevastian sa picture mabilis naman na nagtago si Cassie sa likod ng ina na nakaramdam ng takot sa ama na ngayon lang niya nakitang nagtaas ng boses.
"Papa."
"Wag mo akong ma Papa papa!" sigaw pa ni Sevastian na tumalikod na kinuha naman sa upuan ang isang folder sabay pinakita sa anak kung anong nakasulat sa harapan ng folder na binasa pa ni Cassie.
"CONFIDENTIAL BACKGROUND CHECK – ARELLANO, DOMINIC, M.D." bulong pa ni Cassie.
"Dr. Dominic Arellano… Top of his class, magna c*m laude… Residency sa Singapore… okay, impressive..." galit na basa pa ni Sevastian sa files ng professor niya na mukhang na check na agad ng ama ang background.
"Disciplinary report? Aggressive confrontation with hospital admin, unauthorized involvement in off-the-record clinical drug trials?
"Putcha naman! Cassandra." gigil na sigaw ni Sevastian na itinuloy ang pag babasa ng files ni Dominic na ikinagulat din ni Cassie.
"Subject was previously investigated for involvement in unauthorized human trials under a shell pharmaceutical company... Refused to testify during Senate inquiry… Cleared due to lack of evidence, but witnesses recanted under suspicious circumstances. Multiple complaints from former interns—psychological manipulation, inappropriate behavior disguised as ‘mentorship’… My God, Cassie." gigil na sigaw ni Sevastian na muling ibinato ang folder sa paanan ng anak.
"Baka mali lang ito Papa, hindi ganyan si Dom, iba siya Papa." napapikit naman si Sevastian na na sapo ang noo na halatang nagtitimpi. Agad naman na lumapit si Charlie sa asawa na niyakap sa bewang.
"Ang alam ko po maraming galit sa kanya dahil binabangga niya ang ibang doctor kapag may nakikita siyang_______"
"Read it. All of it—all the lies you've been defending...for this man?!" galit na sigaw ama sa pangangatwiran pa ni Cassie na parang ayaw pang maniwala sa mga binasa niya.
"Where did this come from? These details could be fabricated! You know there are people who hate Dr. Dominic!" napamura naman si Sevestian.
"I investigated. Private team. This isn't gossip, Cassandra. This isn’t just some social media screenshot." umiling naman si Cassie hindi makapaniwala sa mga naririnig. Paano pa siya hihingi ng tulong sa ama kung ganitong galit na galit na ito kay Dominic, paano pa niya ito bibigyan ng hustisya. Kung ang mismong taong makakatulong sa kanya ay galit na galit na at tiyak wala na itong papaniwalaan sa sasabihin niya and worse baka pahintuin pa siya sa pag-aaral.
"I know Dominic. Yes, he’s not perfect. But he would never do something unethical, not like this..." wika pa ni Cassie na pilit na nag papakatatag.
"You don’t know him! He used you! He exploited your weakness! And now—now you’re making out with him in bars? Going into motels? Do you even know who you're dealing with?" galit na wika ng ina niya na masam na din ang tingin sa kanya at nahihiya talaga siya pero kahit sabihin pa niya na walang nangyari sa kanila hindi naman maniniwala ang mga ito.
"We didn’t go there for what you’re thinking, Dad Mom. We went to see a friend of his who could help with the case we’re investigating. The anomalies are real, Dad. And if the things in your reports are true... maybe he hasn't told everything. But that doesn't make him a bad person." muli naman na napamura si Sevy na lalapitan sana ang anak na napa-atras habang pigil naman ni Charlie ang asawa.
"Sometimes the best liars... are the most intelligent ones. And if he's smarter than you, then he’s probably better at deceiving you, too." hindi naman nakasagot si Cassie na nakatingin lang sa magulang niya.
"Make a choice, Cassandra. But don't let him make a fool of you." wika naman ng ina.
"Dahil mo yan sa Doctor, baka kung anong sakit pa ang binigay ng lalaking yan sa anak natin." galit na utos ni Sevy sa asawa.
"Pa, walang nangyayari sa amin. I'm still a vir_____." hindi naman natapos ni Cassie ang sasabihin ng maalala na hindi na nga pala siya virgin dahil kay Blue. Hindi puwede, hindi puwede na malaman ng magulang niya ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Blue.
"I'm still a virgin! Naka tatak pa din po sa isip ko ang utos sa amin ni mommy. Kaya please trust me hindi ganun babae ang pagpapalaki n'yo sa akin." wika ni Cassie saka pumikit dahil hindi niya kayang magsinungaling sa magulang niya pero wala na siyang choice.
"I'm giving you a second chance Cassandra, huli na ito! And from now on meron ng mag babantay sa'yo at wag mong susubukan na gumawa ng pagkakamali dahil sinasabi ko sa'yo, pag sisihan mo ang kaya kong gawin sa Dominic na yan." banta pa ni Sevastian sabay talikod.
"Mommy!" tawag pa ni Cassie sa ina na napailang.
"I still trust you dahil nanay mo ako at tingin ko naman tama ang paraan ng pag papalaki ko sa inyo kaya magtitiwala ako sa sinabi mo, wag mo sanang sirain yun Cassandra." malamig na wika ng ina saka siya iniwan at sinundan nito ang ama. Napakagat labi na lang siya anong gagawin niya kanino siya hihingin ng tulong ang papa lang niya at mga kaibigan nito ang makakatulong sa kanya pero paano siya hihingi ng tulong sa ama kung ganitong galit na galit na ito. At nag banta pa itong may gagawin masama kay Dominic. Kung sasabihin kaya niyang patay na si Dominic tutulungan kaya siya nitong bigyan ng hustisya si Dominic o baka matuwa pa ito na patay na si Dominic.
"Si Blue." mahinang usal niya pero napapikit siya sabay iling hindi, hindi puwedeng kay Blue siya hihingi ng tulong not in a million years.