Sinusubukan ni Cassie na mag panggap na tulog para lang ignurahin si Blue sa buong biyahe dahil wala talaga siya sa mood na pag-ukulan ito ng pansin. Marami ng laman ang isip niya at wala na siyang balak na idagdag pa si Blue, Dominic just died ayon sa usap-usap sa GC ng kapwa niya studyante.
“Please, don’t say a word, Blue.” na iinis na usal niya ng marinig na tumikhim ito na bahagya siyang siniko.
"I wasn’t planning to talk. But I can see how uncomfortable you are. That’s... new and I'm kinda curious why?" tanong pa nito na halatang natutuwa na uncomfortable siya na katabi talaga ito. Parang mauubusan ata siya ng pasensya sa buong flight bakit ba kasi sa dami niyang makakasabay sa eroplano ang lalaking ito pa.
"Well, I don’t exactly want to relive our last... conversation." Pagak naman natumawa si Blue na sumandal pa sa upuan na humakipkip habang nakatingin sa kanya na talagang nag i-enjoy sa discomfort na nararamdaman niya.
"Are you sure? Wala ka bang ginagawang kasalanan sa akin? You look exactly kasi na parang may ginawa kang mali. Bukod dun sa nahuli kitang nakikipag make out sa isang public toilet.' bulong pa ni Blue na ikinalingon na niya rito at pinaningkitan.
"You’re impossible. Hindi ka ba tatahimik?" Ngumisi naman si Blue na bahagyang inilapit ang sarili sa dalaga.
"You know, I never expected to be on the same flight as you. But fate works in mysterious ways. But you smell like familiar?" napatarak naman ang mata ni Cassie na napailing na lang na bahagya itong itinulak sa dibdib palayo.
"Yeah, right. I’m sure it’s just fate that I’m stuck next to you."
"I met a woman last night at magkasing amoy kayo?" kumunot naman ang noo ni Cassie.
"Anong amoy?" tanong pa ni Cassie.
"Amoy betadine solution." pagak naman tumawa si Cassie para itago ang namumuong kaba sa puso dahil iyon din ang eksaktong na aamoy niya sa sarili. Hindi na kasi niya nagawang maligo dahil sa pag mamadali. Isang flight attendant naman ang lumapit sa kanila at kumuha ng order pero si Cassie parang walang naririnig kaya napilitan ng umalis ng flight attendant.
Ano kayang nangyari may kakaiba talaga sa kilos ni Cassie parang meron talaga itong problema na ayaw sabihin. Meron ba itong tinatakasan o kinatatakutan. May ginawa ba rito ang lalaking kasama nito sa bar nung gabi, did the guy rap*d her? Pero nakita niya kung paano mag response si cassie sa halik ng lalaki kagabi obviously gusto din nito. Pero nakakapagtaka lang ang kilos talaga nito maging ang hitsura at pustura na parang may pinagtataguan.
"You don’t look like you’re enjoying this. Maybe I should leave you alone. But you’re way too interesting to ignore." napalingon naman si Cassie kay Blue na talagang mukhang walang balak na tigilan siya.
"And you're way too arrogant to understand that I don’t want to talk to you. At galing ako sa hospital kaya amoy betadine ako napaka OA mo naman." tarak ang matang wika na lang si Cassie. Tumaas naman ang kilay ni Blue natutuwa siya sa pagiging suplada nito ngayon. Noon pa man hindi na sila close ni Cassie, mag kaibigan ang mga pamilya nila at alam din naman nito na muntik na niyang diskartehan ang ate nito hindi lang natuloy pero never naman na nag pakita ng attitude sa kanya si Cassie, although na typically suplada din naman ito. There is something lang talaga na parang mag na sesense siyang kakaiba kay Cassie. He senses something deeper in her tone. He’s not used to being dismissed this way.
"You know, I don’t think you’re being completely honest with me, Cassie. I’ve seen you before, you know. You’re not this cold."
"You don’t know anything about me, Blue. Wag kang magpanggap si Ate lang ang kilala mo."
"You can try to fool me all you want, but I’ve seen enough. I know there’s more to you than just that tough exterior." umiwas na lang ng tingin si Cassie at napapagod na lang na umiling since ayaw talaga siyang tigilan ni Blue.
"You don’t understand. There are things I’m not ready to deal with yet." nakaramdam naman ng pag-alala si Blue dahil dama niya sa boses ni Cassie na mukhang may problema nga itong itinatago sa kanya na marami sa pamilya lang nito gustong sabihin at sino ba naman siya para pag sabihan nito.
"Alright. I’ll stop. But just know this, Cassie, I’m not going anywhere. If you want help just let me know okay! Sooner or later, we’re going to have to face again, I'm not just acquaintance. I'm also your brother's close friend." Hindi naman tumugon si Cassie na bumuga na lang ng hangin. Na tumayo na lang at bitbit ang bag na nag tungo sa banyo para makapag palit ng damit at makapag punas man lang ng katawan niya kahit konti dahil sa totoo lang na mimigat na ang katawan niya sa pagod, sa puyat idagdag pa ang kung anong gamot ang pumasok sa loob ng katawan niya na tingin niya anestisya dahil wala man lang siyang nararamdaman na sakit lalo na sa ibabang bahagi ng katawan niya.
Wala man siyang na aalala kagabi pero sure siyang may nangyari sa kanila ni Blue at mukhang walang na aalala si Blue na siya ang babae na naka s*x nito at mas mabuti yun. Although nanghihinayang siya sa virginity niya pero wala na siyang magagawa aksidente lang ang lahat at mukhang lasing si Blue kagabi at patay ang ilaw ng kuwarto. Kaya kailangan niyang maalis ang amoy ng betadine sa katawan niya bago pa kung ano-anong isipin nito. Mahaba pa ang flight nila at kilala niya ang abogadong ito na kaibigan ng kapatid niya. Suplado ito at mayabang sa ibang tao pero kapag bumuka ang bibig nito hindi naman mapigilan kaya bagay talaga rito ang maging abogado.
-
-
-
-
-
-
Napatingin pa sa kanya si Blue ng bumalik siya sa upuan niya na medyo fresh na at hindi na amoy hospital. Hind na lang pinansin ni Cassie ang ngiti ni Blue na panay ang sunod ng tingin sa kanya sa bawat galaw niya. Kaya ng maupo na siya tumikhim pa ito na halatang handa nanaman mag salita.
"Not a word Lawyer boy!" napangiti naman ang binata.
"Hindi man lang ba puwedeng mag tsismisan tayo para naman hindi boring ang buong biyahe." hindi naman nag-abalang lumingon si Cassie na nag kabit ng earpods sa tenga.
"I don’t need to talk to you, Blue. I don’t owe you anything."
"Sure, you don’t owe me anything. But you do know that ignoring me won’t make me go away, right?" tanong pa ni Blue na talagang na cucurious na sa kakaibang kilos talaga ni Cassie.
"Natatakot ka ba na baka isumbong kita kila Tito at Tita ng pinag gagawa mo sa NY?"
"I’m not scared of you, Blue." ngumisi naman naman ang binata.
"I never said you were scared of me. But you’re scared of something, Cassie." napalingon naman sa kanya si Cassie na napatiggil sa pag scroll sa cellphone nito na parang nag hahanap ng music.
"Hindi ka talaga marunong umintindi ano? Inaantok ako at gusto kong matulog buong biyahe kaya puwede ba shut your mouth." derektsang turan na ni Cassie na masama ang tingin kay Blue.
"I know enough to see that you're not as tough as you pretend to be. But that’s okay. I’m not in a hurry to figure it out. I have all the time in the world." komento pa ni Blue na para bang gusto nitong malaman kung ano talagang itinatago niya, medyo kinabahan siya.
"Please let me be in peace." Hindi naman na naka-imik si Blue habang nakatingin kay Cassie ng mapansin na mukhang gusto nga nitong matulog innoffer pa niya rito ang blanket na naroon na pahablot naman nitong kinuha saka binuka at itinalukbong nito sa buong katawan at mukha nito. Kaya napabuga na lang siya ng hangin na kinuha ang files na binabasa kanina pero ang isip niya ay nakay Cassie pa rin. Hindi niya alam pero ewan ba niya pero habang nasa banyo si Cassie hindi niya mapigilan na mapaisip.
Yung babae kagabi na nakas*x niya kaamoy talaga nito akala niya dala lang ng kalasingan kaya ganun ang pang-amoy niya pero after na maamoy si Cassie ng ilapit niya ang sarili rito bigla niyang naalala ang babae kagabi. At bilang abogado at kung gagamitin niya ang instinct niya pakiramdam niya si Cassie at ang babae kagabi ay iisa kaya possible na ganun din ang attitude ni Cassie ngayon. Ngunit kasama ito ng ka make-out nito nung gabing yun, kaya naman na pufrustate siya sa pag-iisip dahil sa kakaibang kilos ng dalaga.
"Well, looks like we’re almost there. I’d say it was a pleasant flight, but you’ve been giving me the cold shoulder the whole time."
Napainat naman si Cassie na parang walang narinig na tiningnan ang oras sa cellphone na ikinagulat niya na grabe nagawa niyang matulog talaga sa buong biyahe sabay lingon kay Blue.
"It’s not like I’m trying to be rude. But you’re... you’re impossible kasi talaga." wika na lang ni Cassie na aksidente naman na nag lock ang paningin nila ng ilang segundo at si Cassie ang mabilis na umiyas ng tingin.
"She's really hidding something from me." bulong sa isip ni Blue.
"We’ll see how impossible I really am, Cassie." natigilan naman si Cassie sa sinabi ni Blue na parang may kahulugan na medyo nag pakaba sa kanya.
"This isn’t over, Blue." Natatamad na tanong ni Cassie pero deep inside nag-aalala siya paano kung gamitin nito ang pagiging abogado nito at alamin kung sino ang babaeng kasama nito kagabi. Napilitan siyang kunin ang lahat ng pera nito maging ang rilo dahil hindi tiyak niyang hindi siya makaka-uwi sa bahay niya tiyak na may naka abang sa kanya. Buti na lang ang passport niya ay naiwan niya sa school locker niya na madali niyang nakuha. Kaya agad-agad siyang nakabili ng ticket pauwi habang ang rilo naman nito at ibenenta din niya sa murang halaga lang kahit alam niya na sobrang mahal nun. Pero sinabi naman niya sa kaibigan niya babalikan niya iyon at tutubusin, kulang lang kasi ang cash na nakuha niya kay Blue pang bili ng plane ticket.
"No, it’s just the beginning." sagot naman ni Blue na titig na titig kay Cassie na pilit na iniiiwas ang tingin sa binata.