CHAPTER 06
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko kaya doon ko lang nalaman na umaga na pala. Nag ready lang ako ng bread at coffee para sa almusal ko at papatungo na ako sa opisina dahil baka ma late pa ako.
Nag dridrive akko papuntang opisina ng biglang tumunog ang cellphone ko. It was Mom calling. I immediately answered her call habang nag drive ako dahil baka importante itong tawag.
[Hi Mom, how are you?”] bungad ko kay Mommy.
[“Hello Anak okay naman kami, ikaw dyan? malapit na birthday ko di ka ba uuwi?”] ay oo nga pala nag promise ako kay Mommy na sa 50th birthday nya ay uuwi ako hindi pa ako nakakapag paalam sa company para mag leave ng 1 week. Mamaya nalang siguro ako magpasa ng 1 week leave permission.
[“Yes Mom I’ll be there magpapasa po ako later ng permission sa Boss ko”]
[“Sige Iha, I miss you anak, see you soon ingat ka dyan, eat healthy foods”] malambing na sabi saakin ni Mommy at sakto naman nasa tapat na ako ng company noon.
[“Sige na Mom, nasa work na po ako see you soon iloveyou miss you too.”]
[“Bye Athena, iloveyou Iha”] pagkasabi noon ay nagpaalam na ako na ibaba ang tawag. Namimiss ko na sila mom sana ay payagan ako ni Xander mag leave.
Binati ko si Kuya Badong ang guard sa lobby na nandon at dahil maaga pa medyo konti palang ang mga empleyado nong oras na iyon kaya nag dire diretsyo na ako patungo sa elevator.
Bumukas ang elevator, at walang walang taong nakasakay doon kaya dali dali na akong sumakay, I also pressed the 9th floor.
I glanced on my wristwatch at 10 minutes akong early, sana lamang ay nandoon na sila Lesley para naman may oras pa kaming magchikahan lahat.
Tumunog na ang elevator at bumukas na ito agad naman ako lumabas at pumunta na patungo saaking table. At tama nga ako nandon na si Lesley at Felix sila ata ang maaga ngayon.
“Good morning Les at Felix aaga natin today ah” naka ngiting bati ko sakanila bago umupo dito kasi sa part na ay kami lang nila Jen, Lesley, Lance, Felix ang naka pwesto sa lugar na ito at sa kabila naman ay ibang team at medyo malayo kami sakanila. At maya maya din at dumating na rin sila Jen at Lance.
“Thursday nanaman ngayon baka dumating yung masungit na girlfriend ni Sir” rinig kong sabi ni Lesley kaya naman na patingin ako sakanya, sinong Sir? May girlfriend na si Xander? habang iniisip ko iyon ay may kirot sa puso akong nararamdaman.“Sinong Sir? At girlfriend?” tanong ko naman sakanila habang naguusap usap.
“Edi sino pa ba si Sir Xander, girlfriend si Ms. Alyana Cruz yung isang sikat na model” kwento naman saakin ni Jen, kaya pala ganon ang trato nya saakin kapag nagkikita kami ngayon dahil nakapag move on na siya at may girlfriend na, iniisip ko iyon at nasasaktan ako sa nalaman.
“Ah m-may girlfriend na pala si S-sir, matagal na sila?”
“Oo Sis, hindi pala namin na ikwento sayo, mga ilang years na din siguro sila dahil lagi sila nahuhuli ng media na nag dadate sa mga mamahaling restaurant pero di pa nila kino confirm.”
“Lagi din Thursday ang punta ni Ms. Alyana dito or Friday dahil ayon ata ang free schedule nila para mag data ni Sir” pahabol at singgit na sabi nila habang ako ay nakikinig lang at malalim ang iniisip.
“Alam mo ba akala mo kung sino yun, masungit iyon at bossy sana ay hindi siya ang mapangasawa ni Sir dahil kawawa si Sir baka nga pera lang ang habol nung kay Sir” pabulong na sabi saakin ni Lesley dahil baka daw may makarinig.
“Oh bakit parang nalugi ka Athena, okay ka lang ba?” tanong naman ni Lance kaya napabalik ako sa aking pagiisip.
“H-hah hindi may iniisip lang ako sa leave ko” palusot na sabi ko sakanila at hilaw silang nginitian.
“Bakit aano ka? Bakit ka magleleave?” tanong saakin ni Jen
“Uuwi ako sa States, birthday ng Mom ko 1 week lang naman ako doon” pinipilit kong pasiyahin ang aking boses.
“Ma mimiss ka agad namin, pasalubong ah?” sabay naman nilang sabi at natuwa ako.
“Oo ba ayun lang pala e”
“Osya tama na chismisan natin mag simula na tayo mag trabaho baka mapagalitan pa tayo” sabi naman ni Felix kaya nagtawanan nalang kami at nagsimula ng mag trabaho at mag ayos ng mga documents.
Nasa kalagitnaan ako ng pag tratrabaho ay nag ring bigla ang cellphone ko kaya naman tiningnan ko ito at It was Dylan who’s calling at sinagot ko naman ito.
[“Hi Athena Babe, free ka today hatid mo ko sa airport mamayang 3pm?”] bungad naman nito saakin.
[“Okay Dy, I’ll be there mag early out nalang ako see u”] sabi ko naman sakanya dahil ang sabi ko din naman ay sasama ako sakanya mag hatid.
[“Sige Babe, see you”] at sakto pag kababa ko ay naka dungaw si Lesley na para bang kinikilig.
“Sino yan? Ayan ba sumundo sayo na pogi kagabi?” parang kinikilig na sabi nito.
“Baliw, bestfriend ko lang ito.” at mukhang di nakuntento dahil nag ngiting aso pa.
Bumalik na ako sa pag tratrabaho at naisip ko nanaman ang napag usapan namin kanina na may girlfriend na si Xander at dapat ay maging masaya ako para sakanya pero hindi ko magawa sabagay ako naman ang may kasalanan kung bakit siya nawala saakin pero ginawa ko naman iyon para sakanya.
Habang inaalala ko ang mga pagtatagpo na iyon at mga panahon na kasama ko siya bigla kong naalala na kailangan ko pala mag pasa ng leave permission letter sakanya naisip ko na mamaya ko nalang ipasa pag nagpaalam din ako ng early out.
“Lunch time na pala, tara mag lunch muna tayo” sabi naman ni Felix kaya nagkayayaan na mag lunch muna kaming lahat at pa punta na kami sa cafeteria at pasakay ng elevator ng makasalubong namin si Xande-Sir na kasama nga ang babaeng iyon ang girlfriend niya.
Bumilis ang t***k ng puso ko and my hand is sweating cold. Sino ba naman hindi kakabahan kung ang nakikita mo ngayon ay ang lalaking minahal mo at ang minamahal mo parin ngayon na kasama ang kanyang girlfriend habang naka angkalay ang braso nya dito. May sakit akong nararamdaman at hindi ko maiwasang di sila tingnan dahil mukhang masaya sila samantalang ako hindi pa maka move on sakanya.
Nakatingin ako sakanila habang busy silang masayang naguusap at bigla naman nag tama ang aming mga tingin kaya nagiba ako ng tingin.
Papalapit sila ng papalapit saamin kaya mas lalo akong nasasaktan at pinipilit kong wag itong ipahalata at makisabay sa paguusap nila Jen habang naglalakad.
“Good Afternoon Sir and Ms. Alyana” sabay sabay naman nilang bati at sabay yuko bilang pag galang at ginawa ko nalang sila.
“Good Afternoon” malamig na sabi saamin ni Sir at nginitian lang kami ng kasama nya at nagtama nanaman ang aming mga mata at walang emosyon ito kaya ako ang unang bumitaw at tuluyan ng sumakay ng elevator.