CHAPTER 07
Naka rating na kami dito sa canteen at ang sabi ko sakanila ay I order nalang din nila ako dahil nawalan ako ng gana at nalungkot sa nakita.
“Athena okay ka lang ba?” tanong saakin ni Lance pag balik kasama ang mga order naming pagkain.
“Oo naman nagugutom lang ako hehe” pasulot ko at saka tumawa bahagya
“Oh eto na pagkain mo kumain ka na” sabi naman nito at sumunod na dumating na din sila Lesley dala ang mga pagkain na order din nila at sabay sabay na kaming nagsikain.
“Magpapasa pa pala ako kay Sir ng leave mamaya after lunch” sabi ko sakanila habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.
“Mamaya ka na mag pasa dahil tiyak na wala pa non si Sir dahil sa labas sila nag lunch ni Ms. Alyana” napalingon naman ako kay Jen sa sinabi nya, oo nga pala kasama nya ang girlfriend nya.
“Osige at saka nga pala mag eearly out ako may ihahatid ako sa airport” patuloy ko sa pagkukwento sakanila
“Sino ang ihahatid mo?” tanong naman saakin ni Lance
“Si Dylan bestfriend ko ngayon balik nya sa States” ayon nalang ang sinabi ko at nitingnan ko na ang wristwatch ko bandang 1:30 na din pala mga 3 ay mag out na ako.
“Wala ka bang Boyfriend ngayon Athena?” tanong naman ulit ni Lance saakin na dahilan para mahinto ako sa pagkain at natawa.
“Ako? Wala hahahaha walang nag tangka joke” biro ko sakanila at natawa naman sila
“Si Lance nalang daw Athena available” biro naman ni Felix at sabay sinulsulan nila Jen at Lesley nakita ko naman namula ang pisngi ni Lance at nag ngitian lang kami. Gwapo din naman si Lance pero mas gwapo padin si Xander, teka saan galing yon?hahaha
Natapos na kaming magsikain at nag kwentuhan lang kami ng konti at kung ano ano, maganda na din yon at nakakalimutan ko yung mga pagtatagpo kanina buti nalang ay nandito sila at hindi ako halata dahil wala din ako balak sabihin sakanila na Ex ko ang Boss namin.
Anong oras na din kaya naisapan namin umakyat na at bumalik na aming pag tratrabaho buti ngayon ay konti ang aming mga ginagawa namin dahil noong isang araw ay tambak ang gawain namin.
Naisipan kong gumawa na ng leave permission ngayon para maipasa ko na din mamaya at makapag paalam ako agad next month pa naman iyon.
“Ipapasa ko lang ito kay Sir ah balik nalang ako” paalam ko kila Jen ay tumungo na ako sa floor ng CEO.
Nakita ko doon si Tessa na may mga inaayos na papeles kaya naman siya ay pinuntahan ko na.
“Hi Tessa, nandyan ba si Mr. Montemayor?”
“Oy Athena ikaw pala, oo nandyan na may kailangan ka ba?” tanong naman nito
“Oo magpapasa sana ako ng leave para next month e” ayon nalang ang sinabi ko at pinindot nito ang intercom doon at may kinausap alam ko naman si Xander yon sana lang ay wala na doon ang girlfriend niya.
“Sige Athena pasok ka nalang dyan nandyan si Sir” sabi naman nito at nagpasalamat ako sakaniya.
Dumiretsyo na ako papunta sa pintuhan ng opisina niya. Kinakabahan naman ako at bumilis nanaman ang t***k ng aking dibdib makikita ko nanaman siya, okay self relax ka lang kaya mo yan pabulong na sabi ko saaking sarili tsaka pumasok na sa loob ng naka taas noo.
Pag pasok ko naman ay naabutan ko siyang nag pipirma ng mga papeles at wala din akong nakitang babae wala na dito ang girlfriend niya buti nalang at makakahinga ako ng maluwag, saka niya lang nalaman na nandoon ako noong ako ay tumikhim sabay nag angat siya ng tingin saakin.
“Good Aftenoon Sir, gusto ko po sana mag request ng leave of absence next month” tumigil naman ito sa pag aayos ng mga papeles at tiningnan ako na para bang nanunuri kaya naman nagiwas ako ng tingin dahil kinakabahan ako sa klase ng tingin na ibinibigay niya saakin.
“Why are you taking leave next month?” tanong nito habang nakatiim bagang nakatingin saakin ng malamig at alang emosyon.
“U-uwi po ako sa States” maiksing sabi ko nalang dito dahil alam nya naman siguro iyon o baka hindi.
“Ano naman ang gagawin mo doon?”
“I promised my mom that I would attend her birthday celebration.” sabi ko dito habang nakayuko at siya naman ay parang naginhawahan at umaliwalas ang pag hinga.
“When are you going to come back?” pinag papawisan ako ng malamig ngayon dahil kinakabahan ako at andami niya kasing tinatanong.
“1 week lang po ako doon Sir” sabi ko nalang at inabot ko sakanya ang letter ko at bumalik ako sa aking pinagkakapwestuhan.
“At pwede po ba ako mag early out ngayon, may lalakarin lang po” paalam ko sakanya.
“Saan ka naman pupunta?” daming tanong ah interview ba ito? joke
“May ihahatid lang po sa airport”
“Sino naman?” tanong ulit nito saakin.
“Sir interview po ba ito? Andami niyo pong tanong e” natigilan ito sa ginagawa at tininggnan muli ako, andami niya kasing tanong e.