CHAPTER 08

1197 Words
CHAPTER 08     “May reklamo ka ba Ms. Ramos?” tanong niya saakin.   “Wala naman po Sir” sabi ko nalang at natawa ng konti.   “Okay approved na ang leave mo, kailangan mo ireport saakin mga gagawin mo sa loob ng 1 week” with his non ending cold voice.   Nagtaka naman ako dahil bakit kailangan pa niyang malaman ang mga gagawin ko sa loob ng 1 week inisip ko nalang na baka part iyon ng  rules pag nag leave sa company na ito.   Naalala ko lang na ihahatid ko pala si Dylan sa airport ngayon kaya kailangan kong mag early out.   “A-ahm Sir pwede din po ba ako mag early out now?” “Why?” maiksing tugon nito. “Because I have important errands to run today” sana lang ay payagan niya na ako ng makaalis na ako anong oras na din.   “What's your important errands?” andami naman tanong naiinis na ako   “It has nothing to do with your business, sir.” tila nagulat naman ito sa aking pagsagot dahil nauubusan na ako ng pasensya sakanya feel ko sinasadya niya nalang akong pagtripan ngayon sa mga tanong niya.   “Is that how you talk to your boss?” arghhh! “No Sir, but if you'll excuse me, I need to leave at this time, Thank you and have a good day.” sabi ko dito ng nakangiti at yumuko akong bahagya para magbigay galang sakanya, hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon na makapag salita dahil lumabas na ako. Naririnig ko pa itong tinatawag ako pero kailangan ko na umalis anong oras na din baka di ko pa matupad ang sinabi ko kay Dylan.   Papasok na ako ng elevator ng makita ko siyang naka sunod saakin nagulat ako dahil nandon lang sya kanina sa opisina niya nakaupo ngayon nandito nadin siya sa elevator kasama ko.   “Where the hell are you going to?” tiim bagang sabi nito kaya napalunok ako dahil mukha siyang galit ngayon pero hindi ko pinahalatang kinakabahan ako sakanya.   “Sa airport lang” pinalamig ko din ang aking boses para fair kami hehe joke.   “I'll accompany you, no more buts” sabi nito at napanga nga nalang ako magsasalita pa sana ako kaya lang bumukas na at nauna pang bumaba ang loko.   “Faster, Baby” what?! ano baby? Mas lalong bumilis ang t***k ng puro ko at may kung anong paru paro ang nag kakagulo sa tiyan ko.   “Baby ka dyan?! at tsaka pumayag ba akong sasama ka?” hindi ko alamat may lakas na ako ng loob na sagutin sya ng ganon dahil siguro naging kumportable nanaman ako sakanya ngayon kahit na may malungkot na nakaraan kami.   “You should obey me, remember may malaki kang kasalanan saakin.” sabi nito saakin habang seryosong nakatingin at nag iwas naman ako kaagad ng tingin dahil makita niya ang emosyon ko.   “Come on, I’ll drive you to airport” sabi nito at pumunta sa isang Bugatti Centodieci na siguro ay sasakyan niya.   “May sarili akong sasakyan at kaya kong mag drive” sabi ko dahil baka di ko malaman ang gagawin ko kapag magkasama kami sa isang sasakyan.   “Ang sabi ko dito, sumunod ka” napilitan ako sumakay at sundin sya dahil ramdam ko ang inis nga ngayon sa pagsarado palang ng pintuan ng sasakyan.   “What are you going to do at the airport?”   “Ihahatid ko lang si Dylan nga- Ano ba?!!” hindi ko pa tapos ang sasabihin ko ng bigla itong prumeno at muntikan na akong masubsob sa harapan.   “Ano?! sino ihahatid mo?” nag iigting mga pangang binalingan ako nito ng tingin.   “Baliw ka ba! Paano kung nauntog ako diyan?!” inis na sabi ko dito dahil bigla bigla nag prepreno.   “Sino ang ihahatid mo?” tanong nito saakin at kita sa mga mata nito ang pag kainis.   “Si Dylan nga ulit ulit ka naman” “Boyfriend mo ba iyon?!” teka nga bakit ba nagagalit tong mokong na ito.   “E ano bang pakielam mo? Ikaw nga may girlfriend e” pabulong na banggit ko sa dulo pero mukhang narinig niya ito dahil binalingan ulit ako ng tingin.   “No, hindi mo siya ihahatid” pagkasabi nito ay iniliko ang sasakyan papunta sa kabilang side ng daan.   “Ano? Baliw ka ba! Nangako ako kay Dy!” inis na singhal ko dito dahil ano bang promblema nito.   “So Dy huh?” sabi nito at biglang binilisan ang pagmamaneho.   “Nangako ka din naman saakin ah di mo din tinupad” puno ng hinanakit na sabi nito at napahinto ako sa sasabihin ko at binalingan ito ng tingin.   Naka focus lamang ang mga mata nito sa daan at muli nanamang bumalik ang mga masasakit na ala ala saakin at hindi nalang ako umimik dahil ayoko ng makipagtalo baka saan lang mapunta ang usapan na ito hindi pa ako handa.   “Call that moron, sabihin mo may emergency na nangyari kaya di ka makakapunta.” malamig na sabi nito at hindi nalang ako sumagot dahil nakakapagod din makipag talo sakanya.   Tumango nalang ako na parang isang mabait na bata na sumunod sa kanyang magulang, wtf? Bakit ko ba ito sinusunod sabi ko saaking pagiisip pero no choice ako.   Kinuha ko ang aking cellphone at idadial ang number ni Dylan ng agawin nito ang cellphone ko at siyang nag dial hindi ko na naagaw pang muli.   [“Hi Babe, nasaan ka na?”] narinig kong sabi ni Dylan sa kabilang linya at nilingon naman ako nito at kita kong galit na galit ito, nako patay bakit ngayon pa ako tinawag nitong babe.   inabot ito saakin ng may galit at tiningnan lang ako ng malamig na tingin na parang sinasabing sabihin ko na na hindi ako makakapunta.   Tumikhim naman muna ako bago magsalita at sabihin iyon. [“Ahmm Dy, may emergency kasi ngayon sa company kailangan namin itong ayusin asap. Sorry, hindi kita maihahatid ngayon”] sabi ko na kinakabahan dahil nakatigtig saakin ang katabi ko ngayon.   [“Ganon ba Babe, sige okay lang pa pasok na din naman ako ngayon, pag uwi mo nalang sa States next month”] sabi nito at sumulyap ako ng tingin kay Xander at hinihilot nito ang kanyang panga.   [“Ahh oo sige hehe, ingat ka nalang s-see y-you”] [“Sige Babe, ingat ka love you”] sabi nito at sasagot pa sana ako ng hinablot na ni Xander ang Cellphone ko at inend nya na ang tawag.   Kita ko ang pagkuyom nito ng kamao at hindi nalang ako umimik dahil baka magalit ito saakin nakita ko namang pinatay nito ang cellphone ko at nilagay sa loob ng coat nya, hindi man lang binalik saakin!   “Ang sweet huh Babe na may I love you pa?” “N-nasanay lang kami sa ganon walang malisya” paliwanag ko nito at bigla naman nitong binilisan muli ang pag mamaneho at mas lalo akong kinabahan sa mga kinikilos niya.   Nakita kong hindi pabalik sa opisina ang daan na tinatahak namin ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD