NOTICE:
There are some scenes that are not suitable for very young reader's. The story may contains of s*x, drug's, and violence.
Double cheeseburger,large french fries, large coke and a sundae dip.
Mga paboritong pagkain na inoorder ni Madison kapag nasa isang fastfood chain siya kasama ng best friend nitong si Alyana at si Marco na isang binabae.
"Madison, hindi kapa ba tapos diyan? Anong oras na malelate na tayo sa next subject natin!"
"Oo na heto na, patapos na!" halos mabulunan pa ito dahil sa punong puno pa ang bibig nito habang nagsasalita.
"Bestie, magbago kana, look at yourself. You're getting bigger. Sana naman maawa ka sa sa sarili mo!"
Nagsesermon na naman ang kaibigan, ayaw niyang makinig, dahil naririndi na siya. Bakit ba masarap kumain eh!
"Alyana is right girl, so please! Nagmamakaawa kami sayo. Hinay hinay na sa pagkain!" wika naman ni Marco
"Sissy, look who's coming! Jeez your crush!" sabay nguso nito sa pintuan ng fast food restaurant na pinuntahan nila.
Puno ang bibig, na napatingin si Madison sa pinto.
Her long time crush, si Sebastian Mondragon ang nag-iisang anak at tagapagmana ng Mondragon Group of Companies. Ang nag-iisang lalakeng nagpapatibok ng puso niya, at noon pa man ay patay na patay na siya dito.
Nangangarap na balang araw, mapansin siya ng isang Sebastian Mondragon.
Nakatukod ang isang kamay niya sa baba habang nakatulala sa papalapit na si Sebastian.
"Sissy, hoy! Huwag ka na mangarap diyan! Ayusin mo yang sarili mo, bago ka magustuhan ng crush mo!"
Bumalik ang ulirat nito nang may biglang nagsalita sa likuran nila.
"Look who's here, the piggy girl and the her weirdo friends!" sabay tawanan ang lahat.
"Hoy,Miss tipaklong ay este Cheanneli pala. Sumosobra kana hah! Akala mo naman kung sinong kang maganda! Kung ganda rin lang may ilalaban itong sissy ko!" mataray na sabi ni Alyana.
"Saang banda ang maganda? Hahah.. Extra large yang kaibigan mo. Siguro extra large din ang mga inorder niyo!"
"Hoy Cheanneli, tumigil ka! Kami itong tahimik na kumakain dito. Tapos kayo na bagong dating kala mo kung sino. Maganda ka nga, masama naman ang ugali! Tse!"
sabi ni Marco habang nakapilantik ang mga daliri nito.
Hindi naman umimik si Madison, nakayuko na lang ito. Dahil sa pamamahiya sa kanya ni Cheanneli.
"Stop it Cheanneli, you're making a scene here! Let's go! I'm sorry guys!" wika ni Sebastian, sabay hila nito kay Cheanneli palabas ng restaurant.
"Sissy, nakita mo na? Kailan ka ba kasi makikinig sa amin, sa amin nila Tita?
Please help yourself girl. Baguhin mo na yang lifestyle mo. Paano ka magugustuhan ni Sebastian niyan kung ganyan ka!"
Knowing Sebastian Mondragon ay mahilig sa mga babaeng sexy, ung tipong Super Model ang dating.
"Cheanneli is right, walang maganda sa akin sissy. Dahil isa akong dambuhala. Extra large, piggy girl. Lahat yun totoo!"
Garalgal ang boses nito na parang kahit ano mang oras ay tutulo na ang kanyang mga luha.
"Masakit ba? Sige iiyak mo lang yan sissy! Andito lang kami. Hinding hindi kami magsasawang pangaralan ka. Dahil alam ko, darating ang araw na makikinig ka rin sa amin."
Masakit man makarinig ng mga panlalait, pero kinakaya niya.
Tama si Alyana at Marco kailangan niyang baguhin ang mga nakasanayan niya. Lalo na sa pagkain. Mabuti na lang at may kaibigan siyang mababait at sobrang mapagmahal.
Pasensyosa sa lahat ng bagay. Laging nagpapaalala kung ano ang mabuti sa kanya at masama. Kaya pati mga magulang niya ay thankful din sa pagkakaroon niya ng mga tapat na kaibigan.
Siya si Madison Williams, galing sa isang mayamang pamilya. Anak ng mag-asawang sina Mr. Rafael Williams at Beatrice Williams. Kilala sa industrya ng negosyo ang kanilang pamilya.
Mayroon silang sariling kumpanya, isang furniture business at sikat sa iba't ibang bansa ang kanilang mga furniture design's. At kagaya ng mga Mondragon ay may sarili din silang Textile Industry.
Lumaki siyang nakukuha ang lahat ng gusto, nakakain ang kahit anumang gustuhing pagkain. Kaya naman habang lumalaki ay patuloy naman sa paglobo ang kanyang katawan. Hindi siya maawat sa pagkain, food is life ika nga! Pero kahit ganon hindi nagsasawang pangaralan siya ng kanyang mga magulang. At ang kanyang mga kaibigan.
Samantala, nakabalik na sila sa kanilang klase at patuloy parin ang pangungutya sa kanya.
Narinig pa niya si Cheanneli habang nagbubulungan ang buong nitong grupo.
"The piggy girl is back!"
Pero hindi na lang niya ito pinansin. Akmang lalapit sa kanila si Marco, pero pinigilan naman niya ito.
"Hayaan mo na sila besty, para wala nang gulo. Baka mamaya niyan, lumaki pa ang gulo!" awat naman ni Madison.
Tahimik namang nakamasid lang sa kanila si Sebastian.
Imbes na pansinin ang mga ito ay itinuon na lang niya buong atensyon niya sa buong klase. Kung utak lang din naman ang labanan, ay may ibubuga naman siya. Kulang man siya sa aspeto ng kagandahan, pero sobra-sobra naman ito sa katalinuhan.
Yan ang tanging bagay na pwede niyang ipagmalaki sa lahat. Ginagawa niya ang lahat para maging proud ang kanyang mga magulang.Hindi siya magpapatalo sa Cheanneli na iyon. Puro ganda lang kulang naman ang laman ng utak.
Pagkatapos ng klase ay sabay sabay na naman silang lumabas na magkakaibigan.
"Wow! girl ikaw na talaga. Ang galing mo kanina! Sana all matalino."
Ngumiti naman siya.
"Sus! mga kaibigan ko nga kayo. Mga sipsip!" sabay tawanan sila habang naghihintay ng kanilang mga sundo.
Naunang dumating ang sundo ni Marco, sunod naman ang sundo ni Alyana. Naiwang mag-isa si Madison, nakaupo ito sa may waiting area ng may pamilyar na boses ang tumawag sa kanya. Hindi siya pwedeng magkamali boses iyun ni Sebastian.
"Wala pa ba ang sundo mo? Baka gusto mo sabay ka na lang sa amin, sa iisang village lang naman tayo nakatira."
"Naku! ok lang ako, saka nagtext na ung driver namin. Malapit na daw siya. Na traffic lang." sagot naman nito
"Sige, ikaw ang bahala Madi, ingat ka na lang!"
"Ano kayang nakain nun, at bigla akong kinausap. May himala ba? "
Napapangiti na lamang siya, dahil kahit papaano napansin siya ng kanyang crush. Ewan ba niya, pero big deal ito sa kanya. Inaya lang naman siya na sumabay sa kanya.
"Ayyiee! Sa wakas napansin din niya ako!"
Kinikilig pa siya sa isiping iyon at masaya siyang umuwi at may ngiti sa mga labi. Hanggang sa pagpasok sa kanyang kwatro ay si Sebastian parin ang laman ng isipan niya. Ang guwapong mukha ni Sebastian ang naiisip niya.
"Call me crazy! Basta masaya ako, hihih!"