_ KABANATA 2

1253 Words
"Good morning Mommy, good morning Daddy, reakfasts is ready!" Kumunot ang noo ng kanyang mga magulang ng makita ang mga nakahain sa harapan ni Madison. May omelette, garlic bread, cakes and ice cream at may iba't-ibang klase pa ng mga chocolates. Isama pa na may hot chocolate drink pa. "Is that all, for your breakfast baby? Baka naman magka- diabetes kana niyan sa dami ng matatamis diyan sa harapan mo? Anak naman, mag- diet ka naman kahit paminsan minsan lang, please . Maawa ka naman sa katawan mo baby, look at yourself iha, sinisira mo ang health mo sa ginagawa mo!" Huminga siya ng malalim dahil heto at nagsesermon na naman ang kanyang Ina. "Hindi na kayo nasanay sa isang yan? Hay naku! Gumawa pa nga ng new years resolution iyan, hindi naman tinutupad. Tsk.. asa pa kayo diyan! Bakit hindi mo ako gayahin Madison fit na fit. Kaya maraming nagkakagustong babae sa akin dahil bukod sa guwapo na nga ako, yummy pa! Ahahah.." Pang-aasar pa ng kambal niyang si Enzo. "Tigilan mo ako Enzo! Ako ang naunang lumabas sa tummy ni Mommy, kaya galangin mo ako, Ate mo parin ako!! sabay hila niya sa buhok ng kambal niya. Ganito na sila mag-asaran ng kanyang kakambal, parang aso't pusa lang. Naturingang magkakambal pero hindi magkasundo sa lahat ng bagay. "Daddy si Enzo po kasi, inu- umpisahan na naman ako!" daing pa niya. "That's enough! Baka kung saan na naman mapunta yang asaran niyonv dalawa. By the way Enzo how's your school? Son, magseryoso ka naman please hindi puro babae na lang ang inaatupag mo! Alam mo namang ikaw ang susunod na magiging CEO hindi ba? Kaya sana naman pagbutihin mo sa pag-aaral anak!" Pagpapaalala pa ng kanilang Ama. "Beh! Buti nga sayo Enzo!" pinandilatan niya ng kanyang mga mata. Kakamut- kamot na lang sa ulo si Enzo, dahil alam niyang hindi siya mananalo kahit na kailan kay Madison. Pagdating sa kanilang dalawa ay palaging si Madison ang kinakampihan nila, palibhasa kasi babae. "Hayssttt ako na naman! Sige na Madison you've won! Bilisan mo na at late na tayo. Coding ako ngayon kaya sasabay na ako sa iyo!" Asik na sabi nito sa kanya. "Whatever! Tara na, nakakahiya naman sayo Mr. CEO kung ma late tayo!" sabay pinaikutan niya ito ng kanyang mga mata. "Baka pati sa loob ng sasakyan mag-aaway kayo hah! Baby, be nice to Madison okay?" Pagbibilin pa ng Mommy nila na sobrang ikinatuwa naman ni Madison. Hindi naman sumagot si Enzo, habang si Madison ay ngiting-ngiti ng mga sandaling iyon. Hanggang sa tuluyan na silang nakarating ng school, as usual late na naman sila. Halos patakbo niyang tinungo ang kanyang klase, at kasalukuyang nagtuturo ang kanilang professor nang mapansin siya nitong dahan-dahan na pumapasok. "You're late again Miss Williams!" napangiwi siya dahil sa oag-aakalang makakalusot siya. Hindi naman siya kumibo bagkus ay tahimik na lang siyang umupo sa kanyang pwesto. At dito nakita na naman niya ang grupo ni Cheanneli na nag-uumpisa na namang mang-asar. "Girl, kulang sa pansin ang mga yan! Don't mind them!" Bulong naman sa kanya ni Marco. Matapos ang dalawang subjects nila ay diretso na sila sa school canteen, para sa break time nila. "Girl, anong gusto mong kainin?" tanong naman ni Alyana na siyang nagpresinta na bibili ng kanilang snacks. "Ikaw na ang bahala, girl." sagot naman ni Marco. "Water na lang sa akin please!" nagkatinginan naman ang dalawa niyang kaibigan na labis na nagtataka. Ngayon lang kasi na nangyaring tubig lang gusto ng kaibigan nila. "Sissy, may lagnat kaba? May sakit kaba?" habang pareho nilang dinama ang kanyang noo. "Hindi ka naman mainit girl! May himalang nangyari kay Madison. Tell me girl, may problema kaba? Kaya ayaw mong kumain?" Ngumiti naman siya sa mga kaibigan niya, saka muling nagsalita. "Nakapag isip-isip na kasi ako mga sissy. Tama kayo, kailangan kong tulungan ang sarili ko. Alam ko naman na hindi niyo ako pababayaan hindi ba? Tutulungan niyo naman ako, hindi ba?" Hindi naman umimik sina Alyana at Marco, bagkus ay tumayo sila at sabay siyang niyakap ng dalawa. "We're so proud of you girl! Andito lang kami tutulungan ka namin. Kami ang bahala sayo. Bukas na bukas din, sasama ka sa amin! Gagawin natin ang 2.O version mo." tumango-tango na lamang siya bilang pagsang-ayon sa kagustuhan ng mga kaibigan niya. * * * * Kinabukasan—maagang nagising si Madison. Alas kwatro pa lang ng umaga ay nakagayak na siya. Lumabas na siya ng kanyang kwarto at bumaba na ng hagdanan. Nagtuloy- tuloy siya hanggang sa kanilang gate at akmang lalabas na siya ng mapansin siya ng guwardiya. "Maam, saan po ang punta ninyo? Maaga pa po." tanong pa ng guwardiya na sumigaw sa kanya. "Kuya magja- jogging lang po ako, huwag po kayong mag-alala dahil kasama ko naman sina Alyana at Marco." sagot naman niya. "Pero, wala po kayong kasamang bantay, baka magalit po ang Daddy ninyo kapag umalis po kayo ng mag-isa?" "Dito lang naman kami sa village kuya, hindi po kami lalabas.Ako na lang po ang bahalang mag explain kay Daddy!" Wika pa niya dahilan upang hindi na muling magsalita pa ang guwardiya. Ang saya ng awra niya, ganado siya sa araw na iyon. Ito na talaga. Gagawin na niya ang lahat para siya'y pumayat at gagawin niyang inspirasyon si Sebastian. At siya nga ay masayang nagpatuloy upang magpunta sa tagpuan nilang magkakaibigan. Masayang masaya silang tatlo, at napuno ng tawanan at hagikhikan at kanilang pagka- jogging. Pagkatapos nilang mag jogging ay nagpaalam na sila sa isa't isa. Sila ay umuwi na sa kani-kanilang mga bahay. Saktong papasok na siya ng dinning ng mapansin niyang kumakain na ng breakfast sina Enzo kasama ng kanilang mga magulang. Nagtataka naman ang tatlo habang nakatingin sa kanya. Dahil narin siguro sa suot niyang pang jogging. Nakita naman niyang pigil sa pagtawa si Enzo. "Walang himala! Sigurado ngayon lang yan Mommy. Magsasawa din yan, lalo na kapag nakakita yan ng masasarap na pagkain, hahahah..." panay ang tudyo ni Enzo. Lumapit siya kay Enzo, sabay sabunot na naman sa buhok ng kakambal niya. Napangiwi naman si Enzo dahil sa ginawa niya, at may mga sumabit pang buhok sa kamay niya dahil napalakas siya sa pagsabunot dito. "Kahit kailan talaga panira ka! Ang ganda ng umaga ko Enzo, kontrabida ka talaga! Hindi ba pwedeng suportahan mo na lang ako? Hmmpp!" "Stop it! Baby, I'm so happy for you. Sana tuloy tuloy na yan hah?" malambing na sabi ng kanyang mommy. Tumango naman siya at napangiti, saka siya nagpaalam na siya'y papasok na sa kanyang kwatro para makapaghanda na siya pagpasok sa paaralan. "Gagawin ko ito para sayo aking Sebastian. Sana dumating yung araw na makikita mo ako na bilang ako. Ipapakita ko din sa Cheanneli na iyon, na hindi lang siya ang may karapatang maging sexy." saad pa ng isipan niya habang siya'y nagbibihis ng kanyang damit pangpasok. Humugot siya ng malalim na hininga. At nakangiting lumabas ng kanyang kwarto. Desidido na siya na gagawin na niya ang lahat para pumayat. Kung tutuusin maganda naman siya, maputi, may porselanang kutis, iyon nga lang hindi kaaya-aya ang kanyang hitsura dahil sa pagiging extra large niya. "Kapag ako pumayat, who you kayong lahat sa akin!" proud na proud na bulong ng isipan niya. Kekembot- kembot na pa na naglakad papunta sa kanyang kotse. At ang kanyang mga magulang na noon ay masaya na makita kung gaano ka- postibo ang uni-ija nila. Naninibago man dahil hindi man lang ito kumain ng breakfast, pero masaya sila sa naging desisyon ng anak nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD