"Pare, mukhang ang lakas ng tama sayo ni Madison ah! Halos tumulo ang laway niya, kapag nakikita ka, hahah..." tatawa tawang sabi ni Drake, isa sa mga kaibigan ni Sebastian.
"Pusta tayo pare, ligawan mo ng magkaalaman tayo! Ano, kaya mo?" wika nitong muli kay Sebastian.
"Hayssttt! Ewan ko sa inyo mga dude! Pero in- fairness maganda si Madison."
Sagot naman ni Sebastian sa mga kaibigan. Kahit naman kasi extra large ito kung tawagin, ay aminado siyang nagagandahan din siya sa taglay na kagandahan ng dalaga.
Saktong nag-uusap silang magkakaibigan ng dumating naman si Cheanneli kaya narinig nito ang usapan nila.
"Yuck! Did I hear that right, Basty? Si Madison maganda? Eewww! Naririnig mo ba yang sinasabi mo?" tila nasusukang sabi nito.
"Guys grabe naman kayo Madi. Mabait yung tao, at saka hindi naman niya kayo inaano eh. Sige na mauuna na ako sa inyo!" Naiiling-iling na saad ni Sebastian saka ito naglakad paalis.
"Basta challenge accepted na pre!"
Bulyaw pa ni Drake habang palayo ito sa kanilang grupo. Walang lingong likod na nagpatuloy siya sa paglalakad. Nang sa hindi inaasahan, habang siya ay naglalakad ay nakasalubong niya sina Madison, Alyana at Marco.
"Wow.. Look mga sissy Sebastian Mondragon is here!" maarteng wika pa ni Marco na tila nagpapa- cute pa.
"Hi guys." sabay kaway niya sa kanang kamay niya.
"Madi, nakauwi kaba kaagad kahapon?" tanong pa niya sa dalaga .
"Ah-eh..Oo Sebastian dumating naman kaagad yung driver ko kahapon. Thank you anyway." nahihiyang pa niyang sabi.
Ramdam niya ang pinong kurot ni Alyana sa kanyang tagiliran. Nahihiyang nakayuko pa siya habang nakatitig sa kanya si Sebastian.
"Mauuna na ako sa inyo guys. Bye Madi next time you can call me Basty. Sebastian is too long and formal." Nakangiting wika niya sa dalaga, habang walang mapagsidlan ang kilig sa dalawa nitong kaibigan.
"Ikaw ah' ayyiee..Ang haba ng hair ng lola mo. Pinansin ka na ng crush mo besty. Tama lang ang desisyon mong magpapayat, naku humanda ang Sebastian na yan. Dahil sigurado akong tutulo ang laway niya sayo!" pagbibiro pa ni Alyana sa kanya.
"Tara na nga puro kayo kalokohan. So, saan ang punta natin ngayon?"
Hanggang sa napagdesisyonan nilang pumunta na lamang ng gym. Tuloy-tuloy na talaga ito. May nakuha na silang instructor para kay Madison, at kailangan lang talaga niya ng tiyaga at disiplina sa sarili lalo na pagdating sa pagkain.
Puro cereals lang sa umaga ang kinakain niya, more on fruits and veggies narin siya na dati ay hindi niya magawa. Dati kasi ay asiwa siyang kumain ng gulay pero ngayon ay pinipilit na talaga niyang kumain ng gulay.
"Sweetie, baka naman napapabayaan mona ang sarili mo? Hindi ka na kasi masyadong kumakain baby." nag-aalalang tanong ng kanyang Ina, isang araw habang sila ay nasa hapagkainan.
"Don't worry Mommy, kayang kaya ko pa naman. Ito po ang gusto ko, kaya gagawin ko po ang lahat." May lambing na sabi nito sa Ina.
Mabilis lumipas ang mga araw at buwan, matatapos na ang school year, at next year fourth year college na siya.
Excited siya sa bakasyon dahil marami siyang time para mag-ehersisyo.
Sa bakasyon ay uuwi siya ng probinsya. Doon muna siya mamalagi sa kanyang mga Lolo at Lola sa Cagayan. Ito ang lugar kung saan nagmula ang kanyang Ina.
Pinili nilang manirahan sa Maynila dahil nandito ang mga negosyo ng kanyang pamilya. Ang negosyong minana ng kanyang Ama mula sa kanyang mga magulang.
Gusto din niyang yayain ang mga kaibigang sina Alyana at Marco, para kahit papaano ay makapagrelax- relax naman sila sa ingay ng lungsod at makalanghap ng sariwang hangin. Gusto niyang ipagmalaki ang yaman at ganda ng Cagayan sa kanyang mga kaibigan.
"Sissy bet ko yan! Sige at magpaalam ako sa parents ko. Gusto kong pumunta ng Cagayan." nae-excite na wika ni Alyana.
"Ako din sissy, sama ako! Gusto ko rin makarating ng Cagayan. Ang dami daw magagandang beaches doon. Lalo na yung nakita sa ko social media, sa may
Sta. Ana daw yata iyon eh. Ang ganda gusto kong puntahan yun girl. Pati yung Callao Cave puntahan natin lahat yun ah?" masayang bulalas naman ni Marco.
"Sure, kayo pa! Mukhang hindi naman kayo masyadong excited niyan ah. Hehehe.."
Two weeks na lang at bakasyon na nila. Excited namang ibinalita sa kanya ni Marco, na pinayagan siya ng parents niya at ganoon din si Alyana.
Tiwala sila sa mga anak nila dahil alam nilang si Madison ang makakasama nila sa bakasyon. At kilalang-kilala nila ang mga Williams kaya kampante silang ligtas ang mga anak nila.
Nasa school canteen sila, masayang kumakain sina Alyana at Marco. Samantalang tubig lang ang ininom ni Madison.
Minsan talaga nate- tempt din naman siyang kumain, lalo na kapag mga paborito nito ang nakahain. Tumitikim naman siya pero kaunti lang talaga, at hindi na kagaya ng dati. Hindi pwedeng sobra, lalo na ngayon medyo kita na ang pagbabago ng katawan niya at hindi na siya masyadong hinihingal. Lagi nang magaan ang pakiramdam niya, at hindi narin siya nahihirapang kumilos ngayon.
"Sissy alam mo, ang laki na ng pinagbago mo, biruin mo 143 pound's ka na lang ngayon! Konting push pa girl, maa- achieve mo rin yang 100 pounds na yan. Kaya mo yan, aja Madison!" Napasigaw pa na saad ni Marco habang kumakain dahil sa tuwa na makita ang resulta ng lahat ng pagod nila para sa kaibigan.
Walang mapagsidlan ang saya ni Madison dahil unti-unti nang nakikita niya ang lahat ng sakripisyo niya at pagod niya.
Nasa ganoong ayos sila, nag-uusap sila ng bigla na lamang siyang nakaramdam ng pagkahilo, at tuluyan ng nagdilim ang kanyang paningin. Hindi na niya alam ang mga sumunod na nangyari, dahil sa huling alaala niya ay may sumalo pa sa kanya.
Nagising siya na puro puti ang nakikita niya. Kinapa niya ang kanyang sarili.
"Patay na ba ako?" tanong pa niya sa kanyang sarili.
Kunot ang noong napatingin siya sa may pintuan ng biglang bumukas iyon at iniluwa nito ang dalawang kaibigan niya.
"Thank you sissy, gising kana pala' akala namin kung ano na ang nangyari sayo. Tinakot mo kami dun ah!" sapo ni Marco ang kanyang dibdib.
"Sabi ng Doctor dahil sa daw sa gutom kaya ka nahimatay sissy. Nasobrahan naman yata yung pagda- diet mo. Tandaan mo, lahat ng sobra masama." wika naman ni Alyana.
"Siya nga pala girl, heto pa ah' alam mo bang si Papa Basty ang nagdala sayo dito sa clinic?" Namilog naman ang kanyang mga mata.
"Naku! Kung nakita mo lang sana kung gaano siya nag-alala sayo kanina.Dinaig pa niya kami." sabi naman ni Marco.
Lihim naman siyang napapangiti, dahil sa wakas unti-unti nang natutupad ang kahilingan niyang mapansin siya kahit papaano ng ultimate crush niya.
"Hello, guy's! Kumusta na ang pakiramdam mo Madi? Ok ka na ba? Masyado mo naman atang sineseryoso ang pagpapapayat mo, look at you now, nangangayayat kana!" gulat na gulat silang tatlo dahil hindi nila inaasahan ang pagdating ni Sebastian. Habang sina Marco at Alyana ay napatakip na lamang ng kanilang bibig.
Hindi rin makaamik si Madison dahil ramdam niya ang pamumula ng pisngi niya habang titig na titig si Sebastian sa kanya.
"s**t, ang gwapo niya talaga! Ang tangos ng ilong niya, ang kulay gray nitong mga mata, at lalong nagpadagdag sa kanya ang dalawang malalalim niyang dimple's. Alden Richards ng buhay ko hayssttt!" kinikilig-kilig na sigaw ng isipan niya.
"Sissy, ok ka lang ba diyan?" pukaw sa kanya ni Alyana dahil nakatulala na lamang siya.
"Kinakausap ka ni Basty girl." si Marco naman ang sumunod na nagsalita.
"Hah! Ah—eh' okay lang ako Basty, thank you nga pala, sa pagdala sa akin dito sa clinic. Pasensya kana naabala pa kita." nahihiyang sambit niya dahil pakiramdam niya ay nangangamatis na siya sa sobrang pag-iinit ng pisngi niya.
"You're always welcomed Madi, masaya ako na tulungan ka." Tumikhim naman ang dalawa niyang kaibigan bago muling nagsalita.
"Ahm, sissy, Basty maiwan muna namin kayo ah' bibili lang kami ng tubig at saka food para kay Madi." Umiiling naman si Madison para ipahiwatig sa mga kaibigan na huwag siyang iwan—pero hindi siya pinakinggan ng dalawa at tuluyan ng lumabas.
" Ahm—heheh.. Masyado ka namang tahimik Madi. Naiilang ka parin ba sa akin dahil kina Cheanneli? Huwag mo na lang pansinin ang mga iyon. Mga walang magawa sa buhay kaya sila nagkaka- ganoon." saad pa ni Sebastian ng tuluyan ng nakalabas ang kanyang mga kaibigan.
"Pasensya ka na Basty, hindi lang kasi ako sanay na isang katulad mo na crush ng bayan lumalapit sa isang tulad kong extra large, sa isang balyena, baka kasi pagtawan ka lang ng mga friends mo."
"Grabe ka sa sarili mo. Look Madison, you're beautiful inside and out. Kaya huwag mong isipin ang sinasabi ng iba." wika niya na siyang lalong ikinakilig niya.
"Shock's! Maganda daw ako? Ibig sabihin ba nito, naa- appreciate niya ang hitsura ko? My Gosh, Madison this is it!"
sigaw ng isip niya.
Ngumiti naman siya ng tipid, bilang pagtugon, dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa binata.
"Ahm—Madison mauuna na ako ah' I just dropped by to see if you're okay now. Don't ever skip your meal okay?" Ngumiti pa ito ng pagkatamis-tamis, na siyang nagpalabas muli sa mga dimple's nitong nakakaakit, na lalong nagpapadagdag sa taglay niyang kagwapuhan.