Maaga pa naman kaya naisipan ni Madison na maglalakad muna sa school campus. Alas nuwebe pa naman ang next class nila, at wala pa ang dalawang niyang kaibigan niya.
Nagpunta siya sa likod ng school building kung nasaan ang department nila. Ito ang paborito nilang tambayan na magkakaibigan.
Nakaupo na siya, ninanamnam ang sarap ng sariwang hangin. Nang may biglang umupo sa kanyang tabi. Nagulat pa siya ng bahagya, nang mapagtanto kung sino ang tumabi sa kanya.
"Sorry! Nagulat ba kita? Bakit parang mag-isa ka ata ngayon?"
"Ahmmm. Basty ikaw pala. Wala pa kasi sina Marco at Alyana. Dito kasi ang tambayan namin."
"Madi, pwede bang magtanong? May boyfriend ka ba?"
"Sus! Nagpapatawa kaba? Bulag na lang siguro ang magkakagusto sa isang katulad kong extra large!"
"Huwag mong masyadong ibaba ang sarili mo Madi. Maganda ka, matalino pa! Huwag kang makinig sa sinasabi sayo ng iba. Dahil para sa akin perfect ka."
Punong puno ng kasiyahan ang puso ni Madison dahil sa mga naririnig mula sa lalakeng kanyang iniibig.
Nahihiya siya at wala siyang naisagot.
"Madison look at me!" sabay hawak nito sa kanyang baba para mahuli ang kanyang mga tingin.
"Kung sakali na manligaw ako sayo, may pag-asa ba ako?"
Namumungay na mga matang napatitig siya dito.
"Seriously, gusto niya ako? Pero bakit ako! Syempre pakipot muna ang Lola niyo!"
"Ah-eh bakit ako? Madami namang magaganda diyan at seksi. Tulad ni Cheanneli super model ang dating! At saka baka pagtawanan ka lang iba!"
nahihiyang sabi nito.
"Gusto kita Madison, wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Ang importante tayo, nagkakaintindihan tayo."
"Mukhang seryoso ang loko! Gosh anong gagawin ko, pagkakataon ko na ito. Pero ayaw kong magpadalus dalos!"
"Pwedeng pag-isipan ko muna Basty. Mahirap kasi umasa sa wala, baka kasi naguguluhan ka lang. Wala kang ibang choice kaya ako ang nakikita mo.
Kasi kung trip trip lang ito, huwag mo nang ituloy Basty. Ayaw kong masaktan."
"I'm serious Madison, gusto kita! And I am willing to wait."
Yun lang at iniwan na siya nito, tuliro at hindi makapag-isip ng mabuti. Hindi niya alam kung anong gagawin. Andito na yung matagal na niyang gusto. Bakit pa ba siya mag-iinarte.
"Just give me more time Basty! If you're willing to wait."
Samantala malapit nang matapos ang kanilang klase. At excited na si Madison na umuwi ng Cagayan. At syempre ang dalawa nitong mga kaibigan na mas excited pa sa kanya!
"Sweetie mag-iingat kayo dun ha? Pakisabi sa mga Lolo at Lola mo na uuwi din ako dun kapag nagkaroon ako ng time. Sa ngayon kasi busy pa kami ni Daddy. Enjoy your vacation baby!"
"Thank's Mmy, Sige na po aalis na po kami. Bye Daddy, bye Mommy. Enzo be good to Mommy ok, hindi yung puro babae ang atupagin mo!" Singhal pa nito sa kapatid.
"Huwag kang mag-alala sweetie papasok na sa kumpanya yan. Ngayon pa lang sasanayin ko na siya, para pagdating ng araw ay gamay na niya ang pagpapatakbo sa kumpanya. Magiging busy na isang ito!"
sagot naman ng Daddy nila na.
Pinandilatan naman siya ni Madison, na tila nang-aasar na naman.
"Sige na, umalis na kayo! Ikumusta mo nalang ako kina Lola."
Dalawang sasakyan ang gamit nila, sila ang nasa unang sasakyan at mga bodyguard's naman nila ang nasa pangalawang sasakyan.
"Ang bongga naman natin, para tayong mga high profile dahil sa dami ng mga body guards na nakabuntot." natutuwang sabi ni Marco.
"Oo nga bestie, dinaig pa natin ang First Family nito." nakangiting wika naman ni Alyana.
Kung tutuusin pwede naman silang mag airplane kaso mas gusto ni Madison na mag road trip, mas mag eenjoy sila sa mga view ng dadaanan nila.
8 hours ang biyahe nila, mula Manila to Tuguegarao.
Mahaba haba ang bubunuin nila sa daan. Kaya napagpasyahan nilang matulog nalang muna. Dahil luxury naman ang dala nilang sasakyan ay kumpleto ito sa mga gamit at may kama silang pwedeng matulugan.
Nagising sila alas tres na ng madaling araw.
"Sissy nasaan naba tayo? Nasa dulo na ba tayo ng Pilipinas, ang layo na natin sa Manila ah!"
"Nasa Isabela na tayo guys malapit na tayo sa Tuguegarao."
"Hay salamat naman, akala ko talaga wala ng katapusan itong byahe natin."
natatawang sabi ni Alyana.
A few moments later_________
Nakarating na din sila ng Tuguegarao.
Tuwang tuwa ang magkaibigan dahil sa wakas nakarating din sila sa kanilang destinasyon.
Samantala nag-aabang ang kanyang mga Lolo at Lola at pati narin ang kanyang mga Tito, Tita at mga pinsan. Masayang masaya sila sa pagdating ni Madison.
"Mano po Lola, Lolo kumusta na po kayo? "sabay halik sa pisngi ng mga ito.
"Mga kaibigan ko po, sina Marco at Alyana po." Kaawaan kayo ng Diyos mga apo.
"Magpahinga muna kayo saglit, at mamaya ay kakain na tayo."
Nagpahinga naman sila saglit at nag-ayos ng mga gamit. Bumaba narin sila para sabay sabay silang kakain.
Manghang manghang sina Alyana at Marco sa mga nakahain sa hapag, may mainit na tsokolate, mga bibingka,biko suman at madami pa. May kaning mais at palay at syempre hindi mawawala ang ipinagmamalaki nilang carabeef tapa. Na paborito ni Madison mula pagkabata.
"Ganito po ba dito sa inyo? Parang fiesta po,and daming handa?
"Ganito na talaga kami dito neng. Hala mangan tayun. Madison mangan ka ti adu ah. Paboritom amin datuy saan kadi?"
Natatawa naman si Madison dahil kahit papaano ay nakakaintindi naman ito ng ilokano.
Kinabukasan________
Araw ng linggo, masaya silang nagliwaliw. Dahil first Sunday of the Month ay nagpasya silang magsimba sa Bayan ng Piat sa Basilica Minore o Our Lady of Piat.
Tila wala silang kapaguran, sinulit nila ang kanilang time sa pamamasyal, pinuntahan din nila ang Callao Cave sa Bayan ng Peñablanca at ang sikat na Nangaramoan white sand beach at Anguib beach sa Santa Ana Cagayan. Manghang manghang sila sa nakikita. Dahil para lang silang nasa Boracay dahil sa pinung pinong puting buhangin.
Picture dito picture doon, enjoy na enjoy sila sa two weeks vacation nila sa Cagayan kanya kanya naman silang post sa kanilang mga IG accounts.
"Paano guys, back to reality again. Work out ulit tayo bukas mga sissy."
"Oo nga guy's,in two weeks pasukan na naman. Makikita mo na ulit si Sebastian mo. Ayyiee, namis mo na siya noh? Aminin lagi mo nga inistalk ung social media account niya, eh! Baka akala mo hindi ko nakikita."
Mga kaibigan niya talaga kahit kailan walang maitatago.
Mabilis dumaan ang mga araw, at heto pasukan na naman.
Graduating na siya at sobrang excited na siya, Sahil sa wakas ay makakapagtapos narin sila.
"Madison is that you?" bahagya pa siyang nagulat ng may narinig siyang magsalita mula sa kanyang likuran.
Hindi siya nagkakamali si Sebastian iyon .
"Ang laki naman pinagbago mo? You even look more beautiful than before."
"Salamat Sebastian!" Para tuloy siyang idinuduyan sa kanyang mga naririnig.
"Ahhmm. Sabay na tayo!"
Nagulat pa siya ng hawakan nito ang kanyang kamay at pinagsiklop ang kanilang mga palad. Tila ba may kung anong electricity na dumaloy sa buong katawan niya.
"Shitty! This guy was so hot! I can't even resist his charm! Is this love? Madison relax, baka bumigay ka na niyan!"
Nahihiya naman siya, gusto sana niya itong hilahin pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. May mga kinikilig at karamihan sa mga estudyante ang nakataas ang kilay na nakatingin sa kanila. Nakita rin niya ang grupo ni Cheanneli na nagtatawan at nagbubulungan.
"Sebastian yung kamay ko, nasa room na kasi tayo." saka pa lamang niya binitawan ang kamay nito nang mapansing papasok na ang kanilang professor.
Kitang kita niya ang kilig sa dalawa nitong kaibigan.
"Umayos ayos kayong dalawa diyan! Kung ano man ang nakita niyo, wala lang yun!" dipensa pa niya sa sarili. Sa buong klase ay nahuhuli niyang panay ang titig sa kanya ni Sebastian. At nginingitian din siya. Feeling niya ay pulang pula na siya sa dahil sa titig nito sa kanya. Hindi siya makapag concentrate dahil alam niya na may mga matang kanina pa sa kanya ay nakamasid.