MADISON POV: PAGKAALIS nung isang bantay ay kaagad naman akong lumapit sa pintuan, pumasok sa loob nito ang nagngangalang Fredo. Naging mabilis ang aking mga kilos. Pumasok ako kaagad sa loob, at pagpasok ko sa loob ay nakita kong nakahiga ang aking anak. Nilapitan ko ito at niyugyog ang balikat nito. Luminga pa ako sa loob ng kwarto ngunit wala akong makitang ibang tao. "Nasaan na kaya yung Fredo na iyon!" "Baby! Mommy is here!" mahinang bulong ko sa anak ko. Bigla naman itong nagising at yumakap sa akin ng mahigpit. "Mommy! Akala ko po hindi na kayo darating!" sabi pa nito sa akin na pupungas-pungas pa. "Sshhh..We need to get out of here! Faster baby!" nang biglang may naramdaman akong tila may matigas na bagay na nakatutok sa aking ulo. Sobrang kaba ko, tila sasabog na ang dibdib

