SEBASTIAN POV : HINDI naging madali ang pagbubuntis ng aking asawa. Laging masungit, hirap hanapin ang kiliti at lalo pa siyang naging bugnutin kapag hindi mo maibigay kaagad ang gusto nitong kainin. Isang gabi, habang kasarapan ng aking pagtulog ay nagising ako dahil sa parang may yumuyugyog sa aking balikat. Nagmulat ako ng aking mga mata, at nakita kong hindi mapakali si Madison habang hinihimas ang kanyang tiyan. "Wife, bakit may masakit ba sayo?" "I'm hungry Seb! Gusto ko ng fries." agad na wika nito sa akin. Kaagad akong bumangon para sana ipagluto siya ng fries. Pero napatigil ako nung muli siyang magsalita. "Gusto ko sa Jollibee, alam mo namang favorite ko yun diba?" kaagad na sabi nito sa akin. "W-what? Oh, you must be kidding! Sa oras na ito may bukas pa bang Jollibee?"

