SOBRANG naging maingat si Madison sa kanyang pagbubuntis, halos hindi na siya gumagalaw sa loob ng bahay. Pati sa pagligo niya ay si Sebastian parin ang gumagawa hanggang sa pagpapalit niya ng kanyang mga damit. Gusto niyang isilang ang kambal ng ligtas. Kaya todo ingat silang lahat. Pati ang kanyang mga magulang at mga biyenan ay naging hands-on din sa pag-aalaga sa kanya. Tama yung sabi ng doktor, hindi naman tuloy-tuloy ang bleeding niya may mga pagkakataon lang dinudugo siya. Bahay at hospital na lang siya. Kagaya ngayon papunta sila ng hospital ni Sebastian para sa kanyang monthly check-up at para narin magpa- ultrasound. Sabi ng doktor ay kailangan nilang ma- monitor ang kalagayan ng mga kambal sa loob ng kanyang sinapupunan. Lingid sa kanilang kaalaman ay may nagmamasid sa kanila

