KABANATA _38

1330 Words

Kalalabas lang ni Sebastian galing sa conference room kasama ang Ama ng salubungin siya ng kanyang sekretarya na halata dito ang sobrang pag-aalala. "Mr. Mondragon may tawag po kayo! " kaagad na sabi nito at sabay abot sa kanya ng hawak hawak nitong cellphone. Napakamot sa ulo si Sebastian, dahil naalala niya hindi dala ang cellphone niya kanina sa conference room, at naiwan niya ito sa kanyang table. Kaagad niyang kinuha ang cellphone at saka sinagot ito. Nagulat pa siya ng marinig ang boses ni Vince sa kabilang linya, at halata sa boses nito ang pag-aalala at pagkataranta. Kaya hindi maiwasan ni Sebastian ang makaramdam ng kaba. "Pare! Napatawag ka?" kaagad nitong tanong. "Pare, nasaan ba ang cellphone mo? Bakit ngayon mo lang sinagot? Alam mo bang kanina pa kami tawag ng tawag say

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD