To Mommy: "I'm so sorry for everything Mommy. I made a wrong desicion. Nagpakasal po ako ng wala sa oras. Nagpadalus-dalos po ako. Pasensya na po kayo, pero kailangan ko po munang magpakalayu layo. Huwag niyo na po akong hanapin, magiging maayos po ako Mommy. Babalik po ako, at sa pagbalik ko sisiguraduhin kong magiging proud po kayo sa akin! Sa ngayon kailangan ko pong tumayo sa sarili kong mga paa. I miss you Mommy, and I love You!" Napahagulgol ng iyak si Beatrice pagkabasa sa text message ng anak. Alam niyang hindi sanay ang anak na malayo sa kanila ng matagal, hindi siya sanay na masaktan at hindi ito sanay sa hirap. "Oh, my poor baby! Hanapin natin si Madison, please Enzo! hanapin mo ang kambal mo. Hindi ko kaya anak, ikamamatay ko kapag hindi natin siya makita. Rafael please do

