Aksidenteng Babago sa Lahat. 1

4736 Words
*Babala : Nag lalaman ito ng mga maseselang bagay na hindi angkop sa mga batang mambabasa. Labing walo pataas lamang ang maaring mag basa nito at mayroon malawak na kaisipan. Malalang murahan. Malalang kantutan ng lalake sa lalake. Babae sa lalake. Tatluhan. Apatan. May mga eksena rin dito na maaring hindi talaga pwede sa napakalinis mong pag katao. Imahinasyon lamang lahat ito ng may akda. Kaya utang na loob kung hindi mo trip ang ganitong tema ng istorya, wag mo ng basahin. Parang awa mo na. Mag next story ka na lang. Salamat* --------------------- Chapter 7 SAMJO "Ricardo, ano ba ang dapat kong malaman?" Tanong ni Aling Vicky kay Ricos habang nasa gilid si Andrei, at hawak nito ang balikat at pinipigilan ang tinitimping galit ni Aling Vicky. Habang nag tinginan naman kami bigla ni Marco ng marinig namin ang pagalit na boses nito.  "Ricos, sabihin mo na. It's about time." Sabat ni Marco sa usapan kaya napatingin tuloy si Aling Vicky rito. Maging si Ricos na parang papaiyak na. "Alam mo ang sinasabi nila?" Mataas ang boses na tanong ni Aling Vicky kay Marco. Hindi ko na tuloy napigilan pang di sumagot dahil sa kami ang mag katabi ni Marco at masama na ang tingin na ibinibigay nito sa amin. "Last month pa, Aling Vicky." Sagot ko rito na mahinahon. "Last month pa?" Paos na tanong ni Ricos sa amin. Halatang pinipigilan nito ang pag iyak. Nagulat siguro ito dahil alam namin ni Marco ang sikreto nito. Napa tingin lamang tuloy ang lahat sa amin. Tumango ako kay Ricos bilang pag kumpirma sa tanong nito.. "Nung dapat pupunta si Marco, sa bayan para bumili ng Napkin ni Aling Vicky. Nong araw kasi na yun ay niregla sya na hindi namin maitindihan ni Marco na sa itsura nya na yan ay dadatnan pa sya. Naubusan raw kasi sya ng supply kaya si Marco ang walang ginagawa kaya sya ang nautusan." Sagot ko kay Ricos. Sumang ayon naman si Marco sa akin. "Kakapag taka na nireregla pa sya di ba? Sinabihan kita na pupuntahan kita, diba. Dadaanan lang sana kita. Tapos ayaw mo na akong tumuloy, kasi ang sabi mo busy ka sa pag tututor sa'yo at ayaw mong maistorbo ng ganda ko baka kasi madistract ka. Pero tumuloy pa rin  ako sa bayan at nakita kita sa kalye. Pero hindi kita kinausap kasi alam kong nahihiya ka at ayokong mapahiya ka kung hindi ka pa handang sabihin ang totoo." Tumatangong pag kaka sabi ni Marco rito. "Na ano? Ano ang alam nyo na hindi ko alam?" Biglang eksena ni Agrippina at humarang pa sa gitna para maprotektahan si Ricos. "Agrippina, Wag ka ng makigulo pa."Sagot ko sa tanong nito. "Gulo?Kaibigan ko si Ricos, kaibigan ko tong prinepressure nyo." Naiinis nitong sagot sa akin. "Hindi namin sya prinepressure na tomboy ka! Saka, Bakit ganyan ang outfit mo? Mukha kang roll on na gamit na, hayop ka." Asar na sabat ni Marco kay Agrippina. "MARCO POLO! So, Ano ang totoo?"Tanong na naman ni Aling Vicky. Para na nitong gustong ihampas ang hawak nitong pamaypay kay Marco. At halata na sa mukha nito ang pag kairita ng mapag masdan ko ito. Labas na labas na ang litid sa leeg nito. At binigkas na kasi nito ang buong pangalan ni Marco. "Ricos.." Sabi ni Marco kay Ricos at pilit na itong pinapaamin para hindi na maging clueless ang lahat. Lalo na si Aling Vicky. "MARCO POLO!!" Hindi na napigilang isigaw ni Aling Vicky, dahil sa atat na atat na nga nitong malaman ang katotohanan. "Ninang, Bakit ako?" Tanong ni Marco rito. Pa b***h ang dating. "Please, Marco!" Sambit muli ni Aling Vicky na medyo natakot sa sinambit ni Marco kanina. "Ninang, mas maganda kung sa kanya manggagaling. Ricos, Pamilya mo kami. Dapat kung sino man ang nakakilala sa iyo, yung totoong ikaw, dapat kami yun. Habang buhay ka na lang ba mag sisinungaling sa amin?" Hindi na rin napigilan ni Marco ang mainis. "Akala mo ba, Marco madali lang sa akin ito. Yung isa ngang senator, hindi umamin na nag nakaw sya e at milyon ang nakuha kay Janet Napoles. Tapos may pelikula pa ngayong Christmas na nakasama sa MMFF. " Naiiyak ng sambit ni Ricos kay Marco. "Kaya nga sabihin mo na para hindi ka na nahihirapan, Shuta ka!" Si Marco na pikang pika na kay Ricos. "Oo naaa, aaminin ko naaaa!" Sigaw ni Ricos kay Marco. Tumalsik talsik pa ang laway nito. Natahimik ang lahat ng nasa paligid. Maging si Korina Sanchez na nag te taping sa lugar namin ay napatigil sa pag bibigay ng tsinelas para lang makiusyoso sa sasabihin ni Ricos. Humarap na si Ricos kay Aling Vicky. "MAAAA! Maaaa, i'm sorryyyy. I'm sorry maaaaa! Nong nag karoon kasi ng biglaang quiz si teacher Gerselle ay hindi ako nakapag review noon. Kaya bumagsak ako. Pinag tawanan ako ng mga classmates ko ng zero ang naging score ko. Sabi nila hindi naman pala ako magaling. Kaya nadepress ako, tapos hindi pa ako pinapansin ng mga classmate ko at minsan hindi pa ako sinasali sa mga usapan nila. Nao OP tuloy ako. Kaya nag desisyon na lang akong maging loner at tamarin mag aral. Hanggang sa puro na lang ako K-drama at K-pop. Madalas din akong mag basa ng mga stories nila AmariFlames2, JoesunkoOfficial, MonsterTucker, Nickolai214, Cxhase, Phituspen, itsme_jed at maraming author pa sa w*****d. Nag simula na rin akong mag cutting classes nun. Kaya napabayaan ko na ang pag aaral ko. Bumagsak na ako sa lahat ng subject at hindi ko na talaga  kinaya pa. Putang ina ang hirap. Mung gago pa ung deped secretary. " Umiyak na ng tuluyan si Ricos at kinuha ang kamay ni aling Vicky upang hawakan iyon. Tumahimik lang kami at hinayaan itong ilabas ang bigat na naipong sakit sa dibdib nito. "Mula po ng natanggal ako sa eskwelahan ay nag trabaho na po ako, Ma. Para may pang support sa inyo. Sa kagagahan nyo sa pang internet nyo at pang vlog nyo. Namalimos na rin po ako kaya naman nakita ako sa bayan ni Marco. I'm sorry, Ma. I'm sorry..." Napaupo na lang si Ricos sa kakaiyak sa harap ni Aling Vicky. "Did you.. Did you... honesty..honestly? Honey bee? Nyeta! Iniisip mo ba na hindi kita maiintindihan?" Naiiyak na ring sagot ni Aling Vicky rito.  "Hindi naman sa ganun, Ma. Alam ko naman na kahit anong mangyari ay mahal na mahal nyo ako. Pero ako kasi ang may problema, ako kasi ang hindi makatanggap na ganito na lang ako. Na hindi ko narating lahat ng mga pangarap nyo sa akin, Ma. Na ako talaga ang pinaka kulelat sa lahat ng mga anak anakan mo. Na kahit anong gawin ko, hindi ako magiging kasing galing nila Samjo, Andrei o Marco" Paliwanag pa ni Ricos. "A-akoo??"Nag tatakang tanong ni Marco na napahawak pa sa dibdib nito ala Bea Alonzo. "Tatlo tayong binanggit, wag kang masyadong pabida hindi ka si jollibee. Punyeta ka!" Tinig ni Andrei pero binalewala lang iyon ni MArco at hindi ito pinansin.  "Oo, Marco, ikaw. Ikaw 'yung—wala lang—kahit ano'ng gawin mo, ang galing-galing mo. Ako, kahit ano'ng kayod ko, kahit ano'ng pagod ko, kahit kelan hindi ako lumapít sa galing mo. Kasi ikaw naman talaga 'yung magaling, di ba? Ikaw 'yung matalino, ikaw 'yung maganda. Lahat—ikaw na! Kapatid kita, Marco, kaya mahal na mahal kita, pero alam mo yung totoo, inggit na inggit na 'ko sa 'yo. Inggit na inggit ako sa 'yo, Marco!" Sigaw ng malakas ni Ricos kay Marco. "Pero bakit parang galit ka? Pero bakit kasalanan ko? Parang kasalanan ko, shuta ka! Eh, sa totoo lang naman ako nga yung inggit na inggit sa inyong lahat. Kasi meron kayo nong mga bagay na sana meron din ako." Naiiyak na sabi ni Marco. Puwesto ito sa gitna namin at tinignan kami lahat na nakapalibot dito.  Nagulat kaming lahat sa rebelasyong sinasabi nito sa amin. Nangilid na ang luha sa mga mata nito. Humarap ito sa akin at nag simulang mag salita. "Sana meron akong utak na gaya ng sa'yo. Kasi kahit hindi ka mag review lagi kang perfect score na shuta ka. Tiffany Uy levels. Hayop ka!" Sabi nito sa akin bago pumaharap kay Andrei na pilit kinakalma si Aling Vicky. "I wish i had your charm and hot brother in laws, sasarap kaya nila. Shuta!. Sana naging adventurous din ako kagaya nitong kalabaw ni Agrippina." Sabi pa ni Marco kila Andrei at sa kalabaw ni Agrippina na nanahimik na kumakain ng damo. Natigil tuloy ito at napalingon sa pwesto namin at kumahol. Teka bakit kumahol yun? eh kalabaw yun. "Sana nag karoon din ako ng pag katanga mo. Kasi nakakatawa ka kahit hindi mo alam. Bentang benta yun sa akin, eh. Bentang benta rin kay Ninang. Kaya nga siguro lahat ng atensyon nya ay na sayo." Sagot ni Marco tapos tumingin ito kay Aling Vicky. "Are you.... say? said? sayed? Potang ina. Sinasabi mo bang unfair ako?" Hirap na hirap na tanong nito kay Marco na parang may bikig na ang lalamunan nito sa pag pipigil maiyak. "No. Ninang. Pwede naman kasing mag Tagalog, shuta. I'm saying you have your favorites." Nakangiti pero naiiyak na sabi ni Marco. "Hindi totoo yan." Deny to death ni Aling Vicky na umiling iling. "Ninang, naalala mo. Noong recognition. First honor ako, tapos ang dami kong medals kasi ang bobobo nila, wala pa nun si Samjo kaya ako ang number one. Tapos si Ricos Most Behaved lang sa classroom. Hindi kasi nila alam na hindi pa sya nakakapag salita nun kahit 8 years old na sya. Akala nga natin wala syang dila e. Kaya tahimik talaga sya pero sya pa rin yung pinuri mo, shuta ka!." Reklamo ni Marco. Umiling iling si Aling Vicky sa sinabi ni Marco. "Hindi totoo..." Natigil ang pag sasalita nito ng sabihan ito ni Marco na manahimik. "Shut up! Hintayin mo yung turn mo.": Sabi nito na agad naman ikinatahimik ni Aling Vicky. "Tapos naalala mo nong umuwi ako sa bahay tapos gutom na gutom ako. Tapos nagalit ka sa akin kasi kinain ko yung hotdog na tinabi mo para kay Ricos pero dahil matigas yung ulo ko at gusto ko makaganti. Kaya ipinasok ko yun sa loob ng pwet ko saka ko ulit ibinalik sa plato at kinain nga yun ni Ricos pag dating nya, na sarap na sarap pa sya kasi akala nya sa oyster sauce mo yun niluto." Si Marco. "Eiw! Pota" Komento ni Agrippina na nandidiri ang itsura. "Tapos umuwi ka galing divisoria at ang dami mong bitbit, ako pa pinag buhat mo papasok, tapos may mga dala kang skirts, tapos sabi mo sa akin wag muna akong pumili kasi pipili si Ricos kasi sya yung panganay kahit sya ang pinaka chaka at pinaka bobo sya yung dapat unang pumili." Mahabang salaysay ni Marco. "I'm sorry. I didn't know you felt that way" Sagot ni Aling Vicky. "Pota, hindi nag buckle. Ang galing" Sigaw ni Agrippina naman at pumalakpak pa. "Ninang, it's okay. Okay lang naman, naiintindihan ko naman. Tinanggap ko naman. Na iba talaga ang turing mo kay Ricos at Andrei. Kasi sila ang paborito mo. Si Kapitan Tutan naman si Samjo at Agrippina ang paborito. And that's okay. That's okay. Kasi ang importante sa akin, ikaw ang nag paanak sa akin. Binuhay mo ako. Kahit inututan ka sa mukha ng nanay ko. Pinakain mo ko, sinasakyan mo ang trip ko at minahal mo ako. Kayo ni Kapitan Tutan at Ka Celso and that's good enough for me. Kasi growing up naman, nandun si Agrippina. Sya lang ang may favorite sa akin. Noon." Sabi pa ni Marco. Saglit itong tumigil at nag punas ng luha ala miss universe. "Kasi simula ng umuwi ako galing dagat at nag anyong tao, wala akong ibang narinig sa inyo kundi maganda ako, makinis ako at super ganda ko talaga. And bitchesa ako sa pagiging prangka ko. Im Sorry nasa genes ko talaga yun e, wala tayong magagawa kung itsurang mga tae kayo. Im Sorry kung malambot ako sa paningin nyo at ang flawless ko. I'm sorry. Im Sorry" sabi ni Marco. "Punyeta ka, Marco hindi ganoon ang tingin ko sa'yo gago" Sagot muli ni Andrei. "No, Andrei it's okay. Baka ganoon na talaga ako. Kasi pinili kong maging ganun, kinailangan kong maging ganun. Lalo na nung nag punta ako sa manila ng saglit. Agrippina baka tama ka nga, ambisyosa ako. Baka nga importante sa akin ang career ko. Pero alam mo, hindi ko iyon ginawa para sa sarili ko. I had to go there for us. For our family's future." Sigaw ni Marco. "Kasi nababaon na tayo sa utang sa pag kakasakit ni Kapitan Tutan, tapos gustong gusto mag gluta ni Ninang kasi gusto nyang pumuti. Tapos si Andrei pabida gusto ng mag college kahit mag highschool pa lang tayo. Tapos si Samjo kahit mayaman ang pamilya, wala naman pera sa ngayon. Tapos to Ricos gustong bumili ng madaming libro kahit bobo naman. Tapos ikaw gusto mong mag palagay ng tite Agrippina, at ayoko ibenta mo si Mio dahil alam kong mahal na mahal mo sya, mag kamukha na nga kayo di ba. Tapos sabi mo sa akin kapag may tite kana, dun ka magiging masaya at magaling at dun magiging proud sa'yo si Ninang. Kaya kahit gustong gusto ko umuwi kasi walang mga gwapo dun puro na lang mga ka mukha ni Gadon at Harry Roque ang nakikita ko dun at ang dolomite sand. Ang lungkot. Gustong gusto ko ng tite. Ang hirap hirap mag isa, miss na miss ko kayong lahat. Pero lahat ng iyon tiniis ko. Nag paka tatag ako at nag paka tigas ako, kasi kailangan ko" "Pero hindi dahil matigas ako wala na akong pakiramdam. Na hindi na ako nalilibugan. Nalilibugan din ako. Shutang ina! Kailangan ko rin ng tite." Umiyak na si Marco. "I'm sorry, anak. I didn't know you felt that way" naiiyak na sabi ni Aling Vicky kay Marco. Subalit napatigil ito sa sasabihin nito ng biglang sampalin ito ni Marco. Maging kami ay nagulat sa ginawa nito. "Shutainakaaaaaaa! Cuuuuuuuuuuuuuut!!!! Bakit sinampal mo akong gaga ka?"Tanong rito ni Aling Vicky. "Sorry, Ninang. Nadala ako sa emosyon ko. Akala ko si Vilma Santos ako at ikaw si Claudine, sa pelikulang Anak." Sagot ni Marco rito. Maging ito ay nagulat rin sa ginawa nito. "Hinayupak ka, four sisters and a wedding parody ang ginagawa natin, ulol ka. Walang nanmpal dun kay Coney Reyes, demunyo ka!" Singhal rito ni Aling Vicky.  At akmang sasakalin si Marco ng mabilis itong nakatakbo at nakaiwas kay Aling Vicky. "Binago mo na nga yung ibang mga linya, Shutainames ka! nanampal ka pa, deputa ka.!" Naasar na sabi pa rin ni Aling Vicky rito. Gumagawa kasi kami ng parody ng confrontation scene ng pelikulang Four sisters and a wedding. As usual ay nasa likod pa rin kami ng bahay nila Aling Vicky para mag shoot sa Youtube channel nito. Para lang sa blog nito talaga iyon. Maaga pa nga kamin ggumising para sa araw na iyon. Na nagulo nga dahil sa mga kalokohang ginagawa ni Marco. Hay naku talaga to. Napaka pasaway. -------- "Grabe talaga si Ninang, hindi ko naman sinasadya na masampal sya kanina, eh." Sabi ni Marco habang nakaluhod ngayon ito sa monggo. Parusa nito iyon dahil sa ginawa nito kanina kay Aling Vicky. Narito kami ngayon sa kusina ng bahay nila Aling Vicky. "Puro ka kasi kalokohan, punyeta ka. Dapat lang sa iyo yan. Kulang pa nga yan. Kaslaanan mo kung bakit hindi pa rin tayo makaalis at hindi tayo binigyan ng delata nila Kapitan Tutan at Ka Celso." Sagot ni Andrei dito na may hawak na naman na bagong babasahin. Kung hindi ako nag kakamali ay manga yata ang tawag dun. Balak sana namin humingi kasi ng de lata at noodles kay kapitan Tutan at ka Celso. Upang ibigay sana kila Kuya Nico at Isaiah. Plano kasi ni Andrei na bigyan ito lagi ng grocery na makakain sa bahay ng mga ito. Nalaman kasi ni Andrei kay Kuya Nico ng madulas ito na hindi sila nakakakain madalas dahil ang tatay ng mga ito ay laging wala sa bahay. Habang ang nanay naman ng dalawa ay may malubhang karamdaman kaya palagi lang nakahiga sa silid tulugan ng mga ito. May konting pag kain naman na naitabi kami pero gusto kasi ni Andrei na madami pa rin silang maibigay dito. Para maibigay na rin yung sobra kay Pam. Ang isa pa naming kaibigan. "Oo nga, saka kung makalait ka sakin kanina ay wagas na wagas. Parang true to life na ang mga sinasabi mo sa akin kanina, eh." Sabat naman ni Ricos rito. "Ano ka ba naman, Ricos. Joke lang nga yun kaya nga joke eh. Saka talagang mahina ka naman talaga sa klase. Sige nga tatanungin kita. 23 plus 7 equals?" Biglang tanong ni Marco kay Ricos. "Sus, ang dali lang di equals 33." Kumpyansang sagot ni Ricos kay Marco. "Hahahahahaha. Shuta." Tawang tawang tugon ni Marco kay Ricos. "Bakit tumatawa ka, mali ba?" Tanong ni Ricos sa nakaluhod na si Marco. "Akala ko kasi hindi mo alam, tama ka." Sabi ni Marco na ikinangunot ng noo ko. Maging si Andrei ay napatigil mag basa na napalingon kay Marco at iiling iling na lang. Natawa na lang tuloy ako. Puro talaga kalokohan tong kaibigan namin. Tumayo ako at nag lakad papunta sa pwesto ni Andrei. Tumabi ako sa upuan nito. Nabasa ko ang manga na hawak nito. Yun pala yung manga na galing sa library namin sa mansion. Hilig nga pala yun ng Daddy ko. Nang Step Dad ko pala. "Anong plano mo nga pala sa nabasa mong sulat galing sa Mommy mo?" Tanong nito sa akin. Isang linggo makalipas ang mini adventure namin papunta sa dati kung bayan. Marami akong natuklasan sa dati kong tahanan. Isa na nga roon ang pangalan ng aking ama. Kalakip rin doon ang address nito. At ilang mahahalagang bagay. Hinawakan ko ang kwintas na kasama sa mga inihabilin sa akin ng aking ina. Ito ngayon ang nag papa lakas ng loob ko para lumaban Kasama na rin ang mga kaibigan ko. "Hindi ko pa alam, Andrei. Hindi ko alam kung sino kasi ang pag kakatiwalaan ko para ibigay ang impormasyon na hawak ko. Maging ang malaking halaga na nasa akin." Sagot ko rito. Isinarado nito ang manga na binabasa nito. Humarap ito sa akin at napatingin ako rito.  "Sa akin, Samjo. May tiwala ka ba?" Tanong nito sa akin na mariing nakatitig sa akin. "Hindi mo na kailangan itanong pa yan. Oo naman, Andrei. May tiwala ako sa iyo." Tapat kong tugon rito. Totoo naman kasi na may tiwala ako rito at sa lahat ng mga kaibigan ko. Sila kasi ang taong tumulong sa akin nung panahon lugmok na lugmok ako. "Good. Ako ng bahala para maka kalap tayo ng impormasyon about sa Daddy mo. tungkol din dyan sa pera mo. Sinabi ko na yan kay Kuya Jack at sinabi nito sa akin na may isa raw akong Ninong na abogado. Kokontakin nya daw yun para matulungan ka.. Pasensya na kung naikwento ko kay Kuya Jack ang lahat ng nangyari sa atin ng hindi sinasabi sa inyo. Kinailangan ko kasing sabihin yun dito para mapag takpan nya tayo kay mamang at papang." Sagot nito sa akin. Napangiti na lang ako kay Andrei. Hindi nyo kasi naitatanong na itong kaibigan kong ito ay mukha ng matanda kung mag isip. Kaya kahit hindi nito aminin ay ito talaga ang tumatayong pinuno ng binuo naming grupo e. "Ayos lang. Walang problema. Alam ko naman na kapakanan ko lang ang iniisip ko. May tiwala ako sa iyo, Boss." Sagot ko rito. Sumimangot ito ng tawagin kong Boss. Itinuloy lang nito muli ang pag babasa nito. Patuloy pa rin na nakaluhod si Marco sa monggo na parang wala lang dito. Iniisip ko tuloy kung ilang beses na bang nangyari na naparusahan ito gamit ang istilong iyon. Mayamaya ay pumasok si Agrippina na may dalang milk tea at nakiusyoso sa amin. Nung tinulungan namin itong hanapin ang nawawalang kalabaw nito na si Mio ay naging madalas na rin ang pag sama sama sa amin nito. Hinayaan na lang namin dahil madalas ay naaaliw naman kami sa bangayan nila ni Marco. "Anong meron dito. Ay pota ka, bakla bakit naka luhod ka dyan?" Tanong nito habang nainom ng milk tea. "Shuta ka, hindi ako bakla. Wala lang trip ko lang, gusto mo ba? Try mo rin, na kalalaki ng tite ito, Jake." Sagot ni Marco rito. "Gusto ko yang tawag mo sa akin na jake. Jake. Lakas maka fuccboi. Kakatuwa" Nakangiting sabi ni Agrippina na lumapit naman kay Marco. "Wala kang tite, Agrippina. Nakakalimot ka atang hayop ka. Kaya hindi bagay sayo ang katagang fuccboi." Basag ni Marco rito.  "Ha? Wala ba?"Tanong naman ni Agrippina dito. "Oo walang wala. Kaya Shuta ka, umihi ka ng nakaupo. Wag mong gayahin sila Andrei at Samjo na nakatayo. Kaya ang panghi panghi lagi ng short mong hayop ka, Eh. Sumasabog yung ihi mo sa short mo."Reklamo naman ni Marco. Napahalakhak na lang ako sa sinabi nito kay Agrippina. Hindi ko alam na ganoon pala ang ginagawa nito. Akala ko pang asar lan gsa kanya yun. "Eh, bakit ikaw nakita kita nkaupo umihi nung isang araw. Bakit hindi ka nakatayo tulad nila?" Tanong muli rito ni Agrippina sabay higop nito ng maingay sa milk tea nito. "Duh, excuse me. Walang sanggre ang nakatayong umihi, gaga. Bastos kang imaw ka, ah." Talak ni Marco rito. "Ano na naman bang ingay yan, Marco. Wag kang makipag daldalan at pinaparusahan kita. Kayo nga wag nyo ngang kausapin yang talipandas na yan." Biglang sulpot ni Aling Vicky sa kung saan. "Hala! Ninang anong nangyari sa iyo at bakit para kang pinarusahan ni voltes V sa itsura mo.?Nakipag beso ka ba kay jejomar at puri uling yang mukha mo." Tanong ni Marco kay Aling Vicky.  Doon ko lang din napansin na para nga itong nahaggard at naging taong grasa. Punong puno ng uling ang buong katawan nito pati mukha at ang gulo gulo ang buhok nito na parang hindi naligo ng isang taon. "Nag taong grasa challenge ako. Nag prank kami ng mga tao. Ayun epektib naman. Yun na lang ang ginawa naming content kanina ni Ka Celso, dahil sa kagagahan mong pag sira ng parody natin. Tignan mo ang dami naming naloko at pinag bibigyan kami ng barya at pag kain. Shuta! MAs mainam pa ito talagang manghingi. Hindi gaya ng ibang nasa philhealth, disente nga ang itsura mga mag nanakaw naman. Que barbaridad!" Pag mamayabang pa nito sa aming lahat. "Kuuu.. Kahit naman hindi na kayo mag lagay ng uling ni Ka Celso, ay mag baliw baliwan lang kayo. Tiyak mag mumukha na kayong pulubi, eh."Sabat ni Marco. "May sinasabi kang hayop ka?" Mataray na tanong ni ALing Vicky dito. "Wala, Ninang. Si Ricos yun, bumulong sa akin. Ang sama nyang bata noh" Sgot nitong nakangiti kay aling Vicky. "Another 10 minutes, bago ka umalis dyan inaanak. Uy Andrei. Kunin mo na lang sa labas yung groceries na hinihingi mo sa akin. At maliligo na muna ako."Sabi nito. Tumango si Andrei dito at nag pasalamat. "Shuta naman, Ninang. Ang sakit na sa tuhod, eh. Paano kapag nangitim ito. Papanget na ako nyan. Ninang!! Ninang!!!" Sigaw ni Marco ng malakas. "Marco, please lang wag ka naman maingay. Tapusin mo na lang yan, ilang minuto na lang naman at ng makaalis na tayo. Palagi na lang kami natatagalan dahil sa iyo." Sagot ni Andrei na isinara ang manga nitong hawak at tumayo na at pumalabas sa kusina. "Saan ang punta nyo? Pwede bang sumama?" Tanong ni Agrippina bigla. Nag tinginan lang kami nila Ricos at Marco. Walang sumagot sa amin sa tanong nito. Hindi kasi namin alam kung papayagan ba ito ni Andrei na sumama sa amin. Baka mapagalitan pa kami. "May pupuntahan lang kami na hindi importante. Maboboring ka lang, Agrippina. Saka bawal ang walang tite roon." Sagot ni Marco rito. "May malaking d***o ang tita Becky ko. Pwedeng kong kunin iyon para makasama ako sa inyo." Sagot ni Agrippina na agad naman nag palaki ng mga mata ni Marco at Ricos. "Talaga? Paano mo naman nalaman ang isang d***o? Teka? Bakit naman may d***o si ate Becky?" Tanong rito ni Marco na nakakunot ang noo.  "Ganito kasi yun. Binile nya daw yun sa baguiosa murang halaga lang daw. May astray pa nga na nakadikit dun sa pinaka dulo. Sabi nya sa kaibigan nyang bakla na si Mariveles ay yun daw ang ginagamit nyang d***o pag nasa malayo ang boyfriend nya. Hindi ko nga rin alam kung saan nya ginagamit yun basta ang laking tite nun. Pwede pa lang matanggal yun mga tite noh. Sa iyo rin ba Samjo natatanggal? Sagot naman ni Agrippina kay Marco at may pahabol pang tanong sa akin. Namula ako sa tanong nito. Habang si Ricos naman ay tinignan ang pototoy nito sa suot nitong short. Mukhang sinubukan nitong tanggalin iyon. "Shuta ka. Agrippina lumayas ka sa harapan ko baka hindi kita matantya at maipakain ko sayo itong lahat na monggo na niluluhuran ko." Banta rito ni Marco. "Bakit? Ano bang problema sa tinanong ko, ha?" Clueless na sabi ni Agrippina. "Shuta ka!." Sabi pa ni Marco rito. Lumabas na lang din ako roon at sinundan si Andrei sa labas. Doon na lang namin hihintayin ang mga ito. Naabutan ko si Andrei na inaayos ang mga de lata na galing kay Aling Vicky. Tinulungan ko na lang din itong mag ayos. "Marami rami rin ito, Andrei. Sigurado matutuwa nito sila Kuya Nico at Isaiah." Sabi ko rito habang nag sasalansan. "Oo, nakahingi rin ako ng gamot sa clinic ng barangay natin para may mainom naman na gamot ang nanay nila." Sagot nito sa akin. Nakakabilib din talaga ito eh. Ang ibang batang kaedaran namin ay pag lalaro ang inaatupag pero ito pag tulong talaga sa kaibigan ang laging priority.  Pera sana ang ibibigay ko kila Isaiah, dahil medyo may kalakihan naman ang perang nakuha ko sa vault pero sabi nito ay pag kain na lamang dahil baka makita pa iyon ng tatay nila Isaiah at kunin pa daw.  Medyo lasinggero at sugarol kasi ang ama nung dalawa. Madalas naming gawin ito na pumunta kila Kuya Nico at Isaiah upang bisitahin sila sa kabilang Baryo. Simula kasi ng hindi sila sumulpot sa lihim na tagpuan at bahay na puno namin sa bundok ng ilang beses ay sinikap namin alamin ang bahay nila. Nag tagumpay naman kami sa tulong na rin ng kaibigan naming si Pam. Medyo mag kalapit lang kasi ang bahay ng mga ito.  Nang maayos namin ang mga kakailanganin namin ay umuwe muna saglit si Andrei sa kanila para kunin pa ang ibang groceries na inipon na rin nito nung nakaraang linggo. Ilang saglit pa ay lumabas na rin sila Marco at Ricos kasama si Agrippina. Ngiting ngiti na ang mukha ni Marco ng lumabas ito. Mukhang may nangyari na hindi ko alam sa loob. "Nasaan na si Andrei. Tara na at baka gabihin pa tayo makauwe at hindi ko pa mapanood ang Encantadia." Sambit ni Marco sa akin. "Sandali lang at may kinuha lang si Andrei sa kanila. Teka bakit parang ang saya mo pa rin, eh pinarusahan ka na nga." Tanong ko dito ng mapansin na panay ang ngiti nito. "Paano nautakan nyan si Mamang Vicky. Lutong monggo pala ang kinaluluhuran nya tas yung sa gilid lang ang hilaw. Kanina ko lang din nalaman, Samjo." Sagot sa akin ni Ricos. "Ang sabi ni Ninang ay lumuhod sa monggo. Hindi naamn nya inespecify na hilaw. Kaya pasok pa din yun sa banga, Ricos. Hambalusin kita dyan, eh. Doon na lang natin hintayin si Andrei, Samjo. Dali na baka makita pa ako ni Ninang dali." Sabi nito at tila nag mamadali pa ng buhatin ang dalawan gplastic ng groceries. Sumunod na lamang ako rito at binitbit na rin ang tatlong plastic habang si Ricos ay dalawang plastic naman. Nag paalam na sa amin si Agrippina dahil may kukunin pa daw itong mahalagang bagay kay Ate Becky nya. Mukhang may misyon ito na dapat gawin  kasi tinanguan pa ito ni Marco. Kaloohan na naman iyon panigurado. Nakasalubong namin si Andrei na bitbit naman ang isang kahon. May bitbit na rin itong bag na palagi nitong dala kapag may ganito kaming lakwatsa. Dumiretso na kami sa sakayan at nag hintay ng jeep papunta sa baryo nila Isaiah. Ang Baryo MARUPOK. ---1---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD